28 • Patching things up • 28

22.1K 555 15
                                    

"How do you love someone and just walk away?  End just like that. You just go on as normal, you get up, get dressed, you go to work.  But how can you do that when all you want is to sulk in one corner and cry like there's no tomorrow.  How can you be okay that she is moving on?" - unknown

Yzzie's POV

Nasa loob na ako pero hindi ko makuhang pumunta kay daddy.  Naiisip ko pa rin si Alex.  Shit!  Ayokong magmukhang cheap na naghahabol sa kanya.  I hate him mas matimbang ang nararamdaman kong pagka - miss sa kanya.  Saka bakit ganoon ang itsura niya?  Mukhang siyang haggard.  Parang wala ng pag - intindi sa sarili.  Pumayat pa tapos hindi na yata nag - aahit kasi makapal na ang balbas at bigote. 

Damn it! 

Mabilis ulit akong lumabas at hinanap ko si Alex.  Pero napahinga lang ako ng malalim.  Wala na siya doon.

"Guard, umalis na si Alex?" Tanong ko sa guard namin.

Nakita kong kumunot ang noo niya. 

"Mam?" Parang naguguluhan pa siya sa tanong   .

"Si Alex.  I saw him here.  Galing ba siya kay daddy?"

Napakamot ng ulo ang guard. 

"Dumaan lang po saglit. Mga five minutes lang po siguro tapos umalis din po agad.  May pinaabot lang na folder," sagot ng guard sa akin.

"Hindi sila nag - usap ni daddy?" Tanong ko pa.

"Hindi naman po pumasok.  Sa akin lang pinabigay 'yung folder.  Pinahahabol
nga po ni Don Jose pero nakaalis na si Sir,"
Sabi niya.

So hindi pa rin siya nakikipag - usap kay daddy?

Umalis na ako doon ar dumirecho ako sa office ni dad.

"Nakainom ka na naman," sabi ni daddy ng makapasok ako sa office niya.  Nakayuko siya at may mga pinipirmahang papel. 

Umupo na lang ako sa couch.

"I am not drunk," sagot ko sa kanya.

Napahinga ng malalim si daddy at huminto sa ginagawa niya tapos ay tumayo at tumabi sa akin.

"When are you going to stop?"

"Stop what dad?  I am not doing anything wrong," sabi ko sa kanya.

"Yzzie, may problema ka ba?  I thought everything is fine.  Pati ba naman ikaw?  Wala na si Alex.  I don't know what happened to him.  Pilit kong iniisip kung may nagawa akong mali sa kanya para umalis na lang siya bigla.  Tapos ikaw, ganyan ka na naman," ang lungkot - lungkot ng boses ni daddy.

Para naman akong nakunsensiya sa sinabi niya.

"I just want to be happy dad kaya ako lumalabas kasama ang mga friends ko," sabi ko sa kanya.  Gusto kong idugtong na gusto kong makalimutan si Alex kaya ako laging lumalabas.  Gusto ko siyang mawala sa isip ko kahit sandaling oras para hindi ako nasasaktan.

Naramdaman kong hinawakan ni dad ang kamay ko.

"Yzzie, you can tell me if you have some problems.  How can you be the new chairman of my company if you are like that?"

Gulat akong napatingin kay dad.  Ako?  Gagawin niyang chairman sa kumpanya niya?  Kahit nga expenses dito sa bahay hindi niya ipinagkakatiwala sa akin tapos buong kumpanya pa ang ipapahawak niya?

"Dad?" Taka ko.

Napahinga ng malalim si daddy.

"Maybe its about time you learn what is really for you," sabi niya.

Destined to be together (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon