Chapter 33 (Jayce X Airah)

63 5 0
                                    

Airah's Pov

Nang mauna ng pumasok si Ven sa loob kahit na may malaki siyang sugat sa likod nakaka pag lakad parin siya ng ayos.

Nakaka-gulat masyado tong araw nato. Una may sasabihin daw si Ven na hindi naman natuloy tanong ko nalang mamaya. Pangalawa na kidnap si Andrea pati ang monggoloid kong kambal. Pangatlo hindi nasunod ang oras na sinabi ni Ven. Pang-apat eto talaga masyadong di kapaki-kapinawala god si Venice Lopez? Nag patulong? at eto pa malupet kay Max Anderson Laurent ang leader ng Dark Warrior's! Eh pag pinag-sama yang dalawang yan eh parang nuclear bomb na sasabog. End of the world na talaga. At pang huli ay buhay pala ang dalawang to?! Kala ko talaga patay natong dalawang to putsa.

"Oh? Sara mo armas mo baka pasukan ng langaw," natatawang sambit nung lalaking naka puting jacket.

Agad ko naman sinara ang bibig ko na naka-bukas pala at tinignam siya ng masama.

"Anong armas ka jan?! Ha?!," inis na sambit ko.

Tinuro niya naman ang bibig ko.

"Yang bibig mo parang armas to be specific eh machine gun," naka ngisi niyang sambit.

Nakita ko namang napa-bungis-ngis ang lahat pati ang mga miyembro namin at yung kasamahan ng apat na bwesit sa harapan ko.

"Tangna mo, kung di ka natuluyan kay Darius eh ako tatapos sayo tandaan mo yan peste ka," inis na sambit ko habang naka-duro sa kanya.

Pinasadahan ko muna sila ng tingin bago mag salita.

"Hoy! Kayong lahat na hindi na bangasan ay tulungan ang lahat na nalumpo sa walang kwentang laban nato bilisan ninyo!," sigaw ko habang naka duro sa kanilang lahat.

Agad naman kumilos ang lahat at pinag bubuhat ang mga nasaktan sa 'grand entrance' daw nila.

"At Foster! Ituro mo sa kanila ang medic room para magamot yang mga yan!," dagdag ko tinignan naman nila ako.

Napa-taas ang kilay ko at tinutok sa kanila ang dalang baril ko.

"Kikilos kayo oh papasabugin ko mga bungo ninyo?!," banta ko.

Agad naman silang nag takbuhan sa loob nasa unahan si Foster.

"Bilisan ninyo ang babagal ninyo!,"sambit ko at ng maka-pasok na silang lahat ay tinignan ko ang apat na bugok.

"Oh kayo?! Ang ginagawa ninyo pa jan?!," sigaw ko.

"See? Parang machine gun diba? Parehong maingay, parehong madaming bala, ano pa?," natatawang sambit nung peste kanina.

Tinalikuran ko na sila at nag simula ng mag-lakad papasok. Narinig ko naman ang mga tawanan nila sa likuran ko. Napa-ngisi ako ng may maisip agad kong kinuha ang dagger na tinago ko sa boots na sinuot ko at hinarap silang apat. Agad ko itong binato sa gitna nilang apat.

Napa-tigil naman sila sa pag-tawa at namumutlang napa-tingin sakin si Jay at Max sila kasi ang nasa gitna.

Ilang dipa lang layo ng dagger sa kanilang mga mukha ng ito ay ibato ko. Ilang minuto ang tinagal ng katahimikan ng may mag lakas loob ng mag-salita.

"What the fuck?,"gulat na tanong ni Jay.

Tinignan ko naman sila ng blanko, tinitignan ang bawat reaksyon nila.

"Papatayin mo ba kami?,"tanong ni Max.

"Kung pwede lang bakit hindi?," kibit balikat kong sabi.

"Your one dangerous lady," naka-tangang sambit ni Jay.

Naka-ngisi naman akong lumapit sa kanya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya at ang unting pag laki ng singkit niyang mata.

"W-what are y-you doing?,"nauutal na tanong niya ng maka-lapit ako.

"Kukunin yung dagger ko," sambit ko at kinuha ang dagger na nalaglag malapit lang sa kanila.

"Bakit? Ano ba ang iniisip mong gagawin ko?," taas kilay kong tanong sa kanya.

Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ng tatlo. Sinamaan naman ng tingin ni Jay sila kaya napa-tahimik ang mga ito pero di mai-alis sa bibig ang pigil sa pag tawa.

"N-nothing." nauutal niyang sambit.

"Talaga? Bat ka nauutal?," tanong ko at hinarap siya.

"Hindi ako nauutal," poker face niyang sinabi yan at di din nauutal.

"Ah talaga?," naka ngisi kong tanong.

"Oo," kamuntikan ng mautal na sagot niya. Lalo ako na pangisi ng may maisip na kalokohan.

Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya mga ilang dipa nalang ang layo ng ilong namin. Nakita ko naman ang sunod sunod niyang pag-lunok.

"Talaga?," pag uulit ko.

"Y-yes, w-what a-are you doing?," nauutal niyang tanong.

"Why don't lower your pride down huh? Why so stubborn to admit it huh?," tanong ko sa kanya at lalong lumapit.

Nag tama na ang ilong namin pareho at ramdam ko na lalo ang kanyang hininga. Isang tulak lang ay mahahalikan ko na siya.

"S-stop t-this n-nonsense," naiilang na sambit niya pero di parin lumalayo masyado ma pride ang gago.

Aamin lang na nauutal siya eh nahihirapan pa.

"Not unless you admit it or you just want me to get more closer?," naka ngisi kong tanong.

Marahan siyang pumikit ng lumapit ako ulit ng kaunti nakita ko din ang marahan niyang pag lunok.

"F-fine! damn it!" inis na sambit niya.

"Fine what?," naka ngisi kong tanong.

"Oo na nautal nako lumayo kana," sambit niya at tinutulak tulak ako pero di naman malakas pa cute ang gago.

"Naiilang kaba o natutukso?," natatawang tanong ko.

"None of the above," straight face niyang sagot.

Lumapit ako lalo the heck lang talaga batuhin lang ako dito lapat na ang labi namin pero trip ko siyang asarin eh.

"I told you to stop that," inis niyang sambit at lumayo.

Natatawang lumayo naman ako sa kanya tinignan ko naman ang tatlo na naka tanga. Siguro di nila expect na gagawin ko yun.

"Oh? What happened to the four of you?," biglang singit ng isang boses. Ang lamig na nga dito sa labas dumagdag pa boses niya.

Lumapit siya sa amin ni Jay naka layo na pala kami sa tatlo kaka atras di ko pansin.

"What happened to them?," tanong niya sakin nag kibit balikat naman ako.

"Don't shit on me. What happened?," tanong niya uli ngayon mas malamig na nangangatog tuloy ako.

"Ask them I'm talking to Jayce so I didn't know." sagot ko tinignan niya naman uli ang tatlo pero naka tanga parin sila. Napa buntong hininga siya at tinignan ang pinsan niya.

"Oh? Why are you so red?," takang tanong naman niya nag tatakang tinignan ko naman si Jay na ngayon pulang pula talo pa ang kamatis sa pag-ka pula.

'Ang yare jan? Kausap ko lang yan kanina ah.'

Nilapitan ito ni Venice at kinapa ang leeg niya sunod naman ang noo.

"Are you alright?," tanong niya nagulat naman ako.

'Waahh! End of the world na nga talaga.'

Nagulat naman si Jay sa inasal ng pinsan pero umiling bilang sagot.

"Don't be too shock. Ayaw ko lang ng sagabal sa plano ko baka yun pa ikapahamak nating lahat." sambit niya at iniwan na siya.

Well ganun parin siya pero improving naman ok nayun kesa sa wala.

"Come on now let's get moving. Time is running people let's go!,"sigaw niya at nag lakad na papasok uli. Ang bilis naman nun gamutin minuto lang iba talaga ang babaeng yun eh parang wala lang sa kanya ang natamong sugat.

Nilingon niya uli kami, "Move god damn it!,"sigaw niya at nag patuloy na ulit.

Ilang segundo lang ay sumunod na kami sa kanya papasok dahil baka mamatay kami ng maaga di pa nag sisimula ang gera.

Clash Of The Gangsters:Stanford UniversityWhere stories live. Discover now