[Chapter:11] (Wasted)

133 8 0
                                    

Venice Pov

Nagising ako ng maaga ng di ko namamalayan. Naligo nako at nag ayos ngunit di para pumasok kundi para pumunta sa headquarter at makabalita. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Dave ang nakakabata kong kapatid.

"Good morning, ate." nakangiti nitong bati sa akin.

"Morning." maikling sagot ko at nilampasan na siya.

"Ang sungit talaga." bulong nito. Ngunit rinig na rinig ko naman, hinarap ko ito.

"Kung bubulong kalang sana di yung rinig ko." blankong sambit ko. Nagulat naman ito at nameke ng tawa.

"I didn't whispered anything. I think your hearing things." ninenerbiyos na depensa nito. Talagang tenge ko pa ang may problema, ha?

"Yeah, right." sagot ko na lamang at nag lakad na papuntang kusina.

"Where's mom and dad?" tanong ko sa kanya nang makita kong walang tao sa kusina kung di si manang lang at ang iba pang katulong.

"Umalis sila ng maaga ngayon. They have a business meeting to attend too." sagot naman ni Dave na nasa gilid ko.

"Hmm, ok." tanging sagot ko at umupo na sa pwesto ko sa hapag. Ganun din naman ang ginawa ni Dave na nasa tabi ko na ngayon, hinarap ko siya.

"Go to your proper seat, Dave Lopez." seryosong utos ko sa kanya.

"Ate, dito nalang ako, please?" pag papa-cute pa nito sa akin.

"Fine, just stop making that face. You look disgusting." labag sa loob kong pag payag.

"Thanks, ate." masayang sabi nito na hindi man lang inintindi ang pag lait ko sa kanya. Hindi ko nalang siya pinansin pa at kinausap nalang si manang na nasa kusina. Malapit lang naman ang kusina sa hapag kaya't napakadali para makapagusap kami.

"Manang matagal paba yan? I'm in a hurry." tanong ko rito at napatingin sa relos na suot ko.

Nilingon ako ni manang at ngumiti, "Malapit nato, hija. Hintayin mo na lamang." nakangiting sagot pa nito.

Makalipas ang dalawang minuto ay natapos na din sila sa pag luto at hinain na ito sa aming harapan. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang mag tanong si manang.

"San ba lakad mo, hija? Diba may pasok kayo ngayong biyernes?" tanong nito. Uminom muna ako ng tubig bago sagutin ang tanong niya.

"Wala ho kami ngayong pasok. Dahil sa nangyari kahapon." sagot ko at kumain na uli pagkatapos kong kumain ay paalis na sana ako ng bigla nalang sumulpot si Dave sa harapan ko.

"What do you want?" tanong ko rito.

"Are you going to the headquarter?" tanong nito sa'kin.

"Yeah." sagot ko at taka siyang tinignan. "Why do you ask?" tanong ko.

"Pwede sumama?" tanong nito at nag pa cute uli.

"No." striktong sagot ko at nilampasan na siya. Pero dahil sa may katigasan ang ulo nito at di ang alam na hindi ay hinawakan ako nito sa braso ko para patigilin.

"Please let me come with you. I want to learn all the things you guys are doing. It seems fun." sabi nito tinignan ko lang siya at ang kamay niya sa braso ko. Agad niya naman itong tinanggal ng makita niyang nakatingin ako rito.

"Matuto o para makita si Andrea?" nanguuyam na tanong ko at namula naman ito. Now the answer is clear.

Yes he has a crush on Andrea since he was just five and now his fifteen his feelings are still the same and I think it's growing and I don't care about it.

Clash Of The Gangsters:Stanford UniversityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ