23 • We are going to be a family • 23

21.8K 544 40
                                    

       

"The strongest people are not those who show strength in front of us, but those who win battles we know nothing about."

Alex POV

Pakiramdam ko ay bibitayin ako habang nakatayo ako sa labas ng opisina ni Don Jose.  I decided to talk to him about my relationship with Yzzie.  Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito pero handa akong harapin ang lahat.  For Yzzie, I'll do everything.  Anything.

Huminga ako ng malalim at kumatok sa office niya tapos ay diretso akong pumasok.  Napangiti si Don Jose ng makita ako.

"Hijo, have a seat.  Ipapatawag nga talaga sana kita," nakangiti niyang sabi sa akin.

Good.  This is good.  He is in good mood.

"Sir, kamusta po?" Shit.  How will I start?  What will I say?

"May sasabihin ka ba sa akin?" nakangiti pa rin siya.

This is fucking weird.  Alam ba niya ang tungkol sa amin ni Yzzie?  Bakit parang may alam siya?  Bakit parang expected niya na may sasabihin ako.

Napalunok ako at huminga ng malalim tapos ay pilit akong ngumiti.

"S – sir," I cleared my throat.  "I know it was wrong.  But I love her," Wow.  I don't know where I got the courage to say that.

Ngumiti lang si Don Jose.  Okay lang ba sa kanya? 

"I understand, Alex.  It's totally fine with me.  She told me already," nakangiti pang sabi niya.

Napakunot ang noo ko.  "What?"  Si Yzzie?  Ano ang sinabi niya sa daddy niya?

"Si Katie.  She called me and told me that she is pregnant with your child.  Alam daw kasi niya na baka hindi mo makayang sabihin sa akin ang sitwasyon kaya sinabi na niya sa akin.  Hijo, maiintindihan ko naman.  Mabuti nga iyon magkakaapo na ako," sabi pa ni Don Jose.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.  Katie?  Katie is pregnant?

"S – sir, when did she call you?"

"Just now.  Alex, ikaw na nga ang nagsabi sa akin na mahal mo.  So what are you going to do right now lalo na nga at buntis siya sa anak mo? You need to marry her," sabi pa ni Don Jose.  "Hindi ako papayag na hindi mo panagutan na ang nangyari kay Katie.  I think she is nice girl."

Pakiramdam ko ay pinapawisan ako ng malapot sa nalaman ko.  Hindi ko alam na buntis si Katie at alam ko hindi siya puwedeng magbuntis dahil under contract siya sa modelling agency niya at madedemanda siya kapag nabuntis.  Kaya nga kami ingat na ingat.

"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong sa akin ni Don Jose.

"Sir?" napapiyok pa ako.

Tumayo si Don Jose at tinapik ang balikat ko. 

"I know the feeling.  Ganyan din ang naramdaman ko ng malaman kong magiging tatay na ako.  I can't explain the excitement."

Excitement?  Hindi iyon ang nararamdaman ko.  Pakiramdam ko ay gusto kong umalis dito at puntahan si Yzzie.  How will I tell her that Katie is pregnant?  Pero isipin ko man, talagang imposibleng mabuntis ko si Katie.  Madalas siyang wala.

"Alex, it's about time that you think about of settling down.  You are not getting any younger.  Saka kalimutan mo na ang sinabi ko sa iyong tulungan mo ako sa pagpapatino kay Yzzie.  She is not your obligation.  You have your own life.  And we did our part.  She learned her lesson already kaya alam kong nagbago na ang anak ko," sabi pa ni Don Jose.

Destined to be together (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon