10

1 0 0
                                    

April's POV

Apparently, me being accepted in one of the country's most successful tech companies called for celebration on the part of my family and friends.

Word of the HR Department's call yesterday got around quick. Before I knew it, tinawagan na ako nina ma at pa, ni Hannah, mga relatives ko.. Sina Janna, Michael at yung mga iba kong mga kaibigan naman, binulabog ako sa text. Tinawagan ako ni Brandon at nung fiancée niyang si Jazmine, congratulating me sa pag tanggap sakin ng MultiLinks. My friends from the Roasted Bean cafe naman, nangakong pupunta rin at magdadala ng mga pagkain.

Nagkaintindihan kaming lahat na mamayang gabi yung celebration. Inagahan ko na yung pagsimba, pagbalik ko sa apartment ko, tinawagan ko na si Janna, nangako kasi siyang tutulungan niya ako sa pagaayos ng apartment para mamayang gabi. Alam ko rin naman na di namin makakayanan linisin 'to bago sumapit yung celebration, kaya tinawagan ko na rin si Zyana. I figured it would really be nice na magkakilala yung dalawa kong bestfriends.

"Meet who?" Tanong niya.

"Si Janna. Janna Claros. Kaibigan ko from work ko dati sa Capital Banking."

"Oh. Sige sige, magaayos lang ako then dederetcho na ako diyan. Congrats ulit April!"

"Thank you Zy! Sige, see you!"

Binalik ko na yung cellphone ko sa bulsa ng shorts ko. Hay, andaming kailangan ayusin para mamaya.

"So si Zyana," sabi ni Janna, habang nagtitingin ng mga libro sa shelf ko. "Kelan pa kayo magkaibigan?"

"Simula't pagkabata," sabi ko. I smiled, remembering the memories I had with Zyana ever since elementary. "Magkaibigan kasi mga magulang namin." 

Janna nodded. "They say pag lumgpas ng seven years yung pagkakaibigan niyo, bound to last forever yan eh."

"Lagpas seven years na kami eh," nilapitan ko si Janna at inakbayan siya. "And tayo rin, soon."

Ngumiti lang siya at inalis sarili niya sa akbay ko, pumunta si Janna sa may kitchen at may hinalughog sa mga cabinet sa ilalim ng lababo. Moments later, lumitaw siya, may dalang mga pamunas, walis at mop. Nilapitan ko siya sinabing ibaba niya muna yung mga dala niya since wala pa si Zy.

"Ano, excited ka lang?"

"Sorry na. Bukod sa gusto ko nang matapos maglinis, gusto ko rin makilala si Zyana no."

I smiled. Lowkey naeexcite ako, magkikita sina Janna at Zyana, ano kaya sunod na mangyayari?

Dumeretcho nalang si Janna sa ref and got a can of juice. Bumalik siya kung nasan ako at naupo nalang sa couch. She started her usual rambling about work and Franklin. I sat beside her, listening, often taking a sip dun sa juice na kinuha niya mula dun sa ref. 

"So April, tumawag na yung sa MultiLinks. May balita ka sa Bawnrell?"

"No.. Pero mataas parin yung pagasa kong tatawag sila though."

"Kung tumawag man, wag ka nang mag commit. Nakapag oo ka na sa MultiLinks eh." 

Napaisip  ako then saka ko naalala. Oo nga pala, nangako na akong pupunta ako sa office nila bukas para sa office tour. Nag nod nalang ako sa kanya. Just in case na tumawag yung Bawnrell, kailangan ko nang magsabi ng no. 

As Janna was giving me tips on dealing with the first day on the job, nakarinig kami ng katok sa pintuan. Napatigil momentarily siya sa pagsasalita, tumayo ako ako buksan ito.

It was Zy.

--------

Natapos kaming maglinis around  4:30, turns out kung san san ko nalang tinatambak mga gamit ko kaya natagalan kaming tatlo sa paglilinis. Hehe. Anyway, Janna and Zy really enjoyed each other's company. Yung Boyce Avenue ang naging common ground sa kanila, kuamkain na sila ngayon, even though I told them may handaan naman mamaya, to which they assured me na makakain parin sila. Kaya tumataba eh. Anyway, naglalakad ako around the unit, tinitignan kung maayos na ba ang lahat for later. 

You Again?Where stories live. Discover now