1

9 0 0
                                    

April's POV

Ring! Ring! Ring!

Bumukas mga mata ko sa tunog ng alarm, at agad sumalubong sakin yung dilim na bumabalot sa kwarto. Hay.. Oo nga pala, Lunes nga pala ngayon. I let out a yawn, turned the alarm off and tinignan yung oras sa cellphone ko.

6:01 AM

Wooh. May oras pa ako para magprepare para sa trabaho. Yung opisina namin is just a few kilometers from my apartment, pero di ko afford malate ngayon. May meeting nga pala ako kasama ng buong marketing department. Pano ba naman, dumating yung mga reports samin na medyo nagdedecrease yung popularity ng Capital Banking Inc. (Oo, diyan ako nagtratrabaho) sa mga tao. We need to find a way para maboost up ulit yung bangko.

Lumabas na ako mula sa bedroom at dumeretcho ako sa salamin na nasa tabi ng pintuan ng CR. Inayos ko ng onti yung shoulder-length kong buhok, inalis ko na yung pagkakulay ng buhok ko after kong grumaduate ng college, baka kasi maapektuhan nun yung pagtingin sakin ng mga interviewers.. Just playing safe lang naman. Saka ko nalang ayusin yung iba pagtapos kong kumain at magayos, naisip ko.

Matapos, dumeretcho na ako sa kitchen at nagluto ng scrambled eggs, pinainit ko yung kanin from last night. Nung naluto at napainit na, nilagay ko na mga 'to sa plato at pumunta sa table. Umupo ako at nagsimula nang kumain. Bat parang pagod na pagod ako ngayon? Ay oo nga pala, nagovertime pala ako kagabi.. Tumayo ako para kumuha ng maiinom, then tinapos ko na yung pagkain ko. 

Ako kasi yung tipong tao na gusto ayos na lahat bago gamitin, so with that in mind, pumunta na ako sa cabinet ko at kinuha mula sa mga hanger yung light dark kong suit, white longsleeves at yung light dark ko ring knee-length formal skirt. Mga ganito yung hilig ko talagang suotin pag papasok sa trabaho. Anyway, nilapag ko sila sa sofa at dumeretcho na sa banyo para maligo. 

--------

Nilock ko yung pinto ng apartment ko bago ako naglakad papunta sa elevator. Habang inaantay ko umakyat yung elevator, chineck ko yung mga notifications at emails sa phone. Huhu. Please please wag niyo na ako tambakan ng mga gagawin. Meron rin naman diyang mga iba dibaaa.

- Sir John Esguerra
Re: BCGS Application

Nope. Nope. Scroll down ka pa April.

- Marco Coppenfield
Re: Union Expo

- Ms. Ana Delos Santos
Re: Marketing Strategies Seminar

Okay. Naririnding na ako sa mga nakikita ko. Puro application deadlines, seminars.. Wala na bang iba?! Nagpatuloy lang ako sa pagscroll hanggang sa...

- BFF Zyana
Re: HOY MAGRESPOND KA! :))

Thank goodness. Binuksan ko yun at agad tumambad sakin yung mahaba-habang (at madrama?) Pero bago ko pa mabasa yung kabuuan ng email, nagbukas na yung elevator. Binasa ko nalang lahat habang bumababa ito papunta sa ground floor.

- Beshie! Anyare sayo?! Di ka na nagrereply ever since last week... Was really worried though. Kala ko di mo na kinaya mga gawain mo diyan sa bangko mo! Haha! Anyway, kamusta ka? I miss you April! Magkita naman tayo soon! Last na nagkita tayo was... 2-3 weeks ago? Huhuhu sorry ang clingy ko. Hirap talaga magadjust... Di parin ako makapaniwala na pinadala ako dito sa satellite office nila. :(( anyway, let's catch up ah! Miss you naa. xx

I smiled as I shook my head. Zyana talaga... Naglakad na ako papunta sa Maxx Sedan ko. I scratched my head. Pagkapasok at pagkaupo ko, pinatong ko sa manibela yung mga kamay ko. Ano nga ba mga gagawin ko pagkarating ko sa opisina?.. Hmm... Tatapusin yung concept plan para sa new commercial... Meeting with the advertisement team.. Meeting with the finance team.. Then... Ay oo nga pala! Meeting rin with the marketing team. Hassle this day. Ano ba yan...

You Again?Where stories live. Discover now