CHAPTER 14

7.5K 182 48
                                    

Maui's POV

Dalawang araw.

Dalawang araw na ang lumipas simula nung magkasakit ako. Simula rin nung araw na 'yon, medyo nag-iba ang trato sa akin ni Ryner. Paanong nag-iba? Lagi na kasi siyang nasa tabi ko. Tapos ano pa, lagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako. I mean... Ah, basta!

Ewan ko ba! O assuming lang talaga ako? Nakakapanibago lang kasi.

Kapag uwian, lagi na rin niya akong sinasabay sa kotse niya. It's just that, argh! Fine! Hindi ako sanay! Diba dapat matuwa ako kasi nagiging mabait na siya sa akin? E bakit ba ako nag-iinarte ngayon? Amp naman kasi! Alam mo yun? Nakakailang.

Tapos kapag kinakausap pa ako, yung diretso talaga yung tingin niya sa mata ko. Ni hindi ko nga magawang makipagtitigan sa kanya lately e. Peste ka talagang alien kang Ryner ka!

Mas gusto ko pa yung lagi kaming nagbabangayan. Alam mo 'yun? Yung dating gawi. Hindi yung gaya ngayon, naiilang ako sa mga kinikilos niya.

"Come with me later." Bulong ni Ryner kaya agad akong napalingon sa kanya.

Huh? Bakit naman kaya? Gusto ko sanang magtanong kung bakit kaso dumating na yung teacher namin.

"Woi, okay ka lang? Tulaley ikaw." Puna sa akin ni Maxi.

"Oo, okay lang ako." Sagot ko kahit kabaligtaran noon ang totoong nararamdaman ko.

Kainis kasi. Parang sirang plaka iyong sinabi ni Ryner sa akin! O 'di kaya, pagtitripan niya na naman ulit ako? Aish!

Matapos nga ng klase namin, hindi ko alam kung bakit sumusunod ako kay Ryner ngayon. Ang ewan ko rin naman kasi e! Iyong feeling na naiilang ako pero heto ako't sige pa rin!

Teka nga! Bakit ba kasi ako naiilang?

Si Ryner lang yan Maui! Sus! He's no big deal!

Habang naglalakad kami, bigla siyang huminto kaya nabundol ako sa likod niya. Eng-eng ko kasi. Nakayuko ba namang maglakad. Dahil nga nasa likod niya lang ako, nilingon niya ako.

"You walk first." Utos niya dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya.

"No, you go first. I'll just follow you." Pagtatanggi ko.

"You walk first." Pilit niya. Ang kulit ng lahi mo tsong!

"Mauna ka na nga kas—"

"You're not my bodyguard." Putol niya tapos hinila niya ako sa kamay at pinapwesto sa harapan niya. Bali siya yung nasa likod ko ngayon, nagkapalit na kami ng pwesto.

"You're not my bodyguard either. Mauna ka na nga sabi e." Pagpipilit ko rin habang hinihila siya papunta sa harap ko. Siya nga itong nagtawag sa akin e. Malay ko ba kung saan kami pupunta. Tinotopak na naman kasi. Kanina pa kaming nakalabas sa room tapos ngayon pa mag-iinarte.

Tinignan ko siya at tinaasan ko siya ng kilay dahil ang sama ng tingin sa akin. Tapos bigla-bigla siyang ngumisi.

"If that's the case, well then, it would be better if..." Bigla niya akong hinila sa tabi niya at hinawakan ako sa kamay. "We'll walk together." Ano raaaaw?

I'm Stuck With an ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon