27 • Saving all my love for you • 27

22.4K 585 35
                                    


Alex's POV

Wala na sana akong planong pagbuksan ang kung sino man ang nagba - buzz sa unit ko. Sigurado akong si Katie lang iyon. Ang kulit niya. Ibinigay ko na nga ang gusto niya na pakisamahan siya, ang dami - dami pa niyang demands. Saka wala siyang tigil ng kaka - nag sa akin tungkol sa pagre - resign ko sa Gaviola Enterprises at pagsoli ko ng lahat ng mga ibinigay ni Don Jose sa akin. May karapatan daw ano sa lahat ng kung anong meron si Don Jose dahil legally adopted daw ako.

Magpapakasal lang daw siya sa akin kung makikipag - usap ako kay Don Jose at bawiin ko ang lahat ng isinoli ko. Pinagtawanan ko lang siya. Mas lalong hindi ko babawiin ang mga isinoli ko. So ngayon alam ko na. She is after for the Gaviola's riches. I just can't believe it. Sa tagal namin ni Katie, hindi ko akalain na ganoon siya.

Mahina akong napamura kasi sunod - sunod na buzz na naman ang narinig ko. Inis akong umalis sa kama at tinungo ang pinto.

"What do you still need -" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi hindi si Katie ang nandoon. Si Anton iyon.

"How did you find me here?" Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko siya.  Dumiretso uli ako sa kuwarto ko at nahiga sa kama.

"Mukhang kailangan ng pumasyal dito ng cleaning lady mo," sabi niya sa akin at tinitingnan ang paligid ng unit ko.

"I can't afford to hire a cleaning lady. Mahirap pa ako sa daga ngayon," sagot ko sa kanya at dumampot ng beer sa ice box na malapit sa akin.

Naupo si Anton sa isang silya doon at nakatingin lang siya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang ayos ko.

"Alex, I don't know what is happening in you pero you need to fix yourself. Your father is looking for you," seryosong sabi ni Anton sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama. "Did you tell him where do I stay? At paano mo nalaman na nandito ako?"

Huminga ng malalim si Anton. "Lagi siyang nagpupunta sa restaurant. Hinihintay kung pupunta ka. Hindi naman niya iniintindi ang mga reports na ibinibigay ko sa kanya. Basta nandoon lang siya sa opisina mo gabi - gabi. Nagbabakasakaling darating ka. Ang lungkot ng papa mo," sabi niya sa akin.

Napailing ako. Guilt sets in again. Baka kapag nalaman ni papa ang ginawa ko, isumpa niya ako at pinagsisihan niya ang ginawang pagkupkop sa akin.

"Makipag - usap ka kasi. Kahit ako hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo. Akala ko magkasundo na kayo ni Yzzie tapos biglang magkaaway na naman kayo. Ano bang nangyari?"

"I fucked up. I fell in love with Yzzie," mahinang sabi ko at napayuko ako.

"Yari ka nga," sabi ni Anton. "For real? I know how you hate her."

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. "Weird 'no? Basta bigla ko na lang naramdaman. I love her. She loves me. Ayos na sana but Katie is pregnant."

"At akala ko malaki ang problema ko. Mas malaki pala ang problema mo."

"I fucked up everything. Handa akong iwan ang lahat para kay Yzzie but," tumawa ako ng mapakla. "Dahil buntis si Katie, gusto ni papa na panagutan ko iyon. It's over between Yzzie and me."

"Nag - usap na kayo?"

"She doesn't want to talk to me. I know she hates me kasi akala niya niloko ko siya. Pero bakit pa ako mag - explain. Pababayaan ko na lang siyang magalit sa akin. Kung akala niyang inaagaw ko ang lahat ng para sa kanya, ibinalik ko na iyon. Wala akong itinira. I'll be staying here up to next week. Doon na ako sa Pandacan titira," sabi ko.

"'Tang ina naman, Alex. Ano ka ba? Hindi mo naman kailangang gawin ito. Kausapin mo lang ang papa mo," parang naiinis sa akin si Anton.

"Sa tingin mo mapapatawad niya ako sa ginawa ko? Pinakealaman ko ang anak niya. Magkapatid ang tingin niya sa aming dalawa. Baka mapatay pa ako ni Don Jose," naiiling na sagot ko.

Destined to be together (COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें