Case 54 - Never Leave

Start from the beginning
                                    

"Din.. ikaw na lang ang kaya kong lapitan.."

"Kung hindi naaksidente si Jun, hindi ko pa malalaman? Ganoon ba 'yon? Teka.. hindi ako galit, bakit ako magagalit? Anong karapatan kong magalit? Ako, na bigla-bigla na lang susulpot kapag nakakatakas ako sa taping. Wala nga akong oras sa inyo, tapos magkakaroon ako ng oras para umayos nitong problemang sinasabi mo?"

"Din, please.." Inabot ni Fai ang mga kamay ko.

"Fai, mali ka ng taong pinuntahan, kasi tama lang na wala na lang akong alam." Tumayo na ako para iwan siya.

::::::::::::::::::::::::::::

Narating ko ang ospital kung nasaan si Jun.

Nakatayo ako at nakasilip doon sa maliit na window ng pintuan ng isa sa mga kwarto ng ICU. Maraming tubo ang nakakabit sa natutulog na si Jun at naka-bandage pati ang ulo nya. Nakatayo naman sa gilid nya si Ren habang pinagmamasdan siya nito, na maya't-maya ay nagpupunas ng mga luha gamit yung naka-gloves nitong kamay. Ipinagbabawal kasi sa ICU ang pagpasok ng walang protective clothes dahil maselan ang lagay ng pasyente.

Gusto ko sanang pumasok para damayan si Ren. But I think I don't deserve an embrace from anyone on my friends. Ayokong yakapin ako ni Ren, ganitong alam kong wala naman akong nagawa para sa kanila. Na hindi ko man lang nahalatang may problema na pala.

Pero, si Ren siya. Gaya noong mga panahong binu-bully sya, ay alam kong kailangan nya ng taong makakausap..

I don't deserve an embrace, perhaps yes. But she does.

Papunta na sana ako doon sa ICU nurse station para humingi ng isusuot na protective clothes, nang biglang sumakit ang ulo ko, at napahawak pa ako sa pader na malapit sa akin para hindi ako mabuwal.

"Miss, okay ka lang ba?"

Iniangat ko ang mukha ko habang nakasapo ang palad ko sa ulo ko. Isang babaeng sa tantiya ko ay ka-edad ko lang. May maamo ngunit maputla syang mukha. "I'm fine."

"D-Din?" nakilala nya ako.

Noon ko lang naalalang tinanggal ko ang shades ko, dahil ang alam ko ay class na hospital ito at bihira ang mga paparazzis.

"Ahm, sorry. I have other business to take care of." Nilagpasan ko na sya. Wala akong panahon para makipagdaldalan sa taong hindi ko naman kilala.

"Ikaw yung leading lady ni Lilli..."

Who the heck is Lilli? Si Paddle Pop kilala ko, pero Lilli? Pasasakitin yata nya nang tuluyan ang ulo ko.

"Lilli.. I mean Shane."

Noon ako napahinto para tingnan uli sya.

"I'm Tiara!" ngumiti sya nang matingkad. "Shane's my bestfriend."

Karibal ba sya ni Ayen? Pero teka, wala rin akong panahon para pag-isipan ang rivalries ng loveteam nila.

Ngumiti ako nang bahagya at tumalikod na nang tuluyan.

REYJAN'S POV

Nasa labas ako ng Royale Hospital. Gusto kong mapamura kasi mag-iisang oras na akong nakatayo lang dito.

"Jun.. bakit naman kasi coma ka?!" nasipa ko yung gulong ng motor ko. Sa mga kamay ko ay ang supot ng coffee in cans na paborito ni Jun. Ito yung madalas kong agawin sa kanya. Ito yung madalas kong itakbo pagkabili nya. Ito yung parehas naming paborito.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?!! Napakatalino mo pero bakit naman ang tanga mong tumawid? Pambihira naman, Jun." naramdaman kong may kamay na tumapik sa balikat ko. "Pete?"

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Where stories live. Discover now