CHAPTER 3

540 262 466
                                    

Dedicated to: TheFranzyTroub and phylicia_seven

Ps. Pa-edit edit lang ako HAHAHA.

♤♤♤

"Kutong Lupa!" Pagtawag ko sa kan'ya.

"Anong sabi mo, Alipin?" Napa-irap na lang ako.

"Master Mich Gwapo."

"Yes, Alipin?" Laki ng ngiti ng loko.

"Gusto ko lang po sana itanong ang pangalan ni Vandrei sa Facebook." Diniinan ko talaga yung po. Sabi n'ya kasi, dapat daw nagbibigay galang ako sa Master ko.

"Akala ko ba si Prince ang gusto mo, Alipin? Bakit si Vandrei na ang hinahanap mo sa'kin ngayon, Huh?" Ngumiti ng mapang-asar and Kutong Lupa, sarap tirisin.

"Tsismoso mo, sagutin mo na lang dali!"

"Inuutusan mo ang master mo? Baka gusto mong...."

"Hindi na, psh!"

"Good."

Nakalimutan ko kasi apelyido ni Vandrei kaya 'di ko mahanap. Nagcellphone na lang ako, bwisit talaga ang kutong 'to. Wala si Keaisha at Mama, kasama nila sila Ate Lennie na umuwi ng probinsya. Birthday daw kasi ng mama ni Ate Lennie na dating nagtratrabaho din samin, si Manang Becca. S'ya yung nag-alaga samin ni Kuya. Matagal din s'yang nagtrabaho sa'min, tumigil nga lang dahil sa trahed'yang nangyari. Pero ipinalit n'ya naman ang anak n'yang si Ate Lennie. Si Papa? Nasa trabaho.

"What the---Ba't naubos ang load ko?!" Napatingin ako kay Kutong Lupa. Balik agad sa'yo ang karma, bleh!

Hindi ko s'ya pinansin at itinuon ang paningin ko sa cellphone ko, bahala s'ya.

"Paano nangyari yun? Sht naman 'o! Wrong timing!" Nakita kong sumulyap s'ya sakin. "Katext ko pa naman si Prince," napatingin agad ako sa kanya pero agad ko ding binawi. No. Hindi pwede! 'Wag mong pansinin 'yan. May gf na si Prince, kaya da't wala ka ng pake.

"Hays...sino kaya ang may load? Inform ko lang sana si Prince na nandito ako kila Tita Lyne."

'Wag mong pansinin. Kunyare wala kang naririnig. Kumakanta ako sa isip ko para mapigilan ang sarili na ibigay kay Mich yung phone ko.

"Malay mo, sundan ako ni Prince. Sayang." Wag kang papadala, bev.

"Inaaya akong maggala....isama ko na daw si Princess ba 'yon?"

Going back to the corner, where I first saw you~

"Gusto n'ya daw makabonding si Princess daw ba yu---"

"Oh!" Inabot ko na yung phone ko. Huhuhu, traydor ang sarili ko. No!

"Ay, ambait mo naman Alipin. 'Wag na....nakakahiya naman." Itinulak n'ya palayo ang kamay ko. Pero inilapit ko pa rin. "Okay lang naman. Maiintindihan naman siguro ni Prince na ayaw mo akong pahiramin."

"Eto na nga diba, dali!" Inihagis ko na sa kan'ya yung cellphone ko. "Pasabi, wag nyang isama si Belinda, hihihi." Kinikilig kong sambit.

I saw him grinned. Bumalik ako sa upuan ko at mahinang kinakanta ang Back at One. Sinaulo ko yun, wag kayo. Hahahaha, wieee. Hindi na ako mapakali. Gusto n'ya akong makita? Ano ba 'yan. Sana chinat n'ya na lang ako, alam n'ya naman Fb account ko ih, yung kanya lang ang 'di ko alam. Iba daw ginamit na pangalan ayon kay Mich. Ito talangang si Prince nahiya pa, antorpe. Ayaw pa umamin sa'kin. Dapat sabihin n'ya na agad kay Belinda na panakip butas lang s'ya. Alam nyo naman, baka umasa pa 'yon. Hays. Kawawang Belinda, pinaglalaruan lang pa---

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now