11

1 0 0
                                    

April's POV

I spent the next days moving into my new office, putting up my things inside, shopping for additional materials and gradually dealing with work as they begin to set in.

Di makapaniwala si Jason na ako yung pumalit sa dati niyang secretary na si Mrs. Gordo. Gaya nga ng sinabi ni Elle nung isang araw, hinayaan kasi ni Jason na yung HR yung pumili ng magiging kapalit niya, provided na marunong sa secretarial work. Turns out pasado ako sa lahat ng qualifications. Hehe.

I'm typing a letter para sa I.T Department, requesting a follow up dun sa monthly report nila. Inatasan kasi ako ni Jason na kuhanin ko lahat ng monthly report ng bawat department and have it by his table bago matapos yung linggo. Jason's having a meeting kasama ng upper management team niya, I think they're planning for a new project.

After I hit send, nag recline ako sa upuan ko. San kaya ako kakain mamaya? Right then, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Pagkabukas nito, si Miranda yung lumitaw. 

"Miranda, is that you?" 

"April!" Naglakad siya papunta sa desk ko. I stood up and shook her hand.

"Natanggap ka pala? Nice one!" Somehow, I felt happy that she's here. Napaka warm at comforting yung presence niya.

"Lalapitan sana kita nung nag totour ka, kaso may ginagawa kasi ako nun. Pero uy, natanggap ka rin!"

"Natanggap tayo parehas," tumawa kami and pinaupo ko siya sa upuan.

Naupo ako sa tabi niya. Nung una, tinanong ko siya kung may gusto ba siya, she declined, sinadya niya lang talaga daanan ako para icongratulate at iwelcome rin sa company, aalis rin siya agaran. I took this opportunity to get to know her, her hobbies, interests and everything. Ganun talaga kasi ako sa mga bago kong kaibigan. Nagkwento rin naman sa part ko. 

Di nagtagal, tumayo na rin si Miranda at nagpaalam na. Babalik pa raw siya sa workplace niya, magtutuloy raw kasi yung meeting nila para sa update na ilalaunch nila para sa Quad. 

And I was alone again in my office. 

Tinignan ko yung stack ng mga folders nasa desk ko, halos lahat ng department nakapagbigay na ng monthly reports nila, maliban nalang sa Legal, Marketing at I.T departments. Pero ang sabi naman sakin ng managers ng Legal at Marketing ay maabot nila yung reports nila bago matapos yung araw. Something inside told me to take them at their words.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa mga binata. I stared down at Sunset Boulevard, watching people and cars go by. Tumingin naman ako sa katabing dagat nito, just some few boats and vessels out today. Bumalik ako sa desk ko at tinignan yung listahan ng mga gagawin ko pa. Woo, ang dami pang kailangan gawin.

Pero naisipan kong iadd muna si Miranda sa FB bago ako magsimula magtrabaho ulit. Sinearch ko si Miranda Perez sa FaceBook and clicked add. I kinda did some stalking as well, di ko napigilan sarili ko kasi eh. Totoo pala yung sinabi niya kaninang nagtapos rin siya sa National College na may degree sa Software Engineering. 

I read some of the posts available and soon went back to work. Binuksan ko ulit yung email ko at may reply na galing sa I.T, masasabay na raw nila yung report nila kasama ng Legal at Marketing.

--------

Lunch time. 

Originally, plinano kong kumain sa isang cafe nearby, kaso ininsist ni Jason na sabayan ko na siya kumain ng lunch sa isang fancy na restaurant. Libre niya raw first lunch ko sa company niya. Syempre di naman ako makakatanggi. Libre niya eh. 

"Are you done?" Tanong ni Jason, nakalean siya sa isang post ng pintuan ko. 

"Yes sir," Inoff ko na yung computer and grabbed my bag. "Uy, um.. Uh sir, I think I've kept you waiting, I'm really sorry.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Again?Where stories live. Discover now