9 • First Night • 9

24.3K 588 47
                                    

       

-          "You don't have to disrespect and insult others simply to hold your own ground.  If you do, that shows how shaky your own position is." – Red Haircrow

--------------------------à>>>>>>

Alex's POV

Agad akong umupo sa harap ng mesa ko at binuklat ko ang mga financial statements na ibinigay ng sekretarya ko.  Alam kong okay na ang mga ito at nai – settle na lahat ng bayarin sa BIR pero gusto kong masigurado.  Alam naman ng lahat kung gaano ako ka – perfectionist kaya kailangan wala akong problema dito.

And that is my flaw.  Being a perfectionist.  I want everything to be perfect.  I want everything to be planned para nasa ayos ang lahat.  Siguro dahil sa nangyari sa buhay ko.  Ayoko ng bumalik sa nangyari noon sa akin kaya gusto ko lahat nakaplano.  Nakaayos.  Kaya sakit sa ulo ko talaga ang nangyayaring ito na nandito si Ysobel.  Kahit sa panaginip hindi ko naisip na mangyayari ito.

"Alex, where did you get your new receptionist?  Parang hindi bagay doon.  Parang mas bagay na may – ari nitong restaurant mo," natatawang sabi ni Anton sa akin at naupo siya sa upuan na nasa harap ng mesa ko.

"That is Yzzie.  Only daughter ni Don Jose," sagot ko habang binubuklat ko ang mga papel sa harap ko at napahinga ng malalim.

Nakita kong nagulat si Anton.  "Yzzie?  As in Ysobel Gaviola?  Tagapagmana ni Don Jose?"

Tumango ako at inis na inimis  ko ang mga papel na tinitingnan ko at isinara ang mga folders.  Marahan kong hinilot ang magkabila kong sentido.

"Anong ginagawa niya dito?  Bakit receptionist mo?  Alam ba ito ng daddy niya?" sunod – sunod na tanong ni Anton.  Talagang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.  Kilala naman kasi niya si Yzzie.

"Long story.  Si Don Jose ang may gusto niyan.  To teach her a lesson.  Alam mo naman na sobrang bratinella 'yan.  I don't know if she can survive this night," naiiling na sabi ko.

"Ha?  Ano?  Naguguluhan ako.  Buti pumayag 'yang si Ysobel na magtrabaho sa iyo.  Sobra ang galit niyan sa 'yo 'di ba?"

"She has no choice.  Talagang pinabayaan siya ng tatay niya.  She has nothing and I am her only hope para hindi siya sa kalsada pulutin." Parang lalo yatang sumakit ang ulo ko.  Kung bakit kasi sa akin pa pinagtrabaho ni papa ang anak niya.  Puwede naman sa ibang kaibigan niyang may mga negosyo din.  Hindi lang talaga ako makatanggi pero parang hindi ko matatagalan ito.

Napatawa si Anton.  "This is crazy.  Anong alam niya sa pagta - trabaho?  You think she can handle her job here?"

"I don't know," naiiling na sagot ko.

Pareho kaming napatayo ni Anton ng makarinig kami ng malakas na pagbasag mula sa baba.  Mabilis kaming lumabas ng opisina at patakbong bumaba papunta sa reception.  Naabutan namin doon ang guards, si Josie na hinaharangan si Ysobel.  Tapos may isang lalaki at babae na parang kinokompronta si Ysobel.  Sa lapag ay naroon ang isang nabasag na baso.

"Bitch ka!  Ang tanga – tanga mo!  Simple reservation lang hindi mo magawa!" narinig kong sigaw ng babae.  Tingin ko customer.  Shit.  Anong ginawa ni Yzzie?

Nakita kong umirap lang si Ysobel na parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"Wala nga kayong reservation 'di ba?  I showed you the list and your name is not there.  And besides, full na sa loob.  So saan ko pa kayo isisingit?  And don't show me your gold visa card," nakita kong rumolyo ang mata ni Yzzie.  "I have five platinum credit cards.  I can even buy you.  Just tell me how much is your worth."

Destined to be together (COMPLETE)Where stories live. Discover now