Chapter 38 (Old 'Friends')

59 6 8
                                    

A/N:This chapter is dedicated to Songjoongki121505 and to my friend QueenXBluanne

Venice's Pov

Agad akong napa-tigil ng may biglang mag bukas ng pinto ng training room, kunot noo ko namang pinag-masdan ang babaeng pumasok sa loob.

Tinignan ko muna ng masama si Xander na ngayon ay di malaman kung ano ang gagawin.

"Di pa tayo tapos Xander Renz Lavender,"  mariing bulong ko sa kanya, at bahagyang lumayo.

Nakita ko namang natigilan ang lahat ng makita ang babaeng ito na pumasok.

"Paano ka naka-pasok dito?," tanong ni Max matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Dark killer it's an honor to meet you," biglang sabi ng babae at yumuko ng bahagya, naka maskara ito at nahaharangan ng maskarang ito ang buong mukha niya. Kulay pula naman ang maskara niya, sa kanyang sa suot na damit ngayon batid kong kilala ko na siya.

"I really have the personality that I don't want to repeat what i've said," walang emosyong sabi ni Max sa babae na ngayon naka tayo na ng tuwid at tumawa ng marahan.

"Pardon me, Dark killer I'm here to help," sambit ng babae, kumunot naman ang noo ni Max na para bang nakikila na niya ang babaeng nasa pintuan parin hanggang ngayon.

"For some reason, I think, I know you," sambit ni Max habang pinag mamasdan ang babae, mag sasalita na sana ulit ang babae ng tumikhim ako.

Napa-tingin naman ang lahat sa akin ng tumikhim ako. At lalo na siya.

"What are you doing here?," naka-simangot kong tanong sa kanya, natatawang lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

Bahagya naman ako nagulat sa biglaang pag-yakap niya sakin, pero sa huli ay tinugunan ko naman iyon.

"Na-miss kita Veny," natatawang bulong niya, lalo naman ako napa-simangot at pasimpleng binatukan siya, agad naman siya napa-hiwalay sa yakap ko.

"Aray ha! Alam mo namang ang bigat ng kamay mong yan! Parang hindi ka babae!," reklamo niya natawa naman ako ng mahina sa ginagawa niyang pag rereklamo.

Hindi parin nag-babago ang babaeng to childish parin.

"I told you not to call me with that nickname," naka-simangot kong sabi, siya naman ngayon ang natawa.

"Yeah, yeah," nang-aasar na sabi niya napairap nalang ako sa pagiging childish niya.

"Come on, why are you here?," cold kong sambit.

Napa-tigil naman siya at napailing.

"You didn't even change a bit," iiling iling niyang sabi.

"Come on, spill it out Erich," inip na sabi ko.

Tinaas niya naman ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko sa pulis.

"I'm here to help," simpleng sagot niya, kumunot naman ang noo ko.

"So your serious, huh?," sambit ko, napa-tango naman siya.

"Fine," napipilitang sagot ko.

Pumalakpak naman siya na parang bata.

"What the hell?," naguguluhang sambit ni Jay.

"It is really you Erich?," gulat at di maka-paniwalang tanong ni Jay.

Clash Of The Gangsters:Stanford UniversityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ