The Alpha Way nga naman.

Naalala ko tuloy yung nangyari bago naganap ang unang digmaan sa Academy.. hindi ko alam kung ilang buwan na ang lumipas pero natandaan ko kung gaano ko sila hinangaan sa mga panahong yon.

Hmm...

"Pero kailan naman natin kakailanganin to?" nagtaka ulit ko.

Kasi sabi niya.. kakailanganin namin to. At ngayong inilabas na nga niya ang vial.. para sa'n naman?

"Drink it."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Ano? Ito? Iinumin ko? Baliw na ba siya? Eh sa pagkakaalam ko tubig ito mula sa mga ilog ng Underworld!

Inabot ko sa kanya yung vial pero hindi niya ito tinanggap.

"Trev. Bumalik na tayo..." hindi na ako komportable dito.

Gusto ko nang umuwi...

Hinahanap na kami ng iba...

"Cesia.." naramdaman ko ang palad niya sa aking pisngi. "Can you trust me again?"

"Trev." lumayo ako sa kanya. "A-anong pinagsasabi mo? Hindi ko iinumin to."

Napakaraming tanong ang lumabas sa isipan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko siya kayang iwan dito. Lalo na't hindi ko alam kung ano yung nangyayari sa kanya.

Kinuha niya ang vial mula sa aking kamay.

Sa laking gulat ko, ininom niya ito dahilan na matampal ko ang vial mula sa pagkakahawak niya.

Tinignan niya lang ako.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin kaya't napahakbang ako paatras.

"T-trev.." kanina ko pa binabanggit ang pangalan niya pero hindi pa rin siya humihinto.

Kinakabahan na ako...

Nanlaki ang aking mga mata nang hatakin niya ako papalapit sa kanya. Nagpupumiglas ako mula sa kanya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin.

"Trev.. p-please-" Saka ko naramdaman ang kanyang labi na dumampi sa labi ko.

Napasinghap ako.

Gamit ang isa pa niyang kamay, dahan-dahan niyang binuksan ang aking bibig at naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa aking lalamunan na kusa kong nilunok.

Marahas ko siyang tinulak.

Hindi ako makahinga habang nakatayo sa harap niya.

Ewan ko kung anong nangyayari sa'kin.

"T-trev.." tinignan ko siya. "A-anong ginawa mo.."

Bakas sa kanyang mukha ang lungkot. Hindi ko siya naiintindihan.

Tila nawawala na ako sa sarili ko.

"Trev!" halos mangiyak-ngiyak na ako sa kinatatayuan ko. "Anong ginawa mo sa'kin?!"

Napaatras ako.

Hindi ako makatayo ng maayos. Nahihilo na ako. Unti-unti nang nandidilim ang pananaw ko...

Shoot.

"T-trev.." humagulgol ako ng iyak. "Sagutin mo'ko..."

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

Parang ang kalma niya lang habang tinitignan ako na nagkakaganito.

Ba't nga ba ganito... ba't ganito ang naabutan ko..

"Find Mnemosyne." tinulak niya ako ng mahina.

"Find her so you can go home... Cesia."

Huli kong narinig ang boses niya bago bumigat ng tuluyan ang mga mata ko at naramdaman ang aking sarili na nahuhulog.

Segundo... minuto.. oras... wala akong kamuang-muang kung saan ako babagsak.

Hindi ko rin alam kung bakit...

bakit ako nahuhulog.

Pagkatapos...

'I'm very sorry Ms. Young but you are being expelled from the Academy...'

'Po?!?! Pa'no po yun?'

'Aside from having 58 consecutive lates, We have also noticed your constant sluggishness especially during class, and we can't tolerate that..'

'I-I apologize Sir, pero eto lang po ang school na maaafford namin ng tita ko at di ko po kayang ma expell. Please do give me a chance... promise. I won't be late or tardy anymore.. just please... I need to graduate para makaahon po kami at magkatrabaho ako. Please nama-'

'We're so sorry. Here's the letter. Give it to your aunt. We can't do anything for this case so just pick up that letter and...

Go home'

Go home...

Go home... Cesia.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now