COLLEGE

9 0 0
                                    

Jason's POV

I made my way from Mang Inasal pabalik ng main gate ng NC. Kasama ko sina Alexis at yung mga iba naming kaibigan. 

"Sulit talaga yung unli rice ng no?" Tanong ng isa sa mga kasama namin.

"Well, strategy kasi nila yung--"

"Oh come on Jason," Sabi ni Alexis. "Enough with that business stuff. Sama ka mamaya?"

"Saan?" Napatanong ako. Kung tutuusin, mukhang malabo ako makapunta sa mga gimik na binabalak ng mga 'to. Sa group of friends kasi na 'to, ako lang yung 4th Year College. Wala eh, irregular ako eh.

"Iinuman lang kila Franz." Sabi niya. "G?"

I thought for a moment. "Nah, I can't. May mga pinaparevise si sir sa chapter 4 ng thesis namin eh."

"Lagi namang ganyan," sabi ng isa naming kaibigan. "Wala ka nang oras para samin.."

Napatawa nalang ako. Ito yung usual na binabanat sakin ng mga 'to pag di ako makakasama sa mga galaan nila.

"Someday," sabi ko sa kanila. "Makakasama rin ako sa mga gala niyo."

Narating na namin yung main gate. Naghiwa-hiwalay na kami papunta sa aming mga iba't-ibang mga klase. I have e-Commerce today, dumeretcho ako sa classroom at ineexpect na andun na si Prof.  Sales, pero pagkarating ko dun, wala pa pala siya. Sana may free cut kami. Pinuntahan ko yung mga iba kong blockmates na nagkukumpulan sa isang sulok. Nagkwekwentuhan lang pala sila ng mga recent experiences nila sa gawaan ng thesis. Sobrang hassle promise. Nakisali rin ako, at di nagtagal, umalis nalang ako sa grupo at bumalik sa kinauupuan ko.

"Nasa dugo na pala ng pamilyang Francisco ang business eh no. Lagi kong nalilimutan yun,"

Napatingin ako sa upuan sa likod ko. Si Robert pala yun. Apparently, after graduation ng elementary, lumipat siya ng school. Di kami magkasama buong highschool life ko. Nagkita kami ulit dito sa National College, nung nalaman kong blockmate ko siya dito sa Business Management.

"Lagi mo nang tandaan yun," Napatawa ako. "Kamusta thesis mo bro?"

"Badtrip 'tong isang kagrupo ko, napaka perfectionist,"

"Ayos lang yan!" Sabi ko. "Training yan,"

"For what?" Tanong ni Robert.

"Corporate work." Nagtawanan kami parehas.

Inexucse ko sarili ko para pumunta sa CR. Nadaanan ko classroom nila April, apparently she also took up business, specialization nga lang sa marketing. Nasa kalagitnaan siya ng pagerereport niya kasama ng mga kagrupo nung napadaan ako. Kahit college, taglay parin ni April yung ganda niya. Ang nagbago lang sa kanya yung medyo light brown na yung buhok niya, gawa ng pagpapakulay niya nito before. At ngayon, nagsasalamin na siya, bagay talaga sa mukha niay yung bilog niyang salamain. 

Napatingin si April sa bintana at sakin nung padaan ako, tumango lang siya sakin at ako naman, ngumiti lang. Oo, magkaschoolmate kami ni April dito sa National College, pero bihira na kasi kami magusap, bukod sa sobrang busy sa pagaaral, isa pang factor dun ay yung pakikipagbreak niya kay Brandon. Siguro ayaw niyang pagusapan yung nangyari. Hanggang ngayon di ko parin kasi alam yung mga talagang nangyari... Sana makwento niya sakin sometime.

Pagbalik ko ng classroom, nakita ko na si Prof. Sales hinahanda na yung laptop niya. Agaran akong bumalik sa upuan ko sa tabi ni Robert. 

"Hinahanap ka ng mga kagrupo mo kanina," bulong niya sakin. "Overnight raw buong grupo niyo sa bahay ni Franklin. Tatapusin niyo raw buong chapter 4 niyo."

You Again?Where stories live. Discover now