JMyR 2.4

1.2K 33 0
                                    

MARCO POV

Ilang araw yung lumipas. Pero tatak parin sa isipan ko yung nangyaring sagutan ni dad at ang misteryosong babae.

"Hey marco. Are you okay? Bakit parang tulala ka yata ngayon?" I stared to kuya harold.

At lalo pang nakakapagdagdag sakit sa ulo ko ay ang itinawag sa akin ni dad ng araw na yun.

Harold? Bakit niya ako tatawaging harold sa harapan ng babaing iyun?.

Eh, marco naman ang pangalan ko diba?

"Kuya meron pa ba tayong isang kapatid?" Walang paligoy-ligoy kung tanong sakanya.

"Kapatid? Wala bakit?" Nakita kung kumunot ang noo niya.

Ibig sabihin ay curious siya sa tanong kung iyun.

Pero ako naman ay nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi.

Kaya lang, dahil sa inasal ni dad ng araw na iyun ay parang gusto kung malaman kung bakit ganun ang inasta niya.

"Be honest to me kuya harold... promise me kapag sinabi ko sayo... sasagutin mo ko ng tama.... promise me?" I need to assure na hindi magsisinungaling sa akin si kuya harold.

Dahil im sure na kapag may alam siya sa itatanong ko ay maghahanap siya ng lusot para makapag sinungaling sa akin.

"Aish... kailan ba ako nagsinungaling sayo huh? Marco?" Sagot niya. Pero hindi ako kuntento sa sagot niyang iyun.

"Just promise me kuya" pamimilit ko.

"Fine fine... wala namang sigurong mawawala diba? Okay i'll promise you... sasagutin ko ng buong katotohanan niyang itatanong mo.... so ano iyun?"

Since nagpromise siya. At nagpinky-swear kami sa isa't isa. Sapat naiyun para sabihin sakanya...

"This past few days kasi...." i started... sinimulan kung ikwento yung nakita ako nila tito at tita sa gate ng village.

Of course hindi ko sinabi na kasama ko si alfred. I know na hindi siya sasang-ayon sa relasyon namin... like dad.

"W-wait... d-did i heard a-andrei?" Tumigil ako sa pagkukwento ko ng bigla siyang nagtanong.

"Ummm. Ayun ang tinawag sa akin nung babae..." sagot ko sakanya.

"Tsaka. Nakakapagtaka nga kasi after----" napatigil ako sa sunod kung sasabihin ng mapansing kung nagbago ang reaksyon ng mukha ni kuya harold.

"K-kuya harold... are you okay? P-parang may iniinda ka yata" concern kung sabi.

Pero inilahad niya ang mga kamay niya. Yung parang pinapatigil niya ako sa mga gagawin ko.

"T-teka lang m-marco ahh... k-kailangan k-ko yatang p-pumunta ng banyo" sabi niya sa akin sabay tayo.

Tatanongin ko pa sana siya, kaya lang tumakbo na paalis.

I don't know what it is.... p-pero parang may guts na nagsasabing may tinatago si kuya sa akin.

Pakiramdam ko lang.








Harold's POV

I lied to marco na magba-banyo lang ako. Pero ang totoo ay pupunta ako sa office ni dad.

"Dad... what the heck is happening huh?" Bungad ko ng buksan ko ang pintuan ng opisina niya.

"P-paanong nalaman niya na nandito tayo sa pinas?" Dagdag ko ng makalapit ako sakanya. Tsaka kinalampag ang desk niya using my hands.

Just My RoomMate(COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu