Napangiti ako sa naisip ko kaagad kong itinutok ang baril sa kanilang tatlo. Hahahaha! Pag nagkataon ay ako ang magiging bida sa pelikula na ito. Yes!

"Wag ka mag-alala pare wala ng bala 'yan!" sabi nong isang kamuka ni Kokey.

Napasimangot ako sa narinig, sayang naman.

Napatalon sila ng kalabitin ko ito at pumutok sa pagitan nila at kitang-kita ko ang puno sa likod nilang butas na. Bahagya akong napa-atras sa lakas.

"Tangina pare may bala bwiset ka!" singhal ng isa.

Masayang tumalon-talon ako. Ang galing!

"Wah! OMG nakabaril ako! Parang totoo!" Tinutok ko ulit sa kanila. Natutuwa ako sa mukha nilang namutla ang cute nila.

Mabilis akong tumakbo at lumapit sa bidang lalaki ng makita ko itong natulog, bigla na lang itong natumba.

"Hoy, wag ka diyan matulog! Kung pagod ka sa taping, dapat umuwinka na tsk!" komento ko habang inuuga-uga siya.

Kinuha ko ang bag ko at sinukbit sa akin at pumunta ulit kay kuyang natutulog.

Napatingin ako sa tatlo at nagulat ng makitang tulog na rin sila. Napalingon akong napatingin sa isang kotse na kakadating lang bumaba ang tatlong lalaki. May hawak silang baril at naka-akmang nakatutok pa kila kuyang tulog.

Ano ba 'yan tumalikod lang ako natulog na agad.

"Teka! Bakit? Hindi naman ako kasama sa pelikula," takot na tanong ko sa isang lalaki ng lumapit ito sa akin. "Hmpp!" Nagpumiglas ako ng takpan niya ang bibig at ilog ko ng panyo. Hindi pwede! Yung chucky ko nandoon pa sa damuhan.

Ganon ba kabaho ang hininga ko para takpan?

Unti-unti nagdilim ang paningin ko pero bago pa ako makatulog ay nakita ko pang binuhat nila si kuyang bida.

• 3rd Person's Point of View •

Dahan-dahan minulat ni Vaughn ang kaniyang mata, bahagya pa siyang napa-hawak sa kaniyang ulo dahil sumigid ang kirot doon. Tumambad ang pamilyar na kwarto sa kaniya, ang kulay itim at puting kwarto niya.

Kaagad siyang napa-upo ng maalala ang nanyari. What the fuck?

Hinilot niya ang sentido. Tangina kasing mga kalaban niya. Aalis na sana siya sa kama ng bumukas ang pinto ng kwarto atpumasok ang dalawang tauhan niya na sina Cash at Bill.

Napa-ismid siya ng makitang gulat na tumingin sa kaniya ang dalawa.

"Master, are you okay?" ani Bill sa kaniya na may dala itong tray na lumapit kasunod naman si Cash.

Binalingan sila ng masamang tingin ni Vaughn, kaagad siyang tumayo hindi pinansin ang mga tauhan.

"Where is she?" madiin usal niya.

"You need to rest Master," ani Cash na nakayuko, nag-aalangan kung lalapit ba sa kaniya at aalalayan siya.

Umigting ang kaniyang panga. "I don't ask your opinion Cash. Don't make me  say it again!"

Nagsikuhan naman si Cash at Bill kaya mas lalo siyang nainis.

"N-Nasa torture room po—" hindi natapos ni Bill ang sasabihin ng kinuwelyuhan niya ito at dinamba sa pinaka malapit na pader.

"What did you do to her?!" madilim na ang mukha ni Vaughn at iyon ang hindi maintindihan ng dalawa.

Bakit ba nagagalit ang master nila? Doon naman talaga nila dinadala ang mga bihag nila. Malay ba nila kung kasabwat ito ng mga kalaban kaya naman pinatulog nila ito at ikinulong doon.

"If I see bruises on her, even a single cut, Bill. I'm telling you, you better choose your coffin now," kalmado pero madiin usal ni Vaughn at binitawan si Bill na habol ang hininga dahil sa pagkakasakal niya.

Mabilis na gumalaw si Vaughn palabas ng kwarto patungo sa babae. Naikuyom niya ang kamay habang mabilis ang hakbang.

Mabilis naman sumunod si Bill at Cash sa kaniya, napa-kamot na lang sila sa ulo dahil sa kinikilos ng amo nila. Ang aga-aga ang init ng ulo. Nga naman, kailan nga ba hindi uminit ang ulo nito?

"Tingin mo saan mas maganda ilibing sa St. Peter or Gateway to heaven?" biglang tanong ni Bill habang naglalakad, kanina pa siya kinakabahan.

"St. Peter na lang pare. Doon ko naman madalas inililibing 'yong ibang tauhan ni Master na napatay niya," ani Cash at tinapik pa siya sa balikat.

Sinamaan na lang niya ng tingin ang kaibigan saka pinakitaan ito ng gitnang daliri.

Sa kabilang banda nakarating na sa basement ng mansyon si Vaughn kung nasaan si Yvette. Ang kauna-unahang babaeng tumingin sa mismong mata niya at ang babaeng nagligtas sa kaniya.

Nagtangis ang kaniyang panga ng maalala ang ginawa nito. Paano kung ito ang napahamak? Tsk.

Mabilis niyang binuksan ang kwarto, nakita niyang mahimbing itong natutulog sa isang maliit na kama doon.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang babae saka naupo sa gilid ng kama. Bahagyang umawang ang kaniyang labi ng makita ang maamo nitong mukha. God, she's beautiful and sweet.

Inalis niya ang mga buhok na tumabing sa mukha nito. Napangiti siya sa sarili habang nakatingin sa babae niya. Hmm babae niya. Sound good yes?

Ang isang Vaughn Rage Navarro ay ngumiti sa kauna-unahang pag kakataon ay nagkaroon ito ng masayang reaksyon.

Nagkatinginan naman sa isa't-isa si Cash at Bill na nasa labas at nakasilip lang sa kwarto. Hindi sila makapaniwala sa nakikita na parang tangang ngumingiti ang master nila habang nakatitig sa babae.

"Sleep tight, my innocent baby," bulong ni Vaughn saka maingat na binuhat si Yvette palabas sa silid na iyon upang dalhin sa kaniyang kwarto .

~

Sweet EvilWhere stories live. Discover now