"Maganda ito." Ani ni Mom habang na-a-amaze ka ganda ng kwarto.

"Maganda rin ang pagkakadisenyo nito, Elren." Sabi pa niya.

Kaagad nanlaki ang mata ko ng mapunta ang tingin niya sa tinatakpan kong closet. Nagisip kaagad ako ng idadahilan.

"Mom sa balkonahe mas maganda." Iginaya ko si Mom sa labas ng balkonahe para lang mawala ang atensyon niya doon sa closet.

At hindi na ako mapalagay ng sinabi niya saakin...

"Magpapahinga muna ako" at agarang humiga sa kama ko. Ogosh! Kaharap lang ng kama ang closet ko. Bigla akong nataranta.

Paano ko mapapaalis yung Kumag sa closet ko kung nandiyan ka Mom.

Hinarangan ko nalang ang closet at tiningnan si Mommy, mga ilang oras siyang humiga at nakaidlip samantalang halos mapudpod na ang kamay ko sa kakakagat dahil sa nyerbyus.

At ang nagpapakaba pa lalo saakin ay ang pananahimik ng tao dito sa loob ng closet.  Baka naubusan na yun ng hangin at namatay na. Naku, huwag naman sana.

Kaagad lumawak ang ngiti ko ng makita ko si Mom na tumayo na at kinuha ang bag niya. Lumabas na din siya sa kwarto at nagpaalam na saakin.

"Make sure to lock all the doors at siputin mo ang blind date na inorganize ko para sayo." Napatango na lang ako para makaalis na kaagad siya.

"Sige uuna na ako, inform ko nalang Dad mo." Ngumiti nalang ako at tuluyan ng sinarado ang pinto. Napatakbo kaagad ako sa closet at binuksan ito.

Nakita ko siyang payapang natutulog, napangisi ako ng wala sa oras at pinagmasdan ko siya. Nakahinga na din ako ng maluwag. Para bang wala akong iniindang sakit sa mga nangyayare.

Nakakatuwa ang posisyon niya ngayon. Payapa siyang natutulog habang ang dalawang paa niya ay tamang tama lang sa magkabilaang kanto ng closet. Nakasandal din ang ulo niya.

Nakaisip ako ng idea. Kinapa kapa ko ang phone niya, naalala kong naligpit ko nga pala iyon kanina.

Dahan dahan ako sa paglalakad at tagumpay na kinuha ang phone ko. Buti nalang at walang password ito. Pinicturan ko ang itsura niya ngayon. At hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matawa, sinong magaakala na nagkasya siya sa loob ng closet ko at di lang yun, ang himbing himbing pa ng tulog niya.

Napuyat nga ata ito kagabi. Hindi ko namalayan kung ilang minuto ba akong nakatitig sa payapang Jasper na natutulog.

Mukha siyang tao kapag tulog.

Nababaliw na ata ako?

Hindi ko na muna siya gigisingin. Ang sama ko ata! Pero minsan lang naman siya makatulog sa ganyang klaseng lugar. Pasulitin ko na muna sakanya. Knowing na 28 years old na ito.

Huminga na ako ng malalim at tumayo na nagligpit ako ng pinagkainan ng maalala kong di pa nga pala kumakain si Kumag. Magtatanghali na!

Dali dali ko siyang ginising ngunit kaagad nagsalubong ang kilay ko ng makita ko siyang pawis na pawis na. At para siyang binabangungot.

Kinabahan ako bigla sa naging reaksyon niya. Pinilit ko siyang gisingin pero hindi siya magising.

Nang maidilat na niya ang kanyang mata ay tsaka niya ako hinigit at niyakap ng napakahigpit.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya habang yakap siya. Halos basa nadin ang buhok niya dahil sa pawis. Wala akong nagawa kundi hagurin ang likod niya at pilit na pakalmahin ito.

Masama siguro talaga ang kanyang panaginip para maging ganito siya.

"Ok ka na?" Tanong ko habang medyo kumakalma na siya.

Kumawala na ako sa pagkakayakap niya at tinitigan siya.

"It must be a bad dream." Sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

Panay ang reklamo niya sa nangyareng pagkulong ko sakanya, nagagalit ito saakin. Pero wala akong nagawa kundi patagusin lang ito sa kabila kong tenga.

"Remember hinalikan mo ko kanina, thats you're punishment." Sabi ko nalang na nagpatahimik sakanya.

Naupo na siya at hinainan ko ulit ito.

"Sobra sobra na ang oras mo, after mo kumain. Umalis kana." Tanging bigkas ko.

"No. Im staying here." Mala-awtoridad na bigkas niya.

"Hindi-" hindi ko na siya pinatapos at sinubuan ko na ito ng hotdog.

"Ubusin mo na yan at makakaalis kana." Masama lang niya akong tiningnan at kumain na.

Tipid ko lang itong hinigyan ng ngiti bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Nang maisarado ko na ang pinto ay mabilisan akong napahawak sa dibdib ko.

My heart is beating faster.

Vote, Comment

Dating In ContractΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα