4

7 0 0
                                    

April's POV

"Yes sir, I'd to speak with Ms. Albay.." Sabi ko while cradling the wireless telephone sa balikat ko, gamit ko rin kasi PC ni Janna. "Okay, I'll wait. Thank you."

"Ansabi ng kausap mo?" Tanong ni Janna. Apparently I went over to her apartment to spend the weekend.

"Didirect niya raw sa office ng secretary ni ma'am Albay, antay lang raw ako."

She nodded. "So the rumors were true nga. Mga big time people yung ininvite ng bangko para sa event."

Magsasalita na sana ako, kaso biglang may iba nang boses ang sumagot sa telepono. Boses ng isang confident at friendly na babae.

"Ms. April?"

"Speaking. Is this ma'am Albay's secretary?" I asked.

"Yes. I was told you would like to schedule an appointment?"

"Yes, but I'd like to set it in whatever time and date ma'am Albay would be comfortable with." Sabi ko.

"Okay! Just please give me your email address and I'll send you Ms. Albay's response on the matter. Thank you!"

Binigay ko email ad ko, nag thank you at binaba na rin yung phone.

"Gusto ko sana samahan ka sa mga pupuntahan mo," sabi ni Janna. "Kaso may work eh."

"Pwede naman ata eh. Just have someone cover for you."

"I can't just skip work like that!" Patawang sinabi ni Janna. "Wag mo ako itulad sayo no."

Tumawa rin ako at lumapit kay Janna para tignan yung ginagawa niya. She's been busy preparing cupcakes, isa sa mga hobbies ni Janna kasi ang pagbabake. Natandaan ko nun nung 23rd birthday ko, siya gumawa ng mga cookies, cupcakes and even yung cake ko para di na ako gumastos. Needless to say, nagenjoy yung buong office sa mga nahanda niya nun. I also remember bringing some to my family nung niyaya nila ako pumunta sa bahay para magcelebrate rin dun ng birthday ko. Nagenjoy rin naman sila sa mga gawa ni Janna kahit papaano.

"May maitutulong ba ako?"

"Ikaw na yung maglagay ng frosting," sabay abot ni Janna sakin ng isang pastry bag. "Ayusin mo ah."

Nagkwentuhan kami ni Janna habang abala kami sa mga cupcakes. Nagkwento siya tungkol sa mga latest sa opisina, ako naman nagkwento tungkol sa latest sakin.. Mga ganung bagay.

"So April, ano pakiramdam na kasama si Jason dun sa mga kailangan puntahan mo?"

"Ewan ko actually, haven't given much thought to it. Siguro.. happy at the same time... Kinakabahan? Iba kasi yung dating nun eh. Sa lahat ng mga pupuntahan ko, siya lang yung kilala ko talaga... Or used to.."

"Hmm. Pero payo ko sayo, pagharap mo dun, formality ah. You guys are at work."

Nag nod ako. Tama naman siya. "Yep. Noted. Salamat Janna."

"Okay!" Pangiti niyang sinabi. "Tulungan mo na ako ilagay mga 'to sa oven! Bilis! Para makakain na tayo!"

--------

I made my way palabas ng office ng Albay Insurance Inc., nareceive ko kasi sa email ko yung reply ni Ms. Albay about sa seminar ng bangko. Payag siya, pero pinapunta pa ako sa office niya kanina para magclarify ng mga onting mga detalye.

Naupo ako sa isang bench sa labas ng opisina, nagiisip kung saan kakain ng lunch. I checked my phone, just the usual messages from Janna and Michael, kinakamusta ako sa mga ginagawa ko ngayon. I stared at my phone, thinking of what to reply sa mga messages nila. Nothing. Pumunta ako sa messages ni sir Luthor sakin at nagbigay ng mga updates sa meeting ko with Ms. Albay.

You Again?Where stories live. Discover now