CHAPTER 5

8.5K 213 60
                                    

Maui's POV

Bahagya akong naalimpungatan sa mahimbing kong tulog nang marinig ko si Mama na may kausap.

"Isn't it too much? Nakakahiya naman." Sabi ni Mama.

"Don't be. Mas better pa nga yun. She's be safer there than staying alone in your house." Someone answered. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Mama sa gilid ng kamang hinihigaan ko, kausap yung mama ni Ryner. Dahil siguro sa paggalaw ko ay napatingin silang dalawa sa akin.

"Did we wake you up Mauricy?" Tanong nito sa akin nang mapansin ako.

"Ah, hindi naman po." Nahihiya kong sagot. Nginitian lang ako nito. Mayamaya'y tumayo na rin siya.

"I'll get going now. I'll be back after lunch. Maureen, pakitignan muna si Ry ha? Greg is on his way now." Baling nito kay Mama.

"Sure. Don't worry, I'll take care of him too." Tugon din naman ni Mama.

Noong makaalis iyong Mom ni Ryner ay tsaka naman ako nilingon ni Mama. Hinawakan pa ako nito sa kamay.

"Are you hungry anak?" Tanong nito sa'kin. Umiling lang ako bilang sagot.

"Ma, ano po yung pinag-uusapan niyo nung Mommy ni Ryner kanina?" Curious kong tanong. Things I learned yesterday were hard to sink in on my mind. Sadyang nabigla lang ako sa mga nalaman ko.

"Call her Tita Grecie okay? Well, since sa Thursday na yung alis namin, Grecie offered na roon ka na lang sa condo nila. Mas mapapanatag din ang loob ko kapag doon ka magstay kaysa ang mag-isa mo sa bahay." She answered and smile a bit.

"Mama, tutuloy po ba talaga kayo?" Tanong ko, umaasa akong kahit papaano ay hindi.

"We have to, anak. Nalipat kasi sa ibang area yung kasama ng Papa mo sa London. Nakiusap naman yung head nila na kung pwede'y bumalik ulit ang Papa mo dahil kailangan nila siya roon."

"Ma, sama niyo na lang ako." Pagpipilit ko.

"You better stay here Mauricy. Last year mo na 'to sa high school. Magugulo ang mga school papers mo kapag nagtransfer ka ulit." Hinaplos nito ang buhok ko. Napanguso naman ako.

"Si Maurizelle po sasama?"

"Yes. Remember yung scholarship na in-apply-an niya nung nasa London pa tayo? She passed it. Sayang naman kung hindi niya kukunin." Mas lalo lang akong nalungkot. Tutuloy nga talaga sila.

I'm Stuck With an ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon