6 • The world we live in • 6

23.8K 574 21
                                    

----------- "When everything seems to be going against you, remember that the airplane takes off against the wind, not with it." – Henry Ford


Yzzie's POV

Hindi na matapos – tapos ang pag – iyak ko habang paakyat ako sa elevator sa unit ko. An admin officer accompanied me para mabuksan ang unit ko. Utos daw iyon ni daddy.

I don't know what to do. I kept on crying while putting all my clothes in my bags. I looked around my unit. This is my home. Saan ako pupunta after this? Wala akong kakampi. Si daddy na lang ang inaasahan ko pero itinakwil pa niya ako. Lalo akong napaiyak. I tried to call my mom pero wala pala si mommy. Nasa bakasyon pala siya kasama ang asawa niya. Buti pa siya. Samantalang ako. Hindi niya alam ang nangyayari sa akin. I don't want to call my friends. I am sure I will be the talk of town kapag nalaman nila that my dad disowned me.

Pabagsak akong naupo sa sofa at kinuha ang bag ko. Napaiyak ako lalo ng makita ko sa wallet ko na two thousand pesos na lang ang laman noon at ilang barya. This will just cover my lunch and coffee. Kapag naubos na ito, wala na talaga akong panggastos. Daddy froze all my accounts and I don't know where to get my money.

I don't think I deserve this kind of punishment kung may nagawa man akong mali kay daddy. I grew up knowing he would provide me everything. I am his princess. Pero bakit ngayon? Bakit parang ibang tao ang turing niya sa akin. Parang mas mahal pa niya ang ampon niyang si Alex kesa sa akin.

It is always Alex the good son. Alex na lang ng Alex. Lagi na lang ang Alex na iyon.

I screamed out loud. Lalo lang akong nagagalit sa lalaking iyon. Mang – aagaw siya. Inagaw niya ang daddy ko. Ginagawa niya ito para masolo niya si daddy at masolo niya ang mana ko!

Am I crazy? Hindi ko alam kung bakit ako nakakapag – isip ng ganito. Maybe because I am that fucking desperate and I am all alone.

Napatingin ako sa pinto ng marinig kong may nag – buzzer doon. Gusto kong murahin ang admin na kasama ko. Hindi pa nga ako tapos sa pag – iimpake ko pero pinagmamadali na niya ako. Dahil ba sa wala na akong pera? Samantalang noon, kulang na lang halikan niya ang bawat tapakan ko. Pinahid ko agad ang luha ko bago iyon buksan.

"I'll be done in a –" parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng makilala ko kung sino ang taong nandoon.

"You don't have the right to be here!" galit kong sabi ng makita ko si Alex na nakatayo sa pinto. Pilit kong sinasara ang pinto pero pinigilan niya iyon tapos ay tuloy – tuloy na pumasok sa loob.

"Bastos ka talaga!" galit na sabi ko.

Parang hindi niya pansin ang galit ko. Tiningnan lang niya ako at naupo sa couch na nandoon.

"What else do you want? You win. Nakuha mo na ng buo ang atensiyon ng daddy ko. Natupad na ang matagal mo ng gustong mangyari sa akin na mahirapan ako. This is it!" sigaw ko pa sa kanya at napaiyak na naman ako.

Nakita kong umiling lang si Alex at huminga ng malalim. Dumukot ito sa bulsa at kinuha ang panyo tapos ay iniabot sa akin.

"Crying will do you no good kasi nawawala ang poise mo. You cry like a cow," parang nang – iinis pang sabi niya sabay abot ng panyo sa akin.

Asar kong hinablot ang binibigay niyang panyo at ipinunas ko sa luha at sipon ko. Totoo naman ang sinasabi ng lalaking ito. Kahit magngangawa ako, walang mababago sa desisyon ni daddy. Saka conscious pa din ako sa sinabi niya sa akin na umiiyak akong parang baka.

"What are you doing here? Did my father send you to check if I am really moving out? Tell him don't worry. Aalis ako dito. I can live on my own," mataray ko pang sagot sa kanya habang ipinagpatuloy ko ang pag – iimpake. Anong akala ni daddy? Hindi ko makakaya ito? Kakayanin ko ito at ipapakita ko sa kanya na mali siya ng pag – aakalang hinid ko ito makakaya.

Destined to be together (COMPLETE)Where stories live. Discover now