pero kusang gumalaw ang mga mata ko at dumiretso sa letter 'A' nito na logo.

'A is for Alpha. Ang mga direct descendants of the Olympians or major gods.'

Alpha?

"Miss?! Hindi ka ba tatawid diyan? Tagal naman!" isang babae mula sa likod ko ang nainip kaya't bahagya niya akong binangga at nilagpasan ako.

'Excuse me miss? Kasali ka ba sa linya?'

'You have been here for a whole goddamn eternity! What do you think?!'

Napakurap-kurap ako.

Imbes na tumawid, umikot ako at bumalik sa daan. Hindi ko na talaga alam kung anong meron. Parang... may mali.

Eto na talaga.

Final choice. Uuwi ako. Whole day akong a-absent ngayon dahil masama pa yung pakiramdam ko.

Isang bata ang nakita kong may dalang tatlong balloons na Powerpuff Girls.

'And we are... the Powerpuff Girls!'

Ganito na ba katindi yung kalagayan ko? Para akong nakadrugs. Nagha-hallucinate na ako ng kung anu-ano.

Nagulat ako nang biglang tumahol yung aso na nakatali sa puno na dinaanan ko.

'Once I press a button, wolves will start appearing and they will attack you immediately.'

'But I'm only giving you one wolf at a time.. considering that you're still... weak.'

'You are to use your weapon only to kill. Use your abilities to control their movements.'

Napailing ako.

Wala na talaga Abby. Malubha na yang karamdaman mo.

Nang makarating na ako, dumiretso kaagad ako sa kwarto at doon bumagsak sa higaan. Ang dami kong naririnig na mga boses ngayon.

'Cesia.'

'Cesia?'

'Cesia!'

Napaupo ako. Paulit-ulit nilang sinasabi ang salitang yan. Pangalan ba yan? Kasi kanina pa ako naguguluhan dito.

Anong wolves? PPG? Weapon? Bracele-

Napatingin ako sa kamay ko at nakita ang suot kong bracelet na gawa ata sa totoong ginto. May swan na nakasideview sa gitna at kulay pink ang mata nito.

Teka...

Hindi ko natatandaan kung kailan ko nakuha to.. at kung sino ang nagbigay nito sa'kin.

Nagulat rin ako nang makita ang isang simbolo na nakaimprint sa isa ko pang kamay. Kumikinang pa nga ito dahil ginto ata yung ink.

Bakit di ko maalala kung sa'n ko nakuha ang mga 'to?

Hindi rin naman ako mahilig sa mga tattoo!

Binaba ko ang aking mga kamay nang biglang pumasok si auntie na may dalang tubig at gamot. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Lumapit siya sa'kin at umupo sa higaan.

"Abby.. okay ka lang ba talaga?" hinimas-himas niya ang buhok ko.

Hindi ko na naman alam kung bakit bigla akong napaluha nang maramdaman ang kamay niya. Pakiramdam ko matagal ko nang pinangarap na mahawakan ulit siya.

Na makita siyang nag-aalala sa'kin kasi..

kasi...

Matagal na siyang wala.

Ibang tao ang kausap ko ngayon.

"Auntie." tinignan ko siya na luhaan ang mga mata. "Dapat..."

'Wala na yung auntie ko...'

"Dapat matagal ka ng patay."

Pagkatapos kong sabihin yon, tila huminto ang daloy ng oras. Tumigil na rin ang mga boses na naririnig ko.

Matagal siyang nakasagot. Nginitian niya lang ako at dahan-dahang nagbago ang kanyang anyo.

Mayamaya, napakabilis na tumakbo ang dibdib ko nang makita ang pamilyar niyang hitsura. Halos mawalan na nga ako ng hininga nang marinig ang boses niya na alam kong narinig ko na rin dati.

'I am listening'

'Keep calm sweetheart. The voices in your heads are just... just creatures who want to scare you.. Don't believe anything they say.'

'You must not tell anyone about this.. for I am one of them'

"You have found me... Cesia."

'Cesia. When she grows up, I want her to be called Cesia... it means heavenly.'

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now