CHAPTER 14

238 62 188
                                    

Dedicated to: Euryphaessaaa and tintangkeyboard

Must read:

The Legendary Twins by
beautiful_girl06

Diary ko by FIFTH_of_the_SPADES

Dear Miss First Honor by Ephemerabilia

♡♡♡

Ilang araw ang lumipas magmula nung araw na pinasaya nila ako at si Ringo pala talaga ang may pakana ng lahat. Siguro, he did that for a purpose. Para sa trabaho niya. Buti naman at hindi nasasayang ang pasweldo ko---este nila Mama. Bwisit naman 'e, wala kasi akong trabaho. And patay talaga ako kay Auntie nito. Isang linggo na halos at hindi pa ako bumabalik sa apartment. Baka pitikin na naman niya ako, nakakainis! Magpapasama na lang ako mamaya bago umuwi kay Kuya Vandrei para may reresbak sakin pag nagkataon hihihi.

I diverted my gaze to these people around me. Making myself happy is not easy that's why I am very glad that I have these friends who effortlessly made me happy.

Sunday kaya nandito kami sa Your Secret Park. Wala sila mama, may event na kailangang puntahan. Kasama dapat ako pero mas pinili kong umayaw. Event kasi yun na puro politicians ang kasama. Kahit papaano ay nami-miss ko rin ang cute kong kapatid, hays. Kaya para makabawi ako sa kanya, I let her bring Chim Chim just for this day huhuhu. Wah! I miss Chim Chim.

"Ms. Hyeongsa Gamjeong, abutin mo nga yung clover. Gutom na ko." utos nitong lalaking katabi ko. Inismiran ko siya at bahagyang umisod palayo. "Oh? Ba't ka umisod?" Nagtatakang tanong niya. Nakaupo kami sa damuhan ngayon at kasalukuyang naglalaro ng spin the bottle.

"Tangna mo, malamang napakafeeling close mo kung makadikit. Upakan kita d'yan 'e."

"Pakyu, eh sino bang nagsabi na tumabi ka sakin?" Galit na singhal niya sakin. Aba aba? Feeling nito! Wala na kaya 'kong choice kundi ang tumabi sa kaniya. "Kuhanin mo sabi yung Clover! Gutom na ko."

"Aba! Sino ka ba? Sumama ka ba rito para gawin akong utusan? Anong akala mo sakin engot? Hindi mo ako yaya, at higit sa lahat bodyguard lang kita." At oo, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na bumalik na ulit sa dati ang napakawalang-hiyang lalaki na ito.

"Kayong dalawa, tumahimik nga kayo!" singhal ni Mich Kutong Lupa.

Umisod ulit ako palayo kay Ringo, sayang naman ang ka-cute-an ko kung malalanitan lang ng germs niya, Psh!

"Ano ba!" Napatingin ako kay Margaux na ansama ng tingin sa'kin. Siya yung katabi ko kaya malamang na nasisikipan na siya nang dahil sa walang tigil kong pag-isod. Medyo napahiya ako ng slight at walang nagawa kun'di ang umisod ulit papalapit kay Ringo.

"Ayan! Matapos mo kong iwan, babalik ka na parang 'di mo ko nasaktan." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Napatingin ako sa mga kasama namin na halatang nagulat sa sinabi nito.

"Damn you! 'Di ka naman kabalik-balik. Yuck, ewww."

"A-Ano? Baka gusto mong ipalampaso kita sa muscles ko?" Pagmamayabang niya at bahagyang itinaas ang manggas ng damit. Agad kong tinakpan ang mata ko at sumigaw.

"Wah! Rated SPG, ang programang ito ay maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa cute na katulad ko."

"BEV!"

"Bevtective!" sabay-sabay nilang sigaw. Ano ba? Ako pa yung masama, huhuhu! Nagsasabi lang ng totoo 'e! Masama na ba maging honest na cute ako?

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now