7 • Current Location • 7

22.2K 567 10
                                    

----------- "People expect too much.  People who expect heaven will always fall into hell - that is the law.  Expect heaven and hell is certain.  Don't expect heaven and there will never be any hell." - Rajneesh


Yzzie's POV

Alex is a god damn monster.

Gustong – gusto ko iyong isigaw habang ipinarada niya sa tapat ng isang lumang apartment sa may Pandacan ang kotse niya. The house is so fucking old! Kahit gabi ay nakikita ko ang kinakalawang na mga bubong. Ang pinto ng gate ay puro kalawang din. Ang dami – daming tambay sa kalsada. Ang daming batang nagtatakbuhan. May kanal sa gilid. Ang baho! This is not what I imagined. I can't stay in this place.

"Where are we?" gusto kong makasiguro kung ito nga sinasabi ni Alex na titirahan ko.

Nakita kong sinilip ni Alex ang apartment at tumango.

"Yeah. This is your new place. May isang nakatira diyan ngayon. Her name is Josie. She is a service staff in my restaurant. Umalis na rin kasi ang dalawang kasama niya dati dahil pareho ng nakabili ng sari – sarili nilang bahay. Don't worry she is nice," sabi pa niya sa akin at pinatay na ang makina ng kotse tapos ay bumaba.

Wala akong pakielam kahit nakabili pa ng mansion ang mga dating nakatira dito pero I can't live here. Hindi ako makakilos. Ayoko dito. Hindi ko kayang bumaba at pumasok sa bahay na iyon.

Naramdaman kong binuksan ni Alex ang pinto sa side ko at sinilip ako.

"Wala ka bang planong bumaba?" tanong niya.

"This is not what I expected! I thought you are going to lend me one of your condo units! Alam kong marami kang condo units at kayang – kaya mong ipahiram sa akin ang isa sa mga iyon," naiiyak na sabi ko. Parang batang nagpapapadyak ako. Ayoko talaga dito.

Pinagtawanan lang ako ng pangit na lalaking ito at umiling – iling. Anong nakakatawa sa sinasabi ko?

"My units are all occupied. Saka bakit ko ipapahiram ang kahit isa sa mga iyon sa iyo? Ayokong pati ako ay madamay sa galit sa iyo ni papa. Itong ngang ginagawa kong pagtulong sa iyo ngayon ay hindi niya alam dahil siguradong malalagot din ako kapag nalaman niya na tinutulungan kita," sagot niya sa akin.

"But you are not helping me! This is a fucking torture! Sa tingin mo ba kaya kong tumira sa bulok na bahay na iyan?!" at may pandidiring tinapunan ko ng tingin ang bahay.

Alex became serious when he heard what I said.

"Watch your mouth, lady. Ang bulok na bahay na sinasabi mo ay bahay na kinalakihan ko. I will be easily get offended if you keep on saying rude remarks about this precious house," sabi niya. "Madali akong kausap, Yzzie. If you don't want to stay here, you can find your own place. Wala na akong maitutulong sa iyo kung ayaw mo dito," sabi pa niya at isinara ang pinto ng kotse at iniwan ako. Nakita ko siyang naglakad palapit sa katapat na bahay.

Napalunok – lunok ako. Pakiramdam ko ay may mabigat na kadena sa mga paa ko pero wala akong magagawa kaya napilitan akong bumaba sa kotse. Nakita kong nag – doorbell si Alex sa gate at ilang minuto lang ay isang babae na halos kasing – edad ko ang nagbukas noon.

"Sir Alex! Good afternoon! Napadalaw kayo?" kita ko ang pagkagulat sa mukha ng babae ng makita si Alex. Nakangiti siya at alam kong masaya siya na nakita niya ang boss niya.

Tinapunan ako ng tingin ni Alex. Kahit bumaba na ako sa sasakyan ay nanatili lang akong nakatayo doon. Hindi ko talaga kayang humakbang papunta sa bahay.

"Hi Josie. Inihatid ko lang siya. Si Yzzie," at muli siyang tumingin sa akin. "You don't want to stay here?" tanong niya sa akin. Alam ko ang tono ng tanong niya. Kapag sinabi kong hindi, siguradong sa kalsada ako matutulog.

Destined to be together (COMPLETE)Where stories live. Discover now