8

2 0 0
                                    

April's POV

"Mag-aapply ka dun?!" Gulat na tinanong ako ni Janna. Kumakain kami ngayon sa isang restaurant. Lunch break niya kasi ngayon. "Sana ako yung unang nakaabot sa telepono nung tumawag yung HR ng MultiLinks sayo nun.."

"Yeah, and besides I think my chances of being accepted are good kasi--"

"... Kakilala mo yung CEO?" Janna scratched her head. "April kung nagiisip ka nung ganun, nagkakamali ka."

"Alam ko yun," I sighed. "Gusto ko lang talaga mabalik ulit sa corporate work. Dun ko talaga nakikita sarili ko.."

Janna took a bite from her salad. She's still looking at me intently, siguro di parin makapaniwala sa decision kong mag-apply sa MultiLinks. Ningitian ko nalang siya at inantay na matapos siya dun sa kinakain niya, saka na ako nagsalita.

"You don't have to worry about me Janna," sabi ko. "Alam ko yung ginagawa ko."

"Pano ako di mag-aalala sayo? Eh ikaw nga 'tong nagbabalak umalis ng trabaho mo ngayon para maka-apply diyan sa MultiLinks? Pano kung di ka matanggap tas nakaalis ka na sa pagiging barista mo? Ano plano mo?"

"Remember those two other companies who called? Either of the two nalang dun." I said, after sipping my drink.

"April, I don't know. You're venturing into something else here.. Pero sige. Own choice mo naman."

"Thank you! If ever man matanggap ako dun, sana di parin tayo mawalan ng mga moments tulad nito, I understand na magiging mas malayo na yung mga opisina natin sa isa't-isa." 

"Sana nga.. Anyway, tapusin mo na yang kinakain mo April, matatapos na rin yung lunch time ko. Hahatid na kita papunta dun sa kotse mo."

--------

Later that night, Jean flipped the sign of the cafe from open to closed. Kaming mga ibang staff naman naglilinis na ng cafe, another busy day has ended for us. Bukas nanaman. Habang naglilinis ako ng mga table, napatingin ako sa labas. Tahimik na, onti nalang yung mga taong naglalakad sa kung san man sila papunta, onti na rin yung mga kotseng bumabyahe. 

"Huy April, ang lalim ata ng iniisip mo diyan." Biglang sabi ni Ms. Ainah, yung store manager namin, sa tabi ko.

"Hindi po ma'am," I smiled apologetically. "May naalala lang po."

"Hmm. Sige. Kelan interview mo sa MultiLinks?"

"This coming Friday po. Bakit po?"

"Wala naman. I wish you all the best sa mga interview mong yan. Pero lagi mong tandaan na may family ka ditong pwede mong balik-balikan if ever.."

Months palang yung stay ko dito sa Roasted Beans, pero agad na nila akong tinaggap sa crew nila... Or should I family? Ang solid nila, as in. Trabaho na kung trabaho, pero pag nakakalibre ng oras, lumalabas nila. Para na nga ring kapatid yung turingan nila sa isa't isa. With the exception kay Ma'am Ainah na minsang tinatawag nilang "nay", and I can see why naman.

Nagpasalamat ako at ningitian ko si Ma'am Ainah at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nung nalinisan ko na lahat ng mga tables, bumalik na ako sa staff area at kinuha yung jacket ko, nagbihis na rin ako ng pang alis. Nilabas ko mula sa bulsa yung susi ng kotse ko, nagpaalam na sa mga iba kong katrabaho at kay Ma'am Ainah at naglakad palabas. Although malapit lang yung Roasted Beans sa apartment ko, may dadaanan pa kasi ako kaya ko dinala yung kotse. 

I finally settled into my car and let out a deep breath. I stared into the road ahead, wala masyadong mga posts na nakailaw, baka abutin pa ako ng madaling araw sa pupuntahan ko, kailangan ko siguro dumaan sa isang convenience store para sa kape.

You Again?Onde histórias criam vida. Descubra agora