Epilogue

161 7 0
                                    

A/N:Wooh! Salamat sa mga inyong mga naka-abot sa epilogue ng storyang ito. Napa ka sayang mag sulat lalo na at may mga nag co-comment na "Next Author!" "UD na author!" Yan ang madalas na nababasa ko.

Maraming salamat sa lahat ng nag basa ng storya ko! Hindi man perpekto pero naka pag tiis kayo! Ang tibay ninyo haha!

Special mention to : EUNKOOK_FAN_23 and Songjoongki121505 thank you sa mga comments ninyo.

Note:Will be the last chapter of this book.

Thank you for reading!

~*~*~*~*~*~

Andrea's Pov

~4 months later~

Apat na buwan ng patay si Venice, nakaka-lungkot mang isipin, pero kailangan naming tanggapin.

"Ok, ka lang?," tanong ng katabi ko si, Kaizer.

Pumayag na akong ligawan niya. Nakaka-awa eh at nakaka-bwesit din. Lagi kasing naka buntot sa'kin kala mo naman mawawala ako. Lagi din akong ginu-gulo, pero nag papasalamat ako sa kanya at medyo naka limutan ko na ang kamatayan ni Venice, natuon kasi ang atensyon ko sa pag aaral at sa gang. Dahil ako ang kanang kamay ni Venice sa'kin pinasa ang pagiging bagong Supremo.

Bumalik na din ulit sila Lexi at Erich sa gang. Nakaka lungkot dahil sana kumpleto na ulit kaming magka-kaibigan kung di lamang nangyari iyon.

"Pang sampu mo na yan, tigilan mo ko," blankong sambit ko at muling binalik ang paningin sa librong binabasa ko.

Si Airah at Jay naman mga in-denial pa, halata namang gusto nila ang isa't isa. Pero trip nila iyon, hayan kesa na may love life na ngayon, hayaan na lang wala naman din kaming magagawa.

Himala nga at naging kaibigan na namin sila Max, Jay, at Kaizer. Pati narin sila Xander at Sam. Wala ng clash sa pagitan ng Bloody gang at Dark Warrior's, after ng naging digmaan sa underground facility ay nawala na ito, galing nga eh automatic lang.

At ang Supremo ng DW, ayun siya na ngayon ang pumalit sa titolo ni Venice sa gangster ranking at titolo ng pagiging yelo. Pero wala parin makaka-talo sa pagiging yelo ni Venice, ibang klase eh.

"Concern lang naman ako sayo," sambit niya, hulaan ko naka nguso niya iyong sinambit sa ugali palang niya at dahil narin lagi ko siyang kasama araw-araw sa university. Lagi nga kasi sumu-sunod, first ever human dog in the world, oh diba ayos?

"Concern, concern, o baka gusto mo lang talaga mag simula ng pag-uusapan, para mapa-baling ang atensyon ko sayo at di ka maging mukhang tanga jan na nakatingin sa'kin, habang nag babasa ako." sarkastiko kong sabi ang mata ay di mai-alis sa biology book ko. May quiz kasi kami mamaya, nag hahabol kami ngayon dahil narin ilang araw kaming hindi naka pasok at alam na din nilang patay na si Venice. Bilis nga kumalat ng balita, basta chismis talaga. Pero hindi sinabing namatay siya dahil sa pakikipag laban sa isang gangster. Pinalabas na nawalan ng preno ang kotse ni Venice at nahulog sa bangin, gandang dahilan noh?

Nalungkot naman din sila tito at tita sa pag kamatay ng kanilang unika hija. At doon din lang namin na laman na mafia boss pala si tito, at si Venice ang kanilang heir. Ngunit napasa na ito kay Dave na ngayon paspas sa pag aaral dahil narin sa kanya ipapamana ang lahat ng kanilang kompanya at dahil narin gusto niyang ilibang ang sarili para mawala ang sakit sa kanyang puso dahil sa pag kamatay ng kanyang ate.

Clash Of The Gangsters:Stanford UniversityWhere stories live. Discover now