HIGHSCHOOL

8 0 0
                                    

Jason's POV

"... I'm not looking for somebody with some superhuman gifts.." Medyo pumiyok si April sa part na yun.

Tinigil ko yung pag gigitara ko.

"Pang ilang piyok mo na yan?" Pabiro kong tinanong.

"Antaas naman kasi 'tong kanta na pinili mo para sa talent portion natin bessy." Reklamo niya.

"Wag mo sabihin na di mo kaya yung Something Just Like This ng Chainsmokers?" Sabi ko. "Eh paborito mo yun diba?"

Tumawa nalang si April.

"G na G ka nga nung yun sinuggest ko eh," sabi ko.

Even kahit highschool at magkaklase kami ni April, kilala parin siya sa buong school. Ngayon nga, siya yung napiling pambato ng section namin sa isang pagent eh, (swerte ko talaga magkaklase kami). At ako yung pinili niyang tulungan siya sa talent portion niya. (Napansin niya siguro yun kasi madalas ako mag gitara twing music class namin. Yiiee, kilig ako.)

"Kala ko naman kasi kaya ng boses ko," nagtawanan kami parehas.

May sasabihin sana ako, kaso bigla nalang siya tumayo at chineck yung phone niya.

"Nagtext sakin boyfriend ko," sabi niya. "May orientation nga pala kami about sa pagent. Badtrip! Nawala sa isip ko!"

Naalala ko bigla, oo nga pala. May boyfriend pala si April. Si Brandon, yung kaklase naming mautak na nga, may itsura pa.

"Magmadali ka na," sabi ko sa kanya. "Kasama ba si Brandon sa mga organizers ng event?"

"Yeah," sabi ni April. "Sige sige Jason, dederetcho na ako sa auditorium. Anong next subject natin?"

"Umm, math."

"Sige sige, kaya yan, algebra lang naman." Sabi niya. "Sige Jason, kumain ka ng lunch mo. Salamat ah!"

"Sure," sabi kong nakangiti. "Tandaan mo lahat ng kailangan mo tandaan sa orientation niyong yan ah."

"Naman." Ningitian niya ako tapos nagsimula na siya tumakbo papunta sa hallway.

I watched her go. Swerteng swerte talaga si Brandon sa kanya. Mabait, matalino at maganda pa yung girlfriend niya. Huminga ako ng malalim at binalik yung gitara ko sa casing nito. Sana nagluto sila ng masarap na pagkain ngayon sa cafeteria.

--------

Kinabukasan, nung oras ng recess namin, lumabas na ako ng classroom para mag CR.  Nakasalubong ko sa corridor yung Student Coordinator namin, nung nakita niya ako, sumenyas siya sakin at nilapitan ko siya.

"Kaklase mo ba si April Lenares?"

"Um, opo sir.."

"Ah," ningitian niya ako. "Pakisabi sa kanya na mamayang dismissal yung practice ng pagrampa ng mga kasali sa pageant."

Tumango ako at dumeretcho muna sa CR, pagbalik ko sa classroom, napansin ko na wala sa upuan si April... Pati si Brandon. Asan sila?

"Uy Migs, asan yung dalawa?" Tanong ko, habang nakuturo sa mga pwesto nila.

"Lumabas si April bro.. Kasabay niya si Brandon. May kukunin raw sa faculty ng mga teachers." Sabi niya.

"Iiwan tayo ng class president natin?" Si April rin kasi class president namin. "Uy di pwede yun."

"Ewan ko bro," sabi ni Migs. "Kung desperado ka talaga hanapin, sige. Sundin mo."

Lumabas ako muli ng classroom at tumakbo papunta sa faculty room ng mga teachers. Pagkarating na pagkarating ko dun, nakita ko si Brandon inaayos yung mga papeles sa isang desk sa tabi ng pintuan ng faculty.

You Again?Where stories live. Discover now