CHAPTER 48

9.3K 400 217
                                    

"Ito madali lang ito," sabi ko.

Nagpatuloy ako sa pagturo kay Luhan sa na-miss niyang lesson sa Math. I was writing the solution of the problem that we are solving nang mapansin kong hindi sa papel nakatingin si Luhan kundi sa akin.

Natigil tuloy ako sa pagsusulat at napalingon sa kanya. We were both surprised dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ilang sentimentro na lang ang pumapagitan sa amin. I can even feel his warm, minty breath touch my skin!

I panicked and blundered. Buti na lang at naging mabilis si Luhan sa paghapit sa beywang ko kaya hindi ako tuluyang nahulog sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa braso niya para suportahan ang sarili ko.

"One four three," bulong ni Luhan habang nakatitig sa mga mata ko.

I was frozen for a moment. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa muntikan ko ng pagkahulog o dahil sa paraan ng pagtitig at pagsalita ni Luhan.

One four three? Hindi ba't nangangahulugan din iyong I love you? That thought made my cheeks burn.

"One four three?" nagtagpo ang kilay kom

Namilog ang mga mata ni Luhan na para bang natauhan siya. Natataranta siyang bumitaw sa akin at agad na nag-iwas ng tingin. Ako naman ay umayos na ng upo.

"I-I mean one hundred forty-three," he stuttered, "One hundred forty-three is the final answer."

Tumaas ang kilay ko at napatingin ako sa papel na sinulatan ko. The writing is not done yet. Tinapos ko yung solution at laking gulat kong one hundred forty-three nga ang lumabas na final answer!

I looked at Luhan amusingly habang siya naman ay nakahinga ng maluwag at napasapo pa sa kanyang dibdib. Wow, how did he know the answer without writing the solution? Mukhang natututo na nga si Luhan. That's a good thing!

"Ang galing!" puri ko at napapalakpak ako sa tuwa, "Mukhang kayang-kaya mo na yung exam! Paano mo nalaman ang sagot?"

"Wild guess?" he sheepishly smiled.

"Sus, pa-humble ka pa. Hindi mo lang siguro sinasabi na magaling ka sa mental Math eh!"

Luhan just shrugged at sumubo ng panibagong lollipop.

"Hindi ah," he denied.

Tama nga si Ate Ashley, matatalino talaga ang boys. They all have potential to excel academically kaso nga lang they don't mind or care about it. That's why I'm here to push them sa kung ano ang mas kaya pa nilang gawin bukod sa pantritrip. I believe in them!

I turn the pages of the book para maghanap ulit nga panibagong sasagutan. Habang ginagawa ko iyon ay nakapangalumbabang nakatitig na naman sa akin si Luhan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Bakit?"

"Wala, I'm just curiously wondering."

"Tungkol saan?"

Natigil ulit ako sa ginagawa ko at binigay ko sa kanya ang atensyon ko.

"I'm just wondering kung paano mo nagustuhan si Ashton," he pouted, "Si bro ang pinakasuplado at pinaka-moody sa aming lima, I didn't expect that you would like him."

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Luhan. Akala ko naman tungkol sa pinag-aaralan namin ang itatanong niya. Sandali akong nag-isip ng isasagot ko. Paano ko nga ba nagustuhan si Abo?

I remember, Ashton was the least person that I like noong unang araw ko pa lang sa Section ANGAS. Why? Because he wasn't nice to me that time. He was even against na maging kaklase nila ako, at kung hindi niya nga ako noon papansin ay iirapan naman niya ako. All he showed me before was his cold poker face na para bang pinaparamdam niya sa akin noon na I was not welcome in their section.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon