CHAPTER 43

5K 127 56
                                    

two years after...

"Maurizelle, bumalik ka nga rito." Tawag ko sa kapatid ko habang hinahabol ko siya.

"Do'n ka nga Ate Mauricy! Ang tanda-tanda mo na, nakikipaglaro ka pa sa akin. Hahahaha." Natatawa niyang sambit habang pinagbabato ako ng unan.

"Ah gano'n? Kapag nahuli kita, itatapon kita sa balcony." Natatawa na rin ako habang binabato ko pabalik sa kanya yung mga unan na ipinagbabato sa akin ni Maurizelle kanina.

We're here inside our room. Magkasama kasi kami ni Maurizelle sa iisang kwarto. Ayaw niyang magsarili. Mas gusto niya raw na kasama ako and yeah, right now we're having a pillow fight.

Niyakap ko nang mahigpit si Maurizelle nang mahuli ko siya.

"Ate naman e. Ginagawa mo naman akong baby." Piningot ko ang ilong niya.

"Arte arte! Porket Grade 9 ka na e." Saad ko sa kanya. Pinaulanan ko siya ng halik sa kanyang pisngi na mas lalong ikinainis niya.

Arte arte niya kasi. Ayaw ng magpalambing porket dalaga na. Samantalang noon, halos ayaw humiwalay sa akin.

"Kumusta naman yung studies mo Mauricy?" Tanong ni Mama sa akin. Nasa hapag-kainan kami. We're eating together while having some conversation.

"Okay naman Ma." I simply answered.

"Mama, si ate mayroong 'di sinasabi sa inyo." Biglang singit ni Maurizelle sa usapan namin ni Mama. Nangunot ang noo kong tinignan siya.

"Ano yun Zelle? May kalokohan bang ginagawa ang ate mo sa school?" Mom asked. Maurizelle smirked at me before turning her gaze to them.

"Nope. May nanliligaw po kay ate."

My eyes widened. "What?"

"Talaga? Sino?" Natutuwang sambit ni Mama. Geez!

"Si Kuya Kiel po!" Mas lalong nanlaki ang dalawa kong mata. What the?!

"And who's this Kiel?" Tanong ni Papa sa akin.

"Kiel Remington, Pa. Yung anak nung katrabaho mo sa malaking hotel na ginawa niyo noon." Sagot ni Maurizelle kahit hindi naman siya ang tinatanong. Tss.

I'm Stuck With an ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon