JMyR 17

1.5K 49 2
                                    

Ang nakaraan ay ibaon sa nakaraan. Pero paano kung ang nakaraan ang siyang humabol sayo? Hihintayin mo ba siya? O dederetso ka para sa taong matagal ng naghihitay ng pagdating mo?

Alfred POV

"Ano bang nangyayari sayo alfred huh? Hindi ka naman ganyan sa practice natin diba?" tumungo ako ng sermunan ako ng coach namin.

"Tsk. Palibhasa kasi mga educ. student kayo. Hindi niyo alam kung paano pahalagahan ang kailangan pahalagahan" pinabayaan ko nalang na sermunan ako ng sermunan ng coach namin.

Yeah. They are business administration student. At sa pagkakaalam ko ang mga nasa course nayun ay may pinapahalagahang image. Kasi ang lahat ng basketball player before ng school naito ay galing sa course nayun.

Na kung saan sila ang pinanglalaban sa school or regional.

Umupo ako sa bench katabi ni thomas at niel.

"Ano dude? Wala parin bang text o tawag galing sa dalawa?" Tinignan ko si thomas at umiling sakanya.

Tapos na ang first half ng laban namin. Pero sila marco at cess ay wala padito para magcheer.

"Hay. Pabayaan muna silang dalawa. Tsaka diba sabi nila importante yun? Kaya magfocus ka nalang sa laro alfred" sunod naman ni niel.

Dismayado ako kasi wala sila. Pero kaya ako nadismaya kasi hindi ko masasabi ang gusto kung sabihin kay marco.

It's weird to have this kind of feelings. Lalo pa't sa kapwa ko lalaki diba? Tsaka unang-una ayoko pa sa mga third sex or what so ever. But i didn't expect na sa ganun din pala ang bagsak ko.

"OKAY OKAY GUYS. COMPRESS DAHIL MALAPIT NA ANG SECOND HALF LAPIT DITO" nagsitayuan kaming lahat ng tawagin kami ng coach namin.

Siya ang P.E teacher ng lahat. Specialty niya ang basketball. Kaya siya rin ang coach dito.

"Huwag muna silang isipin dude. Mas magfocus nalang tayo dito. Remember? Nagpromise tayo kay niel" bigla kung naalala yung pangako namin kay niel.

Buti at pinaalala niya. Pangako kasi namin kay niel na once na manalo kami dito. Tutulungan namin siyang ligawan niya yung muse. So it means wala na akung kaagaw kay marco? Hahaha.

"Yeah. Sorry kung nakalimutan ko" sagot ko sakanya tsaka nginitian siya.

Since wala din namang mangyayari kung aarte ako ng ganito. Mas mabuting magfocus para manalo kaysa magdrama.

Kaagad binigay ng coach namin ang gagawin para sa second half. Nagpapasok narin ako sa second half. Para kahit papaano ay hindi ako masabon nuh.

Iba kaya kapagpinapagalit ka ng coach o teacher. Parang nanliliit ka dahil dun.

"So ano? Game na ba ang lahat?" Pinagpatong patong namin ang mga kamay namin na parang isang team talaga na sasabak sa gyera.

"LABAN" sigaw naming lahat at lumabas.





Marco POV

Nandito kami ngayon ni cess sa isang kainan matapos naming manggaling sa airport.

"Hoy teh. Bat parang hindi ka yata mapakali diyan? Kawawa yung isda sayo oh" napatigil ako ng magsalita si cess.

Kaagad kung tinignan yung isda na kanina ko pa pala pinagtutusok.

Kawawang isda. Nadamay pa tuloy sa pagkaka absent-minded ko.

"Bakit marco? Hindi mo ba gusto yung pagkain? Masama ba ang tyan mo? Ano? Sabihin mo lang kay Kuya" nginitian ko si kuya sa mga tanong niya at umiling.

Just My RoomMate(COMPLETE)Where stories live. Discover now