CHAPTER 47

5.2K 128 34
                                    

Maui's POV

Walang umiimik at walang gustong magsalita sa aming dalawa ni Ryner habang nasa byahe. Ano nga naman ba ang pag-uusapan namin diba?

Inihinto niya lang ang kotse nang nasa harap na kami ng gate namin. Nanatili pa rin kami sa loob ng kotse niya dahil hanggang ngayon ay malakas pa rin ang buhos ng ulan.

Bubuksan ko na sana ang pinto upang makalabas ako subalit kumakatok naman ang mumunting konsensya sa pandinig ko.

Wala ka man lang bang balak tulungan siya? Nilalamig na yung tao. Anang konsensya ko.

Geez! Ano ba 'to? Alam ko yun! Alam kong nilalamig na siya. Argh! Lihim akong napatingin sa gawi niya. I saw him trembling and he was fighting the cold. Argh.

"Ah, Ryner pasok m-muna tayo sa loob." Hindi ko na narinig ang pagtutol niya dahil sa talagang nilalamig na siya. Magkasabay kaming lumabas ng kotse niya at tumakbo sa bahay.

I knocked the door twice and it was my Mom who opened the door. Her eyes were in shock and meanwhile, naningkit ang kanyang mga mata nang dumapo ang tingin niya kay Ryner. Sa huli ay pinapasok niya pa rin kami dahil siguro sa nakita niyang nanginginig na kami sa lamig.

"Pasok, pasok." Agad kaming inalalayan ni Mama. "Manang Lety, dalawa nga pong towel!" Saad nito kay Manang Lety. Maya-maya lang din ay dumating na ito bitbit ang dalawang tuwalya.

"Ano ba namang mga bata kayo!" Ani Manang Lety.

"Naabutan po kasi kami ng ulan." Ang tanging naisagot ko. Matapos kong punasan ang katawan ko'y nagpaalam ako sa kanila. Tumungo ako sa kwarto at mabilis na nagshower. Lumabas din ako agad pagkatapos kong magbihis.

Malapit na ako sa may pinakahuling palapag ng hagdan nang marinig kong kinakausap nila Mama si Ryner.

"Pasensya ka na hijo, yan lang kasi ang pinakamaliit na damit ng Tito mo." Saad ni Mama.

"Okay lang po Tita." Sagot nito pagkatapos ay ngumiti. Dumating din si Manang Lety bitbit ang isang tray.

"Heto anak, kainin mo muna 'to at ng malamigan ang sikmura mo." Iniabot sa kanya ni Manang Lety ang isang bowl.

"Salamat po." Sagot niyang muli. Bumuntong-hininga muna ako bago ako bumaba at tumungo sa direksyon nila.

"Oh 'nak. Halika na't sabayan mo si Ryner dito." Kahit naiilang man ay tumabi pa rin ako kay Ryner. Tahimik lang akong kumakain ng sopas sa kinapupwestuhan ko.

"Anak, pagkatapos mo r'yan ay ayusin mo ang guest room para—"

"Tita, uuwi nalang po ako mamaya." Pagpuputol nito sa sasabihin ni Mama.

"Dumito ka na muna hijo. Masyadong malakas ang ulan." Dahilan ni Mama at hindi na siya muling nagsalita pa.

I'm Stuck With an ArrogantDove le storie prendono vita. Scoprilo ora