PROLOGUE

1.5K 351 904
                                    

A/N:
I wanna try something new. Hakhak. Sana may magbasa kahit papaano.😂

♤♤♤

Napatigil ako pagsusuri nitong langgam na nasa harap ko. I put down my magnifying glass as I get my gloves.

Someone is knocking on my door like there's no tomorrow.

Hindi ko pinansin yung istorbo na kumakatok sa pintuan. Kinuha ko yung tweezer ko. I was about to put the ant on the tissue but this annoying person keeps knocking on my door incessantly. Psh! Kawawa rin yung langgam dahil paniguradong ipit siya dahil sa gamit ko.

Inis kong ibinaba ang tweezer at hindi sinasadyang madag-anan yung langgam. SHT! Kawawang langgam. Wala ng pag asa pang malaman kung sino ang walang awa na pumatay sa kanya bago ko pa madouble-dead. Inis!

"BEVVVVV! OPEN THE DOOR." Agad akong tumayo. Boses n'yang di makabasag pinggan pa lang kilala ko na. Psh! Akala mo normal lang na nagsalita pero sigaw na talaga.

"WHAT?" Agad kong sigaw pagkabukas ko pa lang ng pintuan. Walang wala yung sigaw na ginawa nya.

"Maria, yung bunganga mo. Hindi lang ikaw ang tao dito!" Agad kong itinikom ang bibig ko. Tinawag nya na naman akong Maria. Psh!

"Sorry po, Manang." agad s'yang lumapit sakin at pinitik ang tenga ko. Awww!

"Auntie, call me Auntie! Paulit-ulit na lang ba?" Oo na nga po. Psh!

"Opo, Mana---Auntie." Umalis na rin sya pagkatapos nun.

Binaling ko ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Oh? Kailangan mo?" Mataray kong tanong.

"Naistorbo ba kita, Bev?" Mahina nyang tanong.

"Ahm. . . Napatigil lang naman ako sa pag iimbestiga sa kung sino yung pumatay sa kawawang langgam tapos may walang tigil na katok ng katok sa pintuan ko. Hindi ko sinasadyang bitawan ng malakas ang tweezer ko at aksidenteng sa langgam yung lumanding. Ayun, double-dead." Tiningnan ko sya. Halatang natatawa na ang luka. "Hindi mo naman ako naistorbo, binulabog at ginulo mo lang ako." Sambit ko sabag irap. Inis!

"OA MO!" Sambit nya sabay tulak sakin para makadaan sya papasok sa kwarto ko. Wow ha, wow lang! Ang kapal din talaga nito! Alam nya namang ayokong nagugulo kapag Detective mode on ako. "Nagpunta ako sa bahay nyo." She stated after she sat on my bed.

"Oh?"

"Nandito ka daw sa apartment kaya pumunta ako dito."

"So ano nga? Dali may gagawin pa ako." Wala na naman talaga akong gagawin, nasira na lahat eh. Patay na yung langgam. Naiinis lang ako.

"Ayan ka na naman sa pagpi-feeling detective mo, Bev. "Inis nyang sambit.

Nagpi-feeling detective. Hays. Siguro nga, feelingera ako. Pero gusto ko talagang maging detective. And I always try to act like one. Kapag may nangyayaring nakawan, nandun ako lagi. To the rescue ang ate nyo. Kapag pumalpak ako, feeling detective daw. Kapag naman nagtagumpay, tsamba lang daw. Ewan ko ba, basta ang alam ko, detective ako. Bwahahahaha! Feelingera na kung feelingera. Gusto ko lang naman na wag na maulit yung dati....yung wala akong nagawa para malaman yung totoong nagkasala. Psh! Ayoko ng balikan.

"Gusto ko nga kasing maging Detective, Kai. Alam mo yan." Sabi ko at nagpout. Ang kyut ko talaga.

"Hays. Sige, let's see kung hanggang san ang pagiging detective mo," Hmm..hinahamon nya 'ko ha? "I want you to do me a favor."

"Krimen ba yan? Minsan lang ako maka-experience ng tunay na crime, 'diba?" Yah. Nakakahiya man sabihin pero hindi pa talaga. Psh. Kaya hanggang mga hayop lang ako. O di kaya naman sa mga nakawan. Mga mystery caller. Stalker. Ganun. Naeexcite ako sa mga ganun kaya gusto kong maging detective. Kaso minsan pumapalpak. Pero alam kong magaling ako! Ako pa ba? Ayokong sumuko kahit anong mangyare. Nakaencounter na rin naman ako ng mga krimen tulad nung patayan ganun, kapag nauuna lang ako sa mga pulis saka ako nabibigyan ng pagkakataon.

"This isn't a crime. I want you to find out kung sino ang mystery texter ko. Take this as a challenge, kapag 'di mo nagawa, pipigilan na kita sa pagdedetective mo. It will bring you to danger." Inabot nya sakin yung phone nya. Hmmm... sounds exciting. Andaling i-trace ng number but because it's a challenge, go tayo!

"Mystery texter?"

"Yes, he said his name is Clifford Sibesta, I tried to search his name pero walang lumalabas," Tiningnan nya ko and then she let out a smirk. "Kaya mo ba, Bev? Kakayanin mo pa ba? Okay lang sakin...Ayoko lang ulit na pagsalitaan ka nila ng masama. This will be your last chance, Bev. Kapag pumalpak ka pa, ako na mismo ang pipigil sayo, okay?"

Alam kong concern lang sya sakin. Pero kailangan ko patunayan yung sarili ko.

"Oo naman, ako pa ba? I will make sure that I will not fail this time." Pagmamayabang ko.

"Clifford Sibesta. Makikilala din kita." I whispered.

♤♤♤

Plagiarism is a crime.

-

BinibiningXie/Eixelbee09

Don't forget to vote.☆

Chapter 1 is next...

Chapter 1 is next

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tzuyu of Twice
A.K.A
Bev Miguel
The Ms. Feeling Detective
Bevtective

 Feeling DetectiveBevtective

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Joshua of Seventeen
A.K.A

Micholandrex Miguel
Kutong Lupa
Cousin of Bevtective

Sa ngayon, sila muna ang inintroduce ko. Wait for the other characters!🙉

Xiè xie <3 ako ang inyong konXIEnsya♡

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now