12 • Unplanned • 12

21K 542 22
                                    

----------"The pain you feel today is the strength you feel tomorrow.  For every challenge encountered there is opportunity for growth." - Unknown

Yzzie's POV

Isang linggo ko ding hindi nakikita sa restaurant si Alex, ah. Nasaan kaya ang impaktong iyon? Lagi lang si Anton ang nakabantay sa amin. Naalala ko na naman 'nung nagpunta siya last week dito sa bahay. Nakakainis talaga! Bakit ba kasi siya nanggugulat? Nabasa tuloy ang cellphone ko. Hindi ko na tuloy magamit. Napilitan tuloy akong bumili ng mumurahing cellphone.

Day off ko na naman at ayoko ng maglaba. Nagkasugat – sugat lang ang kamay ko 'nung sinubukan kong maglaba last week. Kaya kahapon, idinirecho ko sa laundromat ang mga maduduming damit ko tapos ngayon ko kinuha. Kaya ko ng gawin ang pagtitiklop ng damit.

Napatingin ako sa pinto ng marinig kong bumukas iyon. Nakita ko si Josie na dahan – dahang pumasok. Tumingin ako sa relo. Alas –tres pa lang. Bakit nandito na siya agad? Hindi ba siya pumasok?

"Hindi ka ba pumasok? Bakit ang aga mong nandito?" tanong ko sa kanya habang nagtitiklop ako ng damit.

Umiling lang siya at naupo sa kama niya tapos ay tuluyang nahiga patalikod sa akin. Strange. Josie is not her usual self. Napaka – jolly nito. Laging may jokes, laging maraming kuwento. But this time, ang tahimik lang niya. May problema kaya?

I heard her soft sobs. She is crying. Parang pinipilit lang niyang huwag kong marinig iyon.

"Josie, hey. Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Itinigil ko ang pagtitiklop ko ng damit at nilapitan ko siya.

Hindi siya sumasagot. Lumakas lang ang iyak niya.

"Tell me what happened? Pinagalitan ka ba sa resto kaya ka umuwi ng maaga? Saka iiyak ka ba ng walang dahilan?" I know that Josie has a problem and I want to help her. During my stay here with her, I felt I found a new sister in her. Sa kanya ko lang naramdaman na parang nagkaroon ako ng totoong kaibigan na nagmamalasakit talaga. Napakabait niya.

Humarap siya sa akin at kita kong namumugto na ang mata niya.

"Ipangako mo na wala kang pagsasabihan na iba," tapos ay napaiyak na naman siya.

Nagtaas ako ng kamay. "Promise. It's between you and me."

Pinahid niya ang mga luha at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Buntis ako." tapos ay bigla siyang napahagulgol ng malakas.

Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Buntis si Josie? Wala namang boyfriend 'to. Saka wala sa itsura niya ang gagawa ng ganoong bagay.

"What?! Sigurado ka? Who's the father?" Talagang gulat na – gulat ako. Alam kong wala siyang boyfriend kaya talagang imposible ang sinasabi niya.

Umiling – iling lang siya.

"Josie, tell me. Who is the father? Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa iyo," nakakaramdam ako ng galit. Talagang galit ako sa mga lalaking magaling lang gumawa ng bata pero hindi marunong panindigan ang ginagawa.

Hindi sumagot si Josie. Umiyak lang siya ng umiyak.

"Damn it, Josie! Tell me who is the father! Paano kita matutulungan?" naubos na ang pasensiya ko.

Parang naawa naman ako sa kanya ang tumingin siya sa akin na punong – puno ng luha ang mata. Sinigawan ko pa siya ang laki na nga problema niya.

"Si Sir A – "

"Oh my god! Si Alex? Si Alex ang nakabuntis sa iyo? Ang gagong iyon! Akala mo kung sino matino, demonyo din pala. Akala mo kung sinong perpekto! Isusumbong ko siya kay Daddy. Bakit ka pumayag? Demonyo ang lalaking iyon," mabilis kong putol sa sinasabi niya.

Nakita kong parang naguluhan si Josie sa sinabi ko. "Hindi si Sir Alex," sabi niya.

"Ah," parang napahiya naman ako. Masyado lang akong exaggerated. "Eh kasi sabi mo si Sir A -," saglit akong napahinto ng maisip ko kung sino ang Sir na sinasabi ni Josie. "Si Anton? Si Anton ang nakabuntis sa iyo?"

Tumango lang siya at yumuko.

"Oh god!" natapik ko pa ang noo ko at parang nanghihinang napaupo sa kama ko. "Pati ba naman ikaw? Ikaw nga ang paulit – ulit na nagsasabi sa akin na iwasan ko ang lalaking iyon. Tapos –" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi nakita kong parang hirap na hirap na ang kalooban ni Josie dahil sa nangyayari sa kanya.

"Mahal ko kasi, eh. Saka pinangakuan niya ako ng kasal. Pero ngayon, itinatanggi niyang siya ang tatay ng baby ko. Maniwala ka Ysobel, si Sir Anton lang ang unang lalaki sa buhay ko," at napaiyak na naman siya.

Fucking asshole. Alam na alam ko talaga ang karakas ng Anton na iyon. Magaling lang mambabae pero kapag nakadisgrasya na, mang – iiwan na sa ere.

"Alam na ba ito ni Alex?" hindi ko na mapigil ang nag – uumalsang galit sa dibdib ko. Hindi ko akalain na pati si Josie ay mahuhulog sa patibong ng Anton na iyon.

"Please Ysobel, huwag mong sasabihin kay Sir Alex ang tungkol dito. Magagalit sa akin si Sir Anton. Pareho kaming mawawalan ng trabaho. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko," sabi niya sa akin.

"And how can you work if months will pass by na lumalaki ang tiyan mo? That damn monster should rot into hell!" galit na galit na sabi ko at lumabas ako ng bahay. Kailangan kong makausap ang Alex na 'to. Dapat alam niya ang kagaguhan na ginagawa ng tao niya.

Pinara ko ang unang taksi na dumaan sa harap ng tinutuluyan ko. Wala akong pakielam kahit na pambahay na short – shorts at white fitted shirt lang ang suot ko. I still look decent. Bahala na ang mga lalaking tambay dito na maglaway sa akin.

Sumilip ako sa labas ng taxi ng huminto ito sa tapat ng mansion namin. More than a month na rin pala akong hindi nakakapunta dito. Alam kong nandito lang sa bahay ang Alex na 'to dahil wala siya sa opisina ng tumawag ako, wala din siya sa restaurant. Dito lang naman nagbababad ang gagong iyon. Napairap ako. Feeling niya kanya na ang bahay na 'to.

Bumaba ako sa taxi at nakita kong nagulat pa ang guard na naroon ng makita ako.

"Open the gate. Papasok ako," utos ko sa kanya.

Pero parang alanganin siya na gawin ang inuutos ko.

"Hindi ako uuwi dito. Kailangan ko lang kausapin ang ampon ng daddy ko. Open the god damn gate o gusto mo ipatanggal kita sa trabaho mo," banta ko sa guard.

Hindi na siya nagsalita at binuksan na lang ang gate. Tuloy – tuloy akong pumasok sa loob at nakita kong nagulat ang mga maids ng makita akong dumating.

"Where the hell is Alex?" mataray na tanong ko sa kanila. Nakatayo lang sila doon at parang mga natatakot na nakatingin sa akin.

Walang maglakas loob na sumagot.

"Where the hell is Alex? Mga pipi ba kayo?!" huwag na nilang dagdagan ang init ng ulo ko.

"E - eh ma'am Yzzie nasa kuwarto po niya pero –"

Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod na sinasabi ng maid namin. Kahit tinatawag nila ako at hinahabol ako ay hindi ko sila inintindi.  Dire – diretso akong umakyat sa taas at tinungo ang kuwarto ni Alex. Hindi na ako kumatok at tuloy – tuloy akong pumasok kaya hindi ko alam kung sino ang nagulat. Ako ba o Alex na nakahiga sa kama at may babaeng nakaupo sa ibabaw niya. I am not stupid para hindi ko maintindihan ang ginagawa nila. They are both naked on the bed!

"Oh my god!" iyon na lang ang nasabi ko at patakbo akong lumabas sa kuwarto niya. Malakas kong ibinalibag ang pinto noon.

Pakiramdam ko ay nanlalaki ang ulo ko sa nakita ko. Alex is having sex with a woman! In my dad's house! Who the hell he thinks he is? Siya na kung umasta ay sobrang linis pero may baho rin palang itinatago.

Gustong – gusto kong sumigaw habang patakbo akong bumababa sa hagdan. I want that image to get off my head. Shit! Alex naked and having sex.

Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi ng mga maids namin.

--------------------------->>>>>>>>>>>>>>

---- Pasensiya na sa matagal na update dito.  Inuuna ko muna kasing tapusin 'yung story ni Vlad para mas matutukan ko ito ng bongga.  Pero hindi ko naman matitiis na hindi mag - UD dito.  Enjoy na lang kahit maikli :)

Destined to be together (COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें