Kumusta na kaya si Raegan? 

Halos limang buwan na noong nagbreak kami at huling nagkita. Matagal na rin noong huli akong tinawagan ni Alexa para kumbinsihin akong balikan si Raegan. Minsan natetempt akong tawagan si Alexa para kumustahin siya at si Raegan, pero alam kong busy siya sa best friend niya. Hindi na rin ako magtataka kung sa tinagal na panahon na kasama nila Raegan si Katarina ay alam na niya ang totoo.

Pano kaya hinandle ni Katarina ang balitang may split personality ang girlfriend niya? Sila pa kaya? Kelan kaya ang kasal nila?

Binasa ko ang mukha ko. Ilang buwan na pero hindi pa rin mawala wala sa isip ko si Raegan, si Alexa, si Katarina at ang Familia Olympia. 

Matapos ko mag-half bath ay natulog na ako. Dahil sa pagod ko ay madali akong nakatulog.

===========

"You look like shit." Bati ni Hail nang pagbuksan ko siyang pinto. "Natulog ka ba?"

"Oo." Di ko na pinansin ang kumento niya at tinulungan siya sa dala niyang pizza.

"Kelan ba tayo huling nagkita? You look like you've aged 5 years since we last saw each other."

"Wag kang OA, nag-coffee tayo last month."

"You need a new haircut." Puna ni Hail sa buhok ko. "It's growing too long."

"Gusto mo lang ata ako akitin sa labas eh." Tawa ko. "You want to get your hair colored, no?"

Medyo pansin na rin kasi ang brown hair ni Hail at mahaba na rin ang undercut niya.

"Actually, yeah. Pero kung ayaw mo talaga, wala naman akong magagawa."

"Asan pala si Jaguar?"

"Tinataguan ako. Ayaw niya ata sumama kaya iniwan ko na lang."

"Okay."

Nasa kitchen si mama kaya doon kami dumeretso ni Hail. Inilapag namin ang pagkaing dala niya at naghain na ako.

Nang matapos kami kumain ay pumunta kami ni Hail sa kwarto ko kung saan naghihintay sa akin ang research paper ko. 

Naupo si Hail sa kama habang ako naman ay naupo sa chair sa desk ko. Kinuha ko yung laptop at iniabot kay Hail. 

"It's not much but I'll appreciate anything from you."

"Okay, teka. Basahin ko lang to."

Habang nagbabasa si Hail ay naisipan kong ayusin ang desk ko. Tinapon ko ang mga dapat itapon at itinabi ang mga dapat itabi. Ibabalik ko na sana yung sticky notes ko sa pinaka ilalim na drawer ko nang mapansin ko ang isang envelope sa loob. Hindi ko maalala kung anong laman noon kaya kinuha ko ito at binuksan.

"Oh, shit."

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung ano yung envelope na binuksan ko. 

"Bakit, ano yun?" Napatingin sa akin si Hail.

"I....I opened it."

"What's that?" Itinabi ni Hail ang laptop ko at nilapitan ako.

Inabot ko kay Hail yung envelope at tiningnan niya ang unang papel sa loob.

"Henry?" Nakakunot ang noo ni Hail nang tingnan ako. "Who's this?"

"Totoong tatay ko."

"What?" Nanlaki ang mga mata ni Hail at muling ibinalik ang tingin sa papel na hawak niya. "How did you get his papers?"

"Binigay ni Mama." Paliwanag ko. "Pinahanap niya iyang lalaking yan tapos binigay niya sa akin yang envelope. Ang tagal na niyan sa drawer ko, nalimutan ko nang andito yan."

Split AgainWhere stories live. Discover now