Massage therapist

25.7K 636 31
                                    


Alex's POV

Hindi ko mapigil ang ngiti ko ng makita ko ang reaksyon ni Yzzie ng malaman na ako ang consultant na kinuha ng daddy niya. Wala naman akong magagawa dito. I know she hates me and I can't blame her. But this, this consultant thing is her dad thing. Nakakatawa kasi ilang buwan akong nag - aalala na baka bugbugin ako ni Don Jose dahil nagkagusto ako sa anak niya. Only to find out that he wants me for his daughter. Lalong lumalim ang paghanga ko sa matandang iyon. Kung tutuusin kaya niya akong utusan na gawin iyon noon. Na kahit ayoko sa anak niya pipilitin niya akong pakasalan si Yzzie at alam niyang hindi ako tatanggi dahil sa laki ng utang na loob ko sa kanya. Pero hindi niya ginawa dahil nirerespeto niya ako at ang mararamdaman ko.

Pero tama si papa. It is our destiny to be together. Yzzie and I.  Hindi ko naman pinilit na mahalin si Yzzie. I just felt it and I will do anything just to win her back. Lalo pa ngayon na alam kong kakampi ko ang tatay niya.

"Shit," narinig kong sabi ni Yzzie at parang nagmamartsang lumabas ng opisina niya. Nakita kong parang natataranta si Lani kung susundan si Yzzie o ano.

"Sir paano ba ito? Ipapalipat ko na lang ang table 'nyo? Meron pa namang bakanteng kuwarto," sabi niya.

"Huwag mong pansinin iyan si Yzzie. This is Don Jose's decision. Wala tayong magagawa doon. Your boss is this company's chairman but we all know that her father still has the last words," sagot ko sa kanya.

"Sir naman, alam 'nyo naman si Mam Yzzie. Nakakatakot magalit iyon," sabi pa nito.

Natawa ako. "Trust me. Mawawala din ang galit noon. Just put all the papers that I need para makita ko na. And can you please tell me Yzzie's schedule for today?"

"Sige sir," at ngumiti sa akin si Lani. "Welcome back po."

Tumango lang ako sa kanya at naupo sa office chair ko at marahan kong pang sinalat - salat ang table ko. It is really good to be back. Gusto nga ni Don Jose na ibigay sa akin ang dati kong posisyon dito sa company as the Vice President pero tinanggihan ko. Kung ako ang masusunod, ayoko na talaga dito lalo na ngayon at narito na si Yzzie. This is her company na alam kong pinagmamalasakitan na niya. Pero gusto ng daddy niya na tulungan ko si Yzzie dahil mas alam ko daw ang pagpapatakbo nito. So, just to be with her and at the same time help her, I became the consultant.

Bumukas ang pinto at nakita kong parang umuusok sa galit si Yzzie ng pumasok habang may kadiskusyon sa telepono.

"Its not fair dad. I don't need a consultant. Nakaya ko nga na gawin ang mga trabaho ko on my own. Why would I need someone to check everything I do?" Parang tigreng galit na galit si Yzzie. But still, I find her cute. 'Yung pagsimangot ng mukha niya, 'yung pagkumpas - kumpas ng kamay niya. Nakakatawa, ito 'yung mga isinusuka kong arte niya dati pero ngayon gustong - gusto kong makita.

Nakita kong inis na ibinalibag ni Yzzie ang telepono niya sa dingding at napasigaw pa. Napatingin siya sa gawi ko at nginitian ko siya kaya para siyang lalong nagliyab sa galit.

"Buwisit!" Sigaw niya at muling lumabas.

Napahalakhak ako. And I think I'll enjoy this more.

Dinampot ko ang telepono ko at tinawagan ko ang sekretarya ko.

"Minnie, sinabi sa iyo ni Lani 'yung reservation ko?"

"Sir, ok na po. Papunta na po ako diyan. Napick - up ko na rin 'yung pinapakuha 'nyo." Sabi niya.

"Good. Sige. Hintayin kita."

Hindi ko mapigil ang pagngiti ko. I'll surprise Yzzie later. Gagawin ko ang dapat na ginawa ko na noon pa.

Destined to be together (COMPLETE)Where stories live. Discover now