JMyR 6

2.2K 53 5
                                    

Marco

"Ano? Gising na ba siya?"

"H-hindi ko alam. Mukha ba kung nurse?"

"Aish."

"Aish ka din"

Hindi ko kilala ang boses na naririnig ko. Kaya naman dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko.

"O-oy... Fred. Nagkamalay na siya" Rinig kung masiglang sabi nung lalaking hindi ko kilala.

Agad akung umupo. Matapos kung imulat ang mga mata ko.

"Dahan dahan lang. H-huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya" ngumiti ako sa lalaking tumulong sa akin para umupo.

"A-anong nangyari? T-tsaka nasaan ako?" Pagtatanong ko kaagad sakanila.

agad ko lang inilibot yung paningin ko. Dalawang double-deck na kama. May kalakihang space para paglagyan ng mga gamit. Pati narin isang pintuan at bintana.

"Nasa dormitory ka" napatingin ako sa isang nagsalita. At para akung timang kung makatingin ng biglang pumasok sa isipan ko ang katawan niya.

"T-teka. M-masama pa ba pakiramdam mo? Bakit namumula ka?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Sa sinabi nung isa.

"H-huh? H-hindi... a-ayos na ako. M-magaling na ako... s-salamat sa concern" natataranta kung sabi. Kaya nang tatayo na sana ako ay muntikan na akung matumba.

"A-ayos ka lang?" Tila ba tumigil yung mundo ko ng makita ko ulit ang mukha niya.

P-pero this time malapitan na. Sobrang lapit ng mukha niya. At para akung nasa ulap dahil pagkakasalo niya sa akin.

"AHEM. AHEM" bigla lang din naman iyun natigil. Nang biglang may umubo. Malapit sa pintuan kung saan naroroon ang dalawa kung kaibigan.

"G-guys" tawag ko kila cess at niel.

Pumasok silang dalawa sa loob ng kwartong ito at agad din namang maarteng umupo si cess. Malapit sa lalaking tumulong sa akin kaninang umupo.

"So? Sila pala ang mga room-mate mo marco?" Tumingin aki kay cess ng magsalita ito.

"R-room mate? T-teka. Y-you mean dito ako sa kwartong to na matutulog?" Hindi ko maintindihang pagtatanong sa sinabi ni cess.

Ang sabi kasi ng nagtour sa amin ay bahala daw kaming mamili kung saang kwarto kami matutulog. and syempre dapat kapag roll call. Nandun ka sa kwartong napili mo nuh.

"N-nag roll call na ba?" Pagtatanong ko ng marealized ko yung sinabi ni cess.

"Yup. So ano? Kita nalang tayo bukas?" Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

D-don't tell me. Hindi niya ako pipiliting umalis dito?

T-teka lang naman cess. Oo. Bestfriend ko siya. At siya lang ang nakakakilala sa akin ng buo. Kaya paano niya ako iiwan dito.

"Let's go, Niel. Iwan na natin si marco. Para makapagpahinga" pag aya ni cess kay niel. Kaya naman speechless lang ako dito. Habang papunta sila sa pintuan para lumabas.

"Kayo na pong bahala sa kaibigan namin. Sana po ay alagaan niyo siya" napayuko nalang ako dahil sa sinabi niyang iyun.

Princess Jane. Kahit kailan talaga.

"Oh. W-walang problema s-saamin yun" lalo akung napatungo dahil sa isinagot nung isang lalaki.

Argh. Ang malas ng araw ko oh. Bakit ganto.

Matapos nilang umalis. Kaagad ding tumayo yung lalaking katabi ni cess.

"Tulog na guys. Maaga pa tayo bukas" paalala niya sa amin. Tsaka pumunta sa switch ng ilaw.

Kaagad namang pumukaw ng atenston ko yung isang lalaki.

Kaagad kasi siyang naghubad ng sando at ng pants. Tulad kanina. Nakita ko nanaman yung malapandesal niyang katawan. Pero this time ay sa iba na ako na attract.

"Hoy baliw. Magbihis ka nga. Kita mong may bago tayong kasama eh" sita nung lalaking nasa switch ng ilaw.

"Tsk. Patayin mo na nga lang yang ilaw thomas. Nangengelam pa eh. Tsaka nakita na niya itong katawan ko kanina nung nakulong kami" bigla akung namula sa sinabi niya. At kaagad na inalis ang pagkatitig ko sa nakaumbok niyang boxer.

Fvck. I'm a BI. But never pa akung nag init ng ganito. Never pa. Kahit kay niel na may crush sa akin? Never ko itong naramdaman. Except lang sa taong ito.

"Hay. Sabi mo eh" dahil sa pagpatay ng ilaw. Ay kaagad nalang din akung humiga sa kama.

Mas safe ng humiga ako nuh. kaysa titigan ko ang katawan niya. Baka mahalata pa nila. At magulpi pa ako ng mga ito.




----------------



"So. Kamusta ang mga roommate mo huh? Infairness girl ang gugwapo ah" kaagad na salubong ni cess ng ilapag namin ang mga tray na puno ng pagkain.

Unti lang yung pagkaing nasa tray ko. Except sakanya na marami.

"Tsk. Pwede ba cess. Huwag ka nga maingay baka marinig ka ni niel eh" sita ko sakanya.

Tuwing tuesday at friday. Sabay ang break namin ni cess. Kaya kahit papaano ay nagkakaroon kami ng time para mag usap.

Si niel kasi ay tuwing monday lang. Kaya madalas ko lang makasama yun kapag kumakain ako.

"Hay nako girl. Ikaw ah..." pinanliitan niya ako ng mata. Na para bang may ibig sabihin yung sinabi niya.

"Nako nako. Iba talaga ang nasa isip mo kapag may gwapo anuh? Kaya deretso tabi kay thomas kagabi" ganti ko naman sakanya.

Nagpakilala narin yung dalawa sa akin kaninang umaga. At yung lalaking... nako kapag iniisip ko talaga yung katawan niya. Hindi ko mapigilang mag laway. Hahaha.

"Ay. Halata ba? Hahaha..." inirapan ko nalang siya dahil sa inasta niya.

Maganda naman din kasi si princess. Pero sadyang strikto ang mga magulang niya. Pati nga rin dalawa niyang kapatid na lalaki. Bantay sarado kapag nababalitaan nilang may manliligaw ito eh.

Well... naexperience ko kasi yan. Pero fortunately. Pinayagan akung maging kaibigan ni cess ng malaman ng parents niya na pusong mamon ako.

Ewan ko ba sa magulang nito. Masyadong strict. Porket iisang babae lang nila.

"Oh. By the way girl. Speaking of the devil oh" ngumuso si cess. Kaya agad ko itong sinundan ng tingin.

Pero kaagad ko ding tinanggal ng makita kung tumingin sila dito. Bigla kasing itinuro ni thomas kay alfred ang lokasyon kung nasaan kami.

"Oy. Nandito karin pala marco" rinig kung boses ni thomas.

Kaya naman ako ay umayos ng upo para hindi nila mahalata.

"Hi, Ako nga pala si princess. Cess for short. Kaibigan ni marco" agad na pakilala ni cess ng umupo sa tabi niya si thomas.

"Hello, Ako pala si thomas at ito si alfred. Nice to see you again" ngumiti si thomas kay cess. Kaya ang loka. Ayun abot tenga ang ngiti niya dahil sa ngiti ni thomas.

Napailing nalang ako sa isipan ko. Dahil sa inaasta niya. Hindi ko kasi mailabas ang pagkapusong mamon ko. Baka mahalata pa nila.

Just My RoomMate(COMPLETE)Where stories live. Discover now