JMyR 2.7

1K 36 0
                                    

Alfred POV

"Dahan... dahan lang po sa pag upo nay" pag alalay ko sa nanay ko.

"Aish. Sabing okay na nga ako anak eh. Pero salamat padin" angal at pagpapasalamat niya sa akin.

"Hay nako. Si nanay talaga. Normal lang itong ginagawa ko sa isang pamilya" sabi ko sakanya na tinawanan niya lang.

"Hahaha. Ikaw talagang bata ka..." napatigil ng ilang sandali si nanay sa pag sasalita niya ng may biglang magdoor bell.

"Sino yun? May bisita ba tayong darating anak?" Pagtatanong ni nanay sa akin.

Nagkibit balikat ako sakanya tsaka tinulong ulit siya para makahiga.

"Magpahinga nalang po muna kayo nay. Ako nalang pong bahala sa taong yun" sagot ko sakanya ng makahiga siya.

Hinalikan ko siya sakanyang noo at umalis na ng kanyang kwarto.

Kung napapansin niyo ay parang kaming dalawa lang ang taong nasa bahay. Pwes hindi kayo nagkakamali.

Kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Si papa kasi ay isang ofw habang ang Tunay kung nanay ay namatay na.

Pero kahit papaano ay maswerte ako dahil may umaaruga sa akin. At tinuturing niya akung tunay niyang anak.

"Sino po sila?" Tanong ko sa nagdoor bell. Nang makalabas ako ng bahay.

Yung bahay kasi namin ay may gate pa. Bago ka makapasok sa pinakabahay namin.

Malawak ang bahay namin. Kaso first floor siya. Pero mas okay narin yun kaysa sa wala kang matirhan diba?

"Sino po---" napatigil ako sa pagtanong ulit ng makita ko ang taong nasa harapan ko ng buksan ko ang gate namin.

"M-marco...."








"Halika. Tuloy ka babe" pagpapatuloy ko sakanya sa bahay namin.

"Anong gusto mo babe? Juice? Coffee? Water?" Pag aalok ko sakanya ng maiinom.

Isa sa mga itinuro sa akin ng nanay ko ngayon ay ang mag alok sa mga magiging bisita.

At since jowa ko naman ang bumisita. Panahon narin naman para makita niya yung bahay namin.

"Infairness ah. Hindi halatang ganto ang bahay mo. So musta? Ilang araw ding hindi nagparamdam?" Nginiti-ngitian ko siya habang kinakamot ang batok ko.

Hehe. Matapos ko kasing umalis sa amusement park. Ilang araw ang nakakalipas. Hindi ako nagparamdam sakanya.

Paano ba naman kasi naiwan ko yung phone ko sa bahay ng kumuha ako ng mga gamit namin ni nanay. Para magstay ng ilang araw sa hospital.

Kaya hindi ako nakapagparamdam sakanya. Nung naisipan ko lang umuwi. Dun ko lang nakita ang mga missed call niya.

"Tsk. Huwag mo nga akung ngiti-ngitian diyan. Oo alam mung mahal kita nuh. Pero kahit papaano kailangan ko ng paliwanag" pag tataray niya sa akin.

Kaagad ko naman siyang hinila para ipakita ang paliwanag ko sakanya.

Dahan-dahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto ni nanay. Para hindi siya magising.

"Nanay ko nga pala babe" pagturo ko sakanya sa natutulog kung ina.

Tinitigan niya ako at tinaasan pa ng kilay.

I know na may sasabihin siya. Kaya bago siya magsalita ay inunahan kuna siya.

"Na-hospital siya nung time na pumunta tayong amusement park. Kaya umalis kaagad ako dun. Remember?" Sabi ko sakanya.

Just My RoomMate(COMPLETE)Where stories live. Discover now