CHAPTER 22

13.4K 485 106
                                    

"A-ako?" I stuttered, "I'll be your w-wife?"

Parang nag-mulfunction na ang mga sistema ko sa katawan. Ni hindi ko magawang makatingin ng diretso kay Aki dahil sa sinabi niya. Feeling ko sasabog na 'tong puso ko.

Noong mga bata pa kami, bahay-bahayan ang paborito naming laruin. Siya yung daddy at ako naman yung mommy. We're so innocent back then, walang malisya sa tuwing naglalaro kami ng bahay-bahayan, pero bakit ngayon ang awkward na? Kanina ko pa nararamdaman na parang may mga nagliliparan sa loob ng tiyan ko, nag-iinit din ang pisngi ko, parang abnormal pang kumakabog ang puso ko. Napaisip ako. OMG, hindi kaya kinikilig ako kay Aki?!

"Mixhee, ayos ka lang?" nagtagpo ang dalawang kilay ni Aki.

Inilebel niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Halos maduling ako nang lumapit ang mukha niya sakin para ako obserbahan. Pigil-hininga ako sa pag-invade ni Aki sa personal space ko, this is too close. Halos matunaw na ako dahil sa wirdong nararamdaman ko sa sitwasyong ito.

Naglakbay ang mga mata ko sa kabuoan ng mukha ni Aki.


Ang ganda ng mga mata niya . . .


Ang haba ng pilikmata niya . . .


Ang manly ng kilay niya . . .


Ang tangos ng ilong niya . . .


Hindi ko namamalayang masyado na pala akong namemesmerize kay Aki. Ilang taon ko na siyang nakakasama pero bakit ngayon ko lang nasisimulang i-appreciate ang bawat features ng kanyang mukha? Hindi ko napigilang mapatingin sa mapula niyang labi. Napalunok na lang ako nang matitigan ko iyon.



Ang kissable ng lips niya.



Napasinghap ako sa mga naiisip ko. Teka! Ano ba itong mga pumapasok sa utak ko?! Erase! Erase! Erase! I can't believe na may kalandian din palang nalalaman ang utak ko! Nahihibang na ba ako?!



Hoy, Mixhee! Baka nakakalimutan mong si Aki ang kaharap mo ngayon? Bestfriend mo yan! Hindi kayo talo! Maghunos-dili ka nga!




*pok*



"Aray!" napasapo ako sa noo ko nang pitikin iyon ni Aki. Doon lang ako natauhan mula sa kahibangan ko.

"May sakit ka ba Mixhee? Bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong ni Aki.

Hinawakan ni Aki ang nanlalamig kong kamay at nilagay iyon sa kanyang pisngi. Marahan niya pang pinisil ang palad ko nakapagpatindig ng balahibo ko. Tuluyan ng nagpanic ang kaloob-looban ko. Anak ng pusang gala! Ano 'tong nararamdam ko?!

"Ang lamig mo," aniya.

"W-wala 'to," sagot ko. Binawi ko agad ang kamay ko at umatras nang isang hakbang para naman magkaroon kami ng komportableng space sa isa't-isa.

"Namiss kong magbahay-bahayan," nguso niya, aba't nagpapacute pa! Hinawakan na naman niya ang kamay ko at hinila-hila iyon.

"O-oii, Aki!" bawi ko ulit sa kamay ko pero hinawakan niya lang ulit iyon, "H-hindi na tayo bata noh. Tyaka ang awkward kung mag-aasawa--- este magbabahay-bahayan pa rin tayo. Syempre dalaga na ako, binata ka na. Baka kung ano ang isipin ng makakakita sa atin. Ah, basta! Maglaro na lang tayo ng iba."

"Ha?" naguluhan si Aki sa mga sinabi ko dahil sa sobrang bilis kong magsalita.

"Ano kasi---

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon