CHAPTER 29

5.6K 143 37
                                    

Maui's POV

"Dito ka muna Ry. May kukunin lang ako." Saad ko kay Ryner. Nandito kasi kami ngayon sa Save More. Kailangan na rin naming bumili ng personal hygiene since papaubos na yung nasa CR. Naubusan na kasi kami ng stock sa condo e. We need to buy some groceries na rin.

"Alright. I'll just go in the vegetables area." Sabi niya rin sa akin bago kami nagkahiwalay.

Pumunta muna ako sa may soap area. Kumuha ako ng mga sabon. Kumuha na rin ako ng shampoo, mga conditioner at lotion dahil magkakatabi-tabi lang naman yun.

Lumipat naman ako sa may beverage area. Basta, kung anu-ano na lang ang dinadampot ko tapos dinidiretso ko na sa cart. Nadaanan ko rin yung mga junk foods. Kumuha ako ng nova, piatos, cracklings pati tempura. Hinahanap ko nga yung junk foods na piniprito kaso wala. Mas gusto ko kasi yun e. Pagtingala ko sa taas, doon siya nakapwesto. Tumingkayad ako para sana maabot ko kaso wala e. Hindi naman kasi ako ganun katangkad para maabot yun.

Kulang na lang na magtatalon ako para makuha yun. Bakit naman kasi roon sa taas inilagay. Tumalon ako ng konti upang abutin yun nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko, do'n mismo sa chichiryang pilit kong inaabot.

"Miss, need help?" Anang isang lalaki at kinuha na yung chichirya. Kumuha siya ng limang piraso at nilagay sa cart ko.

"Salamat Kuya." Nahihiya kong saad.

"Huwag mo na akong tawaging Kuya. We're at the same age I guess." Nginitian ko na lang siya. Sa hitsura niya pa lang kasi, mukhang magka-edad nga kami or siguro mas ahead lang ng ilang taon sa akin.

Habang naghahanap ako ng ibang makakain, hindi ko alam kung bakit nakasunod pa rin siya sa akin. Sa tuwing lilingunin ko nga siya e pilit ko na lang siyang nginingitian. Ang awkward naman kasi, idagdag mo pang hindi ko siya kilala.

"Anyway, are you alone? Gusto mong samahan muna kita?" Nakangiti niyang tanong. Sa hitsura niya pa lang, masasabi ko namang mabait siya pero naiilang pa rin ako. Marami rin kasi sa mga taong mabait kung tignan pero may binabalak pa lang masama. Hindi ko naman pwedeng sabihing masama siya pero iba kasi ang tumatakbo sa isip ko lalo pa't ngayon ko lang siya nakita. Ni hindi ko nga siya kilala e.

Bigla niyang kinuha ang cart ko at siya ang nagtulak no'n.

"Ah, ano, may kasama ako kaso nando'n siya sa may vegetables area." Naiilang kong sagot.

"I see. Then I guess, sasamahan muna kita." Nagitla ako nang bigla niya akong hawakan sa braso ko tapos yung isa niyang kamay ang nagtutulak sa cart.

"Ano, okay lang naman ako. Pupuntahan ko na rin naman siya."

"I insist, okay? Samahan na muna kita." Pagpipilit niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil siguro sa takot at kaba nang haplusin niya ako sa may braso ko. Maging ang mga malalamlam niyang tingin kanina ay biglang nag-iba.

I'm Stuck With an ArrogantWhere stories live. Discover now