Huhuhu... sorry Bubbles ah.. ngayon lang naman ihh..

"Tss." Kumunot ang aking noo nang may nag abot sa'kin ng unan. Ihh? Pati mga unan nila dito may magic?

Tinanggap ko ito nang nakapikit at di nagtagal, nagpadala na rin ako sa antok.

•••

"You slept late again last night, did you?" nagising ako sa tinig ni Cal.

"Iish!" tinakpan ko ang aking tenga ng unan. Gusto ko pang matulog-

Wait.

Umupo ako sa higaan at nadatnan si Cal na nakasandal sa headboard. Binabasa niya ang libro na pinabasa ko sa kanya kahapon.

Woah. Nagbabasa nga siya! Amazing with a zeee!!

Sumingkit ang aking mata habang inaalala kung bakit ako napunta dito sa kwarto niya. Huh. Binangungot na naman ako kagabi kaya dito ko naisipang matulog.

Ako mismo yung pumunta dito.

Tumango-tango ako.

Okie dokie. Wala namang ibang nangyari.

Saka ako bumagsak sa higaan para matulog ulit.

"It's past your breakfast." aniya.

"Okie. Gisingin mo'ko pag hapunan na." sagot ko. Hindi naman ako nagugutom tas uso pa ba yung breakfast, lunch at dinner ngayon?

Nag stop na yung time. And ayon sa aking logical equation, pwede nang maging breakfast yung dinner!

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Artemia." seryoso niyang tugon.

Iiihhhh!!! Nakakatakot talaga pag gumaganyan boses niya!

"Ito na nga oh!" mabilis akong umupo at hinagis ang unan sa kanya. Sinalo niya ito pagkatapos ay ibinalik sa higaan.

"Kainis!" puna ko.

Ako na nga itong kulang na kulang sa tulog. Hindi ba siya naaawa sa'kin?? Huhuhu. Gabi-gabi nalang akong nagigising dahil sa visions ko na wala namang silbi dahil paulit-ulit lang! Hmp!

Binaba niya ang kanyang libro at tumayo.

Sumunod na rin ako sa kanya.

Ang sakit ng ulo ko...

"Tell me about your visions." hinawakan niya ang aking kamay nang makalabas na kami ng kwarto.

"Paulit-ulit... yung digmaan nga yung nakikita ko.. yun pa rin.." malumbay kong sagot.

Gusto kong mag mental breakdown pero ang OA naman siguro nun ano? Baka pagalitan ako ni Apollo at tawagin akong baliw.

God of Prophecies pa naman siya... Knowledge.. Healing...

Ang daming domain niya. Hindi ko nga alam kung aling domain niya ang umiiral sa'kin.

Yung healing ba... light.. or prophecies..

Pero feeling ko talaga kaunti lang yung knowledge na namana ko mula sa kanya.

Huhu.

No congratulations to Art.

"Stop pouting." ani Cal na nakatingin sa harap.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagpout hanggang sa tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako.

"You're not a failure." paalala niya sa'kin.

"K-kasi-" humikbi ako at nagsimula na ngang umiyak. "Kasi.. p-pakiramdam ko mangyayari nga yung hindi ko gustong mangyari."

Yung end of the world... yun yung kinatatakutan ko. Gusto kong maging matatag pero may panahon talaga na nanghihina ako dahil sa visions koooo!

May bahagi sa'kin na nagsasabing mag give up nalang kasi mababalewala lang yung effort namin...

"Sometimes Art. We have no choice but to come out of hiding and face everything." giit niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" nanliit ang boses ko.

Naging malambot ang kulay ng kanyang mga mata. "If we can't do anything to stop it. Then we will fight it."

"Kung ganon..."

Tila pinalo ako ni Apollo sa ulo gamit ang kanyang pana pagkatapos marinig yon.

Lumiwanag ang aking mga mata.

Kung ganon mali pala ang inaakala namin?!

"CAAALLL! ANG GENIUS MO WAAAH!!!" niyakap ko siya ng napakahigpit dahilan na magulat siya.

"Kahit anong gawin natin, matutuloy pa rin yung digmaan." napatingin ako sa kanya na nandidililat pa rin ang mga mata.

Kaya paulit-ulit yung visions ko. Kasi matutuloy ito. Hindi namin ito mapipigilan.

"At kahit anong mangyayari.. matatalo ang Olympians kasi hindi nila ito digmaan in the first place." dagdag ko.

Kasunod na lumabas sa aking isipan ang isang linya mula sa promise ni Mnemosyne.

'A revolution to prove the strength of humanity and that strength will be the end to the chthonic age.'

"Sa atin to. Para ipaalam sa lahat ng realms na hindi lang basta-basta ang mortal realms. Na hindi biro ang mga demigods at mga nilalang na nandito... kahit.. kahit mga mortals lang tayo."

Galit na galit nga si Mnemosyne dahil madali lang para sa mga rebels na patayin ang mga mortals diba? Kaya naisipan niyang karapat-dapat lang na ang mga mortals rin ang magiging katapusan ng chthonic deities!

Isa sa domain ni Mnemosyne ang time kaya buo ang paniniwala ko sa kanya.

"Sa titanomachy, ipinakita ng Olympians ang totoong kapangyarihan nila... ngayon naman..."

Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.

"Ipapakita natin sa kanila kung anong meron tayong mga descendants."

Alam ko na kung anong dapat namin gawin.

Kailangan naming i-assemble lahat ng allies namin. Mula sa mga Arcadians.. sa mga hesperides.. tas sa mga nymphs.. centaurs.. satyrs... pati mga huntres.. amazons o kung sinu-sino pa!

Kaya pala heavens yung ginamit ni Rhea at hindi heaven lang.

Dahil tinutukoy nito ang buong mythological realm.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon