CHAPTER 33

4.6K 142 46
                                    

Maui's POV

Hindi ko alam kung may nagbago ba, o ako lang 'tong nagbago, o 'di kaya'y naninibago lang ako. I don't know but I feel like everything around me has changed.

Ilang araw na rin ang lumipas noong araw na 'yon. Emergency? Geez! I laughed bitterly. Masakit sa akin, oo. Pero ano pa bang magagawa ko? Nangyari na.

I don't even know what's the truth, if Ryner really lied to me or nagkataon lang talaga yung araw na magkasama silang dalawa ni Jecca noon.

I don't want to conclude. I don't want jumping into conclusions too but I really can't help it. Ayoko naman siyang i-confront.

Ilang araw na rin ba yung napapansin kong lagi silang magkasama ni Jecca? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Hindi ko na rin alam.

Okay lang naman sa'kin. Magkakilala sila. Mas nauna pa niyang nakilala si Jecca kaysa sa'kin. Baka nga mas marami pa silang pinagsamahan, e. Pero wala. Hindi ko talaga maiwasang hindi magselos.

"Uh, excuse me? Pwede pa-share ng table?" Napatingin na lang ako sa nagsalita.

Oh, small world. Is fate playing with me? Or it's just a coincidence?

"Wait. You're ah, Marcy? Mercy? Mandy? Mar—"

"Maui." I cut her.

"Oo pala." She smiled at me. "Can I sit here? Wala na kasing vacant na table." Her voice was soft.

"Yeah, sure." Nginitian niya ako so I did the same thing.

"You want?" Pag-ooffer niya sa snacks niya.

"Sige lang. Tapos na ako kanina pa pero salamat." Sagot ko. Nagpaiwan kasi ako rito sa cafeteria and I am just using my time on reading my favorite novels which is my pastime.

"Madalas kang ikwento sa akin ni Ryner. I wonder, ang close niyo siguro 'no? Minsan pa para siyang ewan habang kinukwento ka niya. Ngingiti siya bigla o 'di kaya'y tatawa. Ramdam na ramdam kong importante ka talaga sa kanya." Hindi ko alam pero kusa na lang akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman. Sakto lang." Sagot ko at hindi ko talaga maiwasang h'wag ngumiti ng matamis.

"How I wish magkaroon din ako ng kaibigan katulad mo. Ryner must be very lucky to have you as a friend." May kung anong gumuhit sa dibdib ko. Kusa ring napalis at napalitan ng peke ang kanina'y mga ngiting nakapaskil sa labi ko.

I'm Stuck With an ArrogantWhere stories live. Discover now