JMyR 16

1.5K 48 0
                                    

Marco POV

Nandito kaming lima sa kwarto namin. Ginagawa kasi namin yung banner para kila alfred.

"Ayusin niyo naman yung lettering. Parang ewan yang ginagawa niyo marco eh" reklamo ni thomas.

"Oo nga. Tsaka dapat lakihan niyo yung words naito" dagdag naman ni niel ng ituro niya yung i love you. Na words

"Huwag niyo silang pakinggan. Ito dapat ang lakihan niyo oh" sunod naman ni alfred.

Kinabukasa na yung laban nila para sa muse ng business ad. Kasi ito kaming lima. Puro reklamo ang ginagawa nung tatlo. Habang kami ni cess ay sinusunod namin yung gusto nila.

"Ito..."

"Mali... dapat ganto kalaki..."

"Sira ka talaga thomas. Dapat mas malaki pangalan ko..."

Napapakamot nalang si cess sa kilay niya. Habang ako naman ay nagtitimpi na.

Paano ba naman. Kapag sinusunod  namin yung gusto nila. Pinapabago naman nila kaagad. Kaya ang ending parang wala ding nagagawa.

Dahil kapag may nagawa. Papalitan dahil sa demand nila. Palit lagay palit lagay. Yan ang nangyayari.

"AAAARRRRR.... ANO BA KAYONG TATLO HUH?" Tumayo ako dahil sa frustration ko sakanila.

"SINO BANG MAGCHE-CHEER SAINYO HUH? KAYO BA? DIBA KAMI NI CESS? KAYA PWEDE BANG UMALIS KAYO DIYAN BAGO PA MAGBAGO ANG ISIP KO" sermon ko sakanila. Na parang mga asong biglang nagsisunuran yung tatlo.

"Good. Dapat dyan lang kayo okay? Panoorin niyo lang kami" nakaismid kung sabi tsaka umupo na sa pwesto ko.

Kaagad narin naming sinimulan ni cess ang banner. Hanggang sa matapos naming dalawa iyun.

May times na gusto nilang magreklamo. Kaso sinasamaan ko lang ng tingin kaya tumatahimik din sila.

"Ay oo nga pala marco. Bakit kaya hindi natin isama si may?" Napatigil ako sa tiklop ng banner ng isuggest ni cess iyun.

"Yeah. Dapat isama natin baka magustuhan nila si may nuh?" Sabi ko naman sa tanong ni cess.

"T-teka... sinong may? Parang ngayon lang namin yata narinig ang pangalan niya?" Napatingin kami sa tatlo ng magtanong si niel.

Oo nga pala. Hindi namin kinukwento si may sakanila. Baka kasi macurious sila eh. Kaya mas okay na bukas nalang nila makilala.

"Ahhh. Nakilala namin siya sa library. Actually nga parang wala siyang kaibigan dito eh kaya ayun kinaibigan namin ni cess" paninimula kong kwento sakanila.

"Oo. Tsaka naiinis ako sa ex boyfriend niya" kinapitan ko si cess ng bigla niyang iopen yun.

"Why? Ipapakilala naman natin siya sakanila eh. Kaya mas okay na meron silang alam nuh" napailing ako sa dahilan niyang iyun.

Oo mas magandang bigyan sila ng knowledge about kay may. Pero medyo private naman yata ang ibinigay ni cess eh.

"B-bakit? Ano bang ginawa ng ex niya sakanya?" Napasapo ako sa mukha ko dahil sa biglang tanong ni thomas.

Hayst nako. Si cess talaga oh. Hindi na talaga mapigilan ang bunganga.

Since nasabi narin yun ni cess. Ikinwento nalang namin yung nalalaman namin kay may.

"Wow. Dude parang parehas sainyo nung ex mo" matapos naming ikwento sakanila kaagad na nagsalita si thomas na nakakuha ng atensyon ko.

"Parehas? What do you mean thomas? Naexperience din ba ni alfred yung ganun?" Tanong ko sa sinabi niya.

"Ahh.. oo naexperience din ni alfred yung ganun. Kalungkot nga kasi siya ang nasaktan eh" napa tango kami sa sinabi niya.

Lahat kasi kami ay alam na ang love story ng bawat isa. Except lang kay alfred.

Ako at si cess na NO JOWA SINCE BIRTH. Tapos si niel ay naging BI dahil sa mga ex girlfriend niya. Paano ba naman na ipagpalit siya sa kapwa nila babae. Yung tipong hindi mo aakalaing gagawin ng mga girlfriend niya ang ganung bagay.

And of course. Ang dakilang playboy sa aming lima. Si thomas na nasaktan na dahil sa past experience niya. Kaya ito siya pinaglalaruan niya ang mga babae ngayon.

"Tsk. Pwede ba thomas huwag na huwag mong mabanggit banggit ang bagay nayan" napatingin kaming lahat kay alfred ng biglang nagbago ang ugali niya.

Well. Alam naman naming nagiging bipolar siya. Pero nung bigla siyang nagwalk out ay parang hindi yung usual na pagiging bipolar niya.

"Weird. Bakit naging ganun siya?" Bigla kung sabi habang tinitigan ang pintuan.

"Hihi. S-sorry guys. Nasira ko pa yata ang mood natin. S-sige sundan lang namin siya ni niel" hinila ni thomas si niel para sundan si alfred.

Kaya kaming dalawa nalang ni cess ang naiwang tahimik roon. Nung magsasalita na sana ako ay hindi ko naituloy ng biglang may tumawag sa phone ko.

"Oh. Si kuya pala" sabi ko at sinagot ang tawag.

Iniloud speak ko para marinig ni cess ang pag uusapan namin.

Alfred POV

Nagwalk-out ako sa kwarto namin. Hindi dahil sa sinabi ni thomas. Dahil sa ikinwento nila cess at marco.

Oo magkaparehas kami ng maexperience nung bago nilang kaibigan. Pero may nagsasabi sa akin na siya iyun. Na ang taong yun ay walang iba kundi ang ex ko.

"Dude ano ba?" Napatigil ako sa paglalakad ng pigilan ako ni thomas sa pamamagitan ng paghila sa akin.

"Ano bang nangyayari sayo alfred? Parang iba ka yata ngayon?" Tinignan ko sila niel at thomas ng makaharap ako sakanila.

Hindi ko masabi sakanila ang pakiramdam kung ito. Dahil ayokong malaman nila marco na ang bagong kaibigan nila ay ang ex girlfriend ko.

"Dude. Kung pinoproblema mo ang ikinwento nila marco. Huwag mo masyadong isipin. Baka naman coincidence na magkapareho kayo ng naexperience" tumingin ako sa mata ni thomas para malaman kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

Alam niya ang nararamdaman ko. Dahil nang mangyari saakin yun nandyan siya sa tabi ko para damayan ako.

"S-sigurado ka ba thomas?" Pagtatanong ko ulit. Habang siya ay tumango.

Bumuntong hininga ako ng makumpirma kung seryoso siya dun. Siguro nag over react lang ako.

"Sorry. Nag overreact ako" sabi ko sa dalawa.

"Nah nah. Huwag saming magsorry dude. Dun ka sa dalawa magsorry" inakbayan ako ni thomas habang nakangiti.

"Oo nga kila marco ka magsorry. Baka iba ang isipin nila" dagdag naman ni niel.

Kaya kaagad akung napaisip sa sinabi nila. Oo nga nuh. Sila marco wala dito. Baka kung anong isipin saakin.

"Aish. Bakit hindi niyo pa isinama eh" sabi ko sakanila tsaka naglakad na kaming tatlo pabalik.



Niel POV

"Aish. Bakit hindi niyo pa isinama eh" may pagkainis na tonong sabi ni alfred sa amin.

Napagdesisyunan naming bumalik na sa kwarto. Pero ng akbayan ako ni alfred ay may nakita akung nahulog malapit sa pwesto niya.

Hindi ko alam kung anu iyun. Pero pasimple akung yumuko kunware aayusin ang lace ng sapatos ko.

"Oy. Ano? Diyan ka nalang?" Tawag nila sa akin. Kaya kaagad kung kinuha yung picture na nakataob ay ibinulsa.

"A-ahhh... oo pasunod na" sagot ko lang sakanila tsaka tumakbo para akbayan sila.



May mga bagay na dapat ay hindi na ipinapaalam sa iba. Dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Kung makakabuti ba ito para sakanila. O ikisasama ang ng kaibigan nila.

Just My RoomMate(COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ