11 • She's nice • 11

21.7K 612 14
                                    

- To be rich, its not what you have in your bank account, but what you have in your heart - Anonymous

------------------------>>>>>>>>>>>>>

       

Alex's POV

I know it is Yzzie's day off today kaya wala siya sa reception area ng dumating ako.  Tanging si Josie at isang bagong trainee ang naroon na nagma – man sa area.  Naroon din si Anton at alam kong busy na naman sa pag – iinterview sa bagong trainee.  Napailing ako.  Talagang hindi pa naaalis ang pagiging playboy nitong kaibigan ko.

"Anton, paki – check naman sa taas," sabi ko ng makalapit ako sa kanila.

Parang napapahiyang ngumiti siya sa akin tapos ay nagpaalam sa dalawang babae.  "Sige girls.  Balikan ko na lang kayo," at kumaway pa siya sa mga ito bago umalis.

"Si Sir Alex talaga, sinita mo naman si Sir Anton.  Napahiya tuloy kay Minnie," natatawang sabi ni Josie.

"Pabayaan mo si Anton.  Huwag kayong magpapauto diyan," sagot ko.  "Day off ni Yzzie?" kunwari ay hindi ko alam iyon.

"Ay oo Sir.  Nagpapahinga sa bahay kanina 'nung iniwan ko.  Sabi niya maglalaba din daw siya," sagot ni Josie.

"Kamusta naman siyang kasama?  Hindi ka ba niya inaaway?  Hindi ka niya tinatarayan?" I want to know kasi baka nagkamali talaga ako ng makita ko na binigay niya ang pera kay Josie.

"Si Yzzie, Sir?  Naku, sobrang bait po 'nun.  Mataray pero mabait talaga.  Saka may pagka – maarte pero nakakatuwa naman," sabi nito sa akin.

"Sure ka?  She is nice to you?" paniniguro ko.

"Opo.  Pinahiram nga niya ako ng pambayad ko ng ospital last week.  Sabi ko huhulog – hulugan ko na lang pero sabi niya kahit daw huwag ko ng bayaran.  Grabe ang mga gamit niya.  Sobrang ang mamahal.  Pinapabenta niya sa akin online.  Alam mo ba sir, sobrang bait niyan ni Yzzie, pinabenta niya 'yung isang pares ng sapatos niya.  Manolo ba 'yun?  Basta mamahalin –"

"Manolo Blahnik?" Iyon lang naman ang alam kong sapatos na may ganoong pangalan kasi may mga ganoon din si Katie.

"'Yun nga yata 'yun Sir.  Meron kasi siyang nakilala na bumibili ng mga high end na gamit," yumuko si Josie na parang nahiya sa akin.  "Kasi sir, tumutulo 'yung bubong 'dun sa bahay. Nahihiya naman akong sabihin sa iyo kasi patira mo na kami doon.  'Yun ang ginawa ni Yzzie.  Nagbenta siya ng sapatos niya.  Nabenta niya ng twenty five thousand.  Nagpabili siya ng bagong bubong doon sa bahay.  Pinagawa niya," bahagyang ngumiwi si Josie.  "Ayaw niyang ipasabi sa inyo.  Pasensiya na Sir."

Napahinga ako ng malalim.  I can't believe she did that.  Gagastos siya para sa bulok na bahay na iyon?  Sa kanya na nga nanggaling iyon na pinandidirihan niya ang bahay na iyon.  And kailan ba naging concern si Yzzie para sa kapakanan ng iba?

"Sir, taga saan ba 'yan si Yzzie?  Para naman kasing hindi siya sanay magtrabaho.  Saka talagang ang mga gamit niya ang mamahal kaya kapag ibinenta niya ang taas pa nabibili.  Tapos karamihan bago pa," sabi pa ni Josie.

Nginitian ko lang siya.  "Sige Josie.  Thank you.  Ikaw na bahala dito.  Turuan mo ang trainee mo.  Sa susunod na may problema sa bahay sabihin mo sa akin para ako na ang magpapagawa."

Tumango lang si Josie sa akin.

Tinalikuran ko na sila at dumiretso ako sa parking.  Naisip kong puntahan si Yzzie.

Tahimik ang bahay ng dumating ako.  Sabagay alas – otso na rin 'yon.  May mga tambay lang dito sa labas pero kilala naman ako ng mga ito.  Madalas ko silang bigyan ng pera para sila ang magbantay dito sa bahay at sa mga nakatira doon kaya walang kahit na sino ang maglalakas ang loob na pasukin sila Yzzie dito.

Destined to be together (COMPLETE)Where stories live. Discover now