CHAPTER 2.1

530 246 418
                                    

Dedicated to:

LittleMissAdviser14 thank you for the advice.

Must read;
Deceived by TheFranzyTroub

♤♤♤

"Van!" Sigaw ni Prince. "In 3...2..."

"Kumapit kang mabuti." sambit ni Van sakin. Agad akong ngumiti at nagnod.

"...1...GO!"

Muntikan na akong himatayin dahil sa biglaang pagpedal ni Vandrei. Isinubsob ko na lang yung mukha ko sa likod nya. Nakakatakot, baka mahulog ako!

"Fvck you Van! You never change." Napatingin ako sa sumigaw. Si Prince, at 'eto pa. Naunahan namin sila. Ambilis ni Vandrei!

"Okay ka pa d'yan?" Pasigaw na tanong ni Vandrei.

Ngumiti ako, "Oo!"

Lalong bumilis ang takbo namin. Tiningnan ko ang paligid, may mga taong nakatigil at halatang nanonood sa'min.

"Ang gwapo nila!"

"Para silang mga anghel!"

"Ang galing nilang mag-bike!"

Yan lang yung narinig ko kasi sobrang bilis talaga ng takbo namin. Pero sa kabila nun, hindi nakatakas sa paningin ko ang isang pigura na sobrang pamilyar. Si Jam. Anong ginagawa niya dito?

Naagaw ang atensyon ko ni Mich na natatawang napamura sa sobrang galing ni Vandrei. I still manage to stuck out my tongue at him kahit na 'di pa rin maalis sa isip ko si Jam.

Halos maabutan namin sila Angelo at hindi na ako magtataka kung kami ang mau-una.

Go Vandrei!

"Bilisan mo pa, Vandrei!" sigaw ko.

"So you're cheering for me, huh?"

"Malamang sa alamang! Kampi tayo dito. Kaya galingan mo woh!" sigaw ko ulit na agad n'yang ikinatawa.

Tatanungin ko na lang si Jam 'pag nagkita kami, lokong 'yon.

"Masusunod, your majesty." Napataas ang kilay ko.

Mas lalong bumilis ang takbo namin hanggang sa makarating kami sa Secret Fountain. Gulo-gulo na ang buhok, malamang sa alamang.

Hinintay naming makadating yung iba. Pagkababang-pagkababa ko palang, hindi ko alam pero bigla kong niyakap si Vandrei.

"Wah! Ang galing mo," sambit ko habang nakayakap sa kanya.

"I-I told you so, trust me."

"Wieeee, ang galing talaga!"

"Ehem! Ehem!" Napakalas ako sa pagkakayakap kay Vandrei, si Prince pala.

"Mukhang...may nagaganap na ah?" pang- aasar naman ni Angelo.

"Bagay kayo!" sambit ni Belinda.

Agad namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Look, Van is blushing!" Natatawang sambit ni Larra.

Napatingin ako sa kanya, oo nga. Halatang halata kasi sobrang puti nya.

Sinamaan n'ya ng tingin si Larra.

Buti na lang agad na nagsalita si Angelo para ibahin ang usapan.

"Tangna, Van. I thought you stopped biking for almost 5 months?" Tanong ni Angelo.

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now