5

6 0 0
                                    

April's POV

After riding the elevator up till the 24th floor, the secretary led us down a quiet corridor na may mga onting pintuan sa mga gilid-gilid.

Yung office ni Jason nasa pinaka dulo ng hallway.

Medyo bumbilis yung pagtibok ng puso ko habang papalapit kami ng papalapit. Pano ba naman, ilang taon na lumipas since yung huling pagusap namin. Di ko alam pano siya kausapin, yeah siguro magiging about work yung topic ng usapan namin, pero iba parin talaga eh.

Tumigil kami sa harapan ng pintuan niya. 

"Please wait here," sabi ng secretary. Kumatok siya bago buksan yung pintuan. Di namin ni Janna nakita si Jason agad.

"...Yes, andito na sila." Sabi niya. "Hm, sige sige.."

Tumingin samin ulit yung secretary at ngumiti. "Mr. Francisco's on the phone as of the moment. But he'll be with you shortly."

Nagnod lang kami at umupo sa mga waiting chairs sa labas ng opisina niya. Pumasok yung secretary sa office ni Jason.

Namuo yung silence sa pagitan namin ni Janna. "Huy, ayos ka lang?"  Tanong niya.

"Yeah, iniisip ko lang pano yung magiging flow ng usapan namin."

"Ano ba yan April!" Napatawa si Janna. "Akala ko ba work purposes pinunta mo dito? Bat ka kinakabahan? May balak ka bang baguhin yung topic?"

"Wala. Hayaan mo na nga ako Janna! Kainis ka."

Tumawa lang ulit si Janna. Nagbukas bigla yung pinto sa opisina ni Jason at lumabas yung secretary dala-dala yung isang box ng papeles.

"Sige, Mr. Jason, dadalhin ko lang 'to sa finance department."

Di ko narinig sinabi ni Jason.. Or may sinabi ba siya? Anyway, tumingin samin yung secretary at pinapasok na kami sa opisina. Tumayo kami ni Janna at naglakad paloob.

Nagulat ako sa itsura ng opisina ni Jason Francisco. As in.

It was a big rectangular office room with  vertical windows that showed the view of the city as well as Sunset Boulevard. Fronting the windows was his polished, brown, rectangular table. On the right and left sides from the table were huge bookshelves, fronting his table were two pairs of black moon chairs. May carpet rin with a small round table sa harapan ng brown couch... My eyes went back dun sa table and saw Jason there. Busy siya sa pagaayos ng mga papeles, tumingin siya bigla samin ni Janna na nagaabang dun sa pintuan.

"Ah, I didn't see you back there. Come in!" 

Pumasok kami ni Janna at dumeretcho sa table ni Jason. Inayos ulit ni Jason yung table niya at ngumiti samin. Nauna si Janna sa pagextend ng kamay niya sa kanya.

"Ms. Janna Claros sir, it's a pleasure meeting you."

"The pleasure's mine, Ms. Claros." Sabi niya, shaking her hand.

Tumingin na sakin ni Jason. I swear na nahalata ko na momentarily nawala yung ngiti niya, naalala niya pa siguro ako... Pero ang laki ng pinagbago niya.. Ibang iba siya sa Jason na kilala ko, sa Jason na nagbigay sakin ng Quad laptop kailan lang.. Or siguro ako lang nagiisip nun?

"Uhm, Ms. April Lenares sir. It's good to see you."

Bakit ko sinabi yun?! Argh! Hay, calm down April. Calm down.

Ngumiti rin sakin si Jason at nakipagshake hands rin sakin. "Ms. Lenares."

Jason had a strong grip, I could say. Nung pinakawalan na niya kamay ko, napansin niyang nakatayo parin kaming tatlo. "Please sit! Make ourselves at home."

You Again?Where stories live. Discover now