CHAPTER 54

7.9K 297 84
                                    

A/N: Hello guys! First of all, I apologize for making you wait for so long. I've been through hard times lately, so I wasn't able to put myself in condition to write, plus the fact that writer's block hit me hard. Nonetheless, I'm already better now. Sa mga reader ko na nag-stay, thank you so much for the priceless support. You're amazing! To those who did not, still, thank you for reading my work.
I

really can't promise you a fast update because I have a tight schedule and I'm prioritizing my study, but I'll really do my best to continue this story and give you updates. I missed you guys! Keep supporting NISA. Happy new year!

PS. For a better reading experience, play the media that you will find below. Enjoy reading!


***

Naaksidente si Ashton



Ilang beses nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Clint. Hindi tuluyang nag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Kaya pala kanina pa hindi nag-memessage o tumatawag si Ashton sa akin kasi may nangyari na palang masama sa kanya. I felt my knees weakened. Nanginig ang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala.


We're supposed to see each other today. Mag-iisang linggo na kaming hindi nagkikita ni Ashton magmula noong pumunta siya sa America because of his family matters. Sa pagbalik niya, nakangiting Ashton ang gusto kong makita, hindi yung sugatan nang dahil sa aksidente.


"Mix! Huy!" hinawakan ni Clint ang magkabilang balikat ko dahilan upang makuha niya ulit ang buong atensyon ko. Hindi ko namalayang ang layo na pala ng tinakbo ng isip ko, "Tatayo ka na lang ba riyan? Puntahan na natin si Ashton sa ospital!"


Tuluyan na akong nataranta.


"T-tara!" I said when I was finally able to put myself together.


Clint grabbed my arm as we rushed towards the exit of the school. Akala ko sasakay kami ng taxi, but I was surprised to see a car in front of us. Binuksan ni Clint ang pinto at pinapasok niya ako sa passenger's seat. I was even more surprised when I saw Collosus in the driver's seat.


"Fasten your seatbelt, Mix," Collosus commanded, which I followed, "Ayan. Now we're good to go."


"Teka, sandali! Si Clint pa!" I stopped him.


"Wag mo na yun alalahanin susunod na lang yun."


"Are you sure?" kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa binatana at hinanap si Clint, pero hindi na siya nahagilap ng mga mata ko, "Saan na yun? Akala ko ba sasama si Clint? Siya pa nga yung nag-aya sa aking puntahan namin si Ashton sa ospital."


"He has more important things to do, Mix. Susunod na lang siya. Basta ngayon, kailangan na nating makaalis."


Hindi ko na pinigilan si Collosus at binuhay na niya ang makina ng kotse. Hindi ko na inisip si Clint. Mahirap namang hintayin pa namin siya dahil matatagalan kami. Mas importanteng mapuntahan namin ngayon si Ashton dahil kailangan niya kami.



Lord, sana nasa maayos na na kalagayan ngayon si Ashton. Please give him strength to recover.



Taimtim akong nanalangin  sa Panginoon. I can feel my heart pounding. Subalit habang nasa biyahe kami, napansin kong kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko, ganun naman kabagal ang ang takbo ng kotseng sinasakyan namin.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon