Plan B

30.6K 796 88
                                    

LOVE ISN'T PRACTICAL.
It wasn't meant to be easy. It doesn't appear on command. It doesn't let you fall for whoever you'd like. It surfaces neither at the most opportune moment nor in the most convenient. It'll pair you with someone you might never have expected. It'll put you face to face with endless obstacles. But in the end, none of that will matter because it's how you overcome its obstacles that will define your love. It may not be practical, but love is the ultimate best thing that ever happened to anyone." - unknown

Yzzie's POV

Hindi na ako bumalik sa opisina. Dumiretso na ako sa meeting ko ng lunch time tapos ay diretso ako sa unit ko. Tumawag na ang massage therapist ko na nandoon na daw siya at hinihintay ako. Damn. Sa mga nangyayari ngayon, I really need this massage. Pakiramdam ko pati katawan ko ay nai - stress na talaga. Ang daming masakit sa akin.

Tina is my massage therapist eversince. Alam na niya ang mga gusto ko at alam niya ang kaartehan ko. Kaya niyang sakyan ang mga moods ko kaya gusto ko siya. I took a shower then I positioned myself proned on the bed. Tina started to massage my back and it feels good. Lahat ng stress ko at gumugulo sa isip ko ay parang nawala.

Si Alex lang naman ang gumugulo sa isip mo. Napasimangot ako ng maisip iyon kasi totoo naman. Nagkaganito lang ako ng bumalik si Alex. Kasi talagang naguguluhan ako. Kahit sinasabi niyang ako na lang ang babae sa buhay niya, parang ayokong maniwala. He made me believe then na ako ang pipiliin niya but it turned out ako pala ang sasaktan niya.

Ang arte mo naman. Ayan na nga 'yung tao. Binalikan ka na.

Oo na. Maarte na ako kung maarte pero talagang hindi ganoon kadaling patawarin ang gagong iyon. Napahinga ako ng malalim at pumikit na lang at dinama ko ang pagmamasahe ni Tina.

"Mam, kamusta naman 'yung adopted brother 'nyo?" Narinig kong tanong ni Tina habang hinahagod ang likod ko.

"Who? Alex?" Kilala ba niya si Alex? Siguro. Noon naikukuwento how I hate him.

"Yes mam. Alex pala pangalan 'nun. Guwapo 'yun 'di ba?" Sabi pa niya.

"Who? That asshole? Puwede ba Tina, iba na lang ang pag - usapan natin at lalo lang nai - stress kapag naririnig ko ang pangalan ng pangit na iyon," sagot ko. "Can you press some more here at my lower back? I have pain there." Ilang araw ko ng nararamdaman ang pananakit na iyon sa lower back ko.

"Guwapo kaya mam. Nakakalaglag nga ng panty, o." Sabi ni Tina.

I felt Tina's hand on my lower and massaging doing some pressing. Strange parang nag - iba ang hagod niya. Mas may pressure and parang naging makalyo ang kamay niya. Baka dahil lang sa oil naisip ko. Lalo niyang idiniin ang masahe pababa sa may bandang puwet ko kaya napaungol ako. "Damn. That feels good."

Bahagyang napa - ehem si Tina. Bakit parang lumaki yata ang boses niya?

"Nauuhaw ka Tina?"

Hindi po mam. Sige lang po. Saan pa po masakit?" Tanong niya. Patuloy lang siya sa paghagod ng likod ko.

"Guwapo nga manloloko naman. Hindi marunong tumupad sa pangako. Ako naman si tanga umasa. Tapos babalik siya ng parang walang nangyari? Kapal niya," hindi ko napigil ang sarili kong hindi sabihin iyon.

"Eh, paano mam kung humingi naman ng tawad? Hindi 'nyo ba patatawarin? Ikaw din, baka maagaw ng iba," parang tonong nanunukso si Tina.

Naisip ko din iyon. Baka sa kaartehan ko magsawa din si Alex. Pero naisip ko, bahala siya. Maghirap muna siya.

"Bahala siya. Basta. I hate him," inis na sabi ko. "Can you massage lower? My butt and my legs please."

Saglit na tumahimik si Tina. Parang ang weird lang kasi talagang ibang klase ang masahe niya. Saka bakit ganoon? Bakit para akong nakakaramdam ng malisya? Ano ba ito? Pinikit ko lalo ang mata ko at nag - isip ko ng masasayang alaala.

Destined to be together (COMPLETE)Where stories live. Discover now