Chapter 48 (The Sacrifice part:1)

54 7 2
                                    

A/N:Kasali po ang storyang ito sa wattys 2018. Sana po ay suportahan ninyo ito, maraming salamat.

Venice's Pov

"V-venice," utal na sambit niya.

Mukhang nakuha niya agad ang gusto kong mang yari.

Natahimik ako ng bigla nalang siyang umiyak. Napatingin naman ako sa unahan at nakitang pina-panood kami ni Darius sa side mirror, buti na lamang ay tinted ang kotseng ito.

Lalo pang lumakas ang iyak ni Erich ng di ako mag salita at mag iwas ng tingin. Napa-buntong-hininga ako at tinignan ulit siya, ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang luha niya gamit ang aking hinlalaki.

"Please. I will not die. I promise you that," naka-ngiti kong sambit. Tumahan naman siya pero kita parin ang patuloy na pag agos ng kanyang luha.

"Venice, masyadong mapanganib. Wag mo na ituloy hintayin na lamang natin sila Jay," umiiyak na sambit niya sa'kin.

"Kailangan kong gawin to, Erich. Alam mo yan, hindi sila mananahimik kung hindi sila papatayin. Kahit na ikulong ang mga yan ay makaka-gawa at makaka-gawa sila ng paraan. Ayoko na kayong mapahamak," sambit ko sa kanya. Napatitig naman siya at kalaunan ngumiti.

"Meron parin palang kaunting Venice na kilala ko ang nasa loob mo," naka-ngiti niyang sambit habang pinu-punasan ang kanyang mga luha gamit ang panyong hindi ko nakitang hawak niya pala.

Natawa ako,"I may be what you guys called cold and heartless today. But still I care for the ones I love. It may be not that obvious or rather it's not really. But it's my unique way of saying I care," seryosong sambit ko sa kanya.

"Deep," naka-ngiti niyang sambit. Maaliwalas na ulit ang kanyang mukha.

"Don't ever cry again. It doesn't fit the Erich Keith Collin I know," sambit ko, sumimangot naman siya.

"Yung pangako mo ha! Pag ikaw namatay kukunin kita sa bangin na yan at papatayin ulit, tandaan mo!," sigaw niya sa'kin kesa na ma-inis katulad nalang lagi pag sumi-sigaw siya ay natawa na lamang ako sa inaasal niya. Alam ko namang nag-aalala lang talaga siya.

"Oo na. Ayusin mo ang pag talon mo. Baka mag eskandalo nanaman si Sarah pag nakitang may gasgas ka," sambit ko at tumingin ulit sa harapan. Nakita ko namang parang may kina-kalikot sila sa likod, ilang sandali lang ay naka-kita ako ng RPG na hawak ng isang tauhan niya.

"Paano naman nag kasya sa loob yun?," hindi ko na malayang na sambit ko. Nakita ko naman ang titig ni Erich sa'kin tinuro ko naman ang unahan. Nawala na ang titig niya sa'kin at napunta sa harapan.

"RPG ba iyon?!," gulat na sambit niya.

"Oo," maikling sambit ko.

"Ang duga naman, tayo ay walang RPG dito sa loob sila meron," maktol niya, napatingin naman ako sa kanya at napailing nalang sa bilis ng pag-babago ng mood niya.

Max's Pov

"Bwesit!," inis na sigaw ni Jay. Tumama kasi ang pwetan ng baril niya sa mukha niya ng banggain kami nila Darius at mapunta dito sa gilid ng kalsada.

Namumula ang pisngi niya at makikita rin ang kaunting hiwa dito. Nang mahawakan ay napa mura na lamang siya.

"Ang malas naman, sa mukha ko pa talaga," inis na sambit niya.

Natawa na lamang ako pag naiinis to nag tatagalog ayus din tagalog niya straight na straight lalo na yung mga mura. Pinaandar ko na muli ang sasakya namin. Hindi naman ganon kalala ang natamo ng sasakyan namin sadyang napalakas lang ang bangga kaya kami tumilapon sa gilid ng kalsada.

"May panyo kaba jan," tanong niya sa'kin.

Ginilid ko muna ang kotse. Hindi ko na tanaw ang kotse nila Venice at ang kotseng itim nila Darius. Kinapa ko naman ang suit na suot ko, nakapa ko naman ang panyo ko at agad na inabot ito sa katabi ko.

"Thanks," sambit niya tumango na lamang ako at inihanda ang kotse.

Saglit na tinignan ko si Jay at napa-ngisi na lamang. Agad kong pina-harurot ang kotse pasunod kila Venice narinig ko naman ang malutong na mura ni Jay sa'kin tatawa-tawa lamang ako. Nasubsob kasi siya sa unahan ng kotse at nauntog.

"Gago ka!," inis na sigaw niya sa'kin.

'Nasan na kayo?,' tanong ko sa radyo.

'Nasa bangin na,' sagot naman ni Erich, hindi ko na sila muli tinanong at mas lalo pang binilisan ang pag-papatakbo.

Alam ko namang kailangan nila kami doon. Kahit na nan-doon si Venice hindi parin nila kaya ang isang gang group na may mga mabibigat na armas.

Ilang metrong layo sa bangin na sina-sabi nila ay may nakita akong dalawang kotseng naka-tigil. Ang isa ay malapit sa bangin ang isa naman ay di kalayuan sa pwesto nung una.

Ilang sandali lang ay nakilala ko na ang mga kotseng ito.

Tumigil ako di kalayuan sa pwesto nila Venice. Kunot noo ko silang pinag-masdan.

"Why did you stop?," tanong ng katabi ko.

Tinignan ko naman siya saglit at binalik ulit ang paningin sa unahan kung saan naka tigil ang dalawang kotse.

"What the heck are they doing?," narinig kong tanong ni Jay.

"Bakit ba ang daldal mo na?," inis na tanong ko sa'kanya. Kanina pa kasi siya salita ng salita nakaka-irita lang, hindi naman siya ganun dati.

"I don't know either," he shrugged.

Napailing nalang ako at sumandal sa upuan at humalikipkip, naisipan ko namang tanungin sila gamit ang radyo namin.

'What the heck are you guys doing?,' tanong ko.

Ilang minuto ang hinintay ko ngunit hindi sila tumutugon.

"They didn't even answer," iiling iling na sambit ko.

"Is that a fucking RPG?," gulat na tanong ni Jay.

Nakita ko naman siyang nakatingin sa kotse nila Darius na may nanlalaking mata. Kaya tinignan ko na din ito, at gaya niya nagulat at nanlaki din ang mata ko sa nakita.

"How the hell, did they have that?," gulat na tanong ko.

"There's not even an RPG on your compartment," sambit ni Jay.

Nang matauhan ay dali dali kong in-on ulit ang ear piece ko.

'They have a freaking RPG!, get out of there!,' sambit ko, ngunit katulad kanina wala paring tumutugon.

Napatingin naman ako kay Jay nag kibit balikat lang siya.

"What are they up too now?," seryosong tanong ko sa sarili.

"I don't know," iling ni Jay.

A/N: Jan muna haha, pasensya na kung maikli ang update nato babawi nalang ako sa next chapter, see you next chapter.

Vote and comment!

Clash Of The Gangsters:Stanford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon