CHAPTER 19

13.5K 545 95
                                    

Mariin kong sinasamaan ng tingin ang dalawang lalakeng pinapagitnaan ako. Wala lang silang imik habang nakaupo. Ano ba ang pakay nila sa akin?

"Kuya, ibaba niyo na po ako! Kung iniisip niyo pong mayaman ako, pwes nagkakamali kayo. Mas mahal pa nga po ata itong limousine na 'to kesa sa bahay namin eh!" naiiyak ko ng sabi pero hindi lang nila ako pinansin. Parang wala lang silang narinig.

Para akong tangang walang kausap. Napipikon na ako. Wala sa sariling kwinelyuhan ko yung isang lalakeng nasa kanan ko na ikinagulat nilang dalawa.

"Kuya naman pansinin niyo ako!" inalog-alog ko si kuya, "Siguradong magpapalong quiz sa amin si Ms. Daragon bukas dahil sobrang tindi ng teacher na yun! Pababain niyo na po ako dahil madami pa ang irereview ko mamayang gabi!"

Halos magulantang sila sa inasal ko. Hindi inasahan ni kuya ang pagkwelyo ko sa kaniya.

"Wala po ba kayong mga puso? Maawa naman po kayo sa grades ko!"

Inalog-alog ko ulit siya. Iniisip na niya atang nahihibang na ako. Sinubukan akong hilain palayo ng isa pa niyang kasama pero hindi ako bumitaw. Sa sobrang gulo namin sa loob ay parang umaalog na rin ang limousine. Wala akong pake! Kapag ako ay mamatay at bumagsak ang grades ko kay Ms. Daragon, talagang mumultuhin ko ang dalawang ito!

"Miss calm yourself," sabi ng kwinekwelyuhan ko.

"Calm myself?! Ibaba niyo po muna ako, tyaka lang ako kakalma!"

"Miss, please! We will return you safely as soon as possible after the chairman meets you. We promise," aniya.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko na naman mula sa kanila ang 'chairman'. Medyo kumalma ako para isipin kung kilala ko ba ang taong kanina pa nila binabanggit. Sinong chairman? Hindi naman siya pamilyar sa akin.

"We are not kidnapping you. Our apologies for the misunderstanding, miss."

Pinaupo na ulit ako ng maayos ng kasama niya. Napabuntong-hininga ako at pinaningkitan ko sila ng mga mata.

Eh ano 'to? Borrowing? Hihiramin lang nila ako saglit? Ganun ba? Hinipan ko ang buhok kong humaharang sa mukha ko. Inayos ko ang upo ko at ang natabingi kong salamin. Kailangan kong mahimasmasan.

"Here are some refreshments and treats so we can make it up to you," sabi ng isa.

"We don't have bad intention to you, Miss Salvador. So please, don't worry," sabi ng kwinelyuhan ko kanina. Inayos niya ang kanyang suot.

Naglapag sila ng mga pagkain at inumin sa isang desk. Naagaw nun ang pansin ko at hindi ko maiwasang titigan iyon dahil nakakatakam ang itsura. Umalingawngaw sa buong limousine ang pagkulo ng tiyan ko, mukhang nagutom ako bigla.

"The chairman said that it's all for you. Eat anything you want," ngiti ng isa.

Medyo napawi na ang kaba ko sa sitwasyon. Sino ba kasi si chairman?

"May lason ba 'to o pampatulog?" tanong ko at umiling naman sila.

Mukhang nagsasabi naman sila ng totoo. Wala nga ata silang masamang intensyon sa akin. Duhh, nasa limousine ako, binigyan pa nila ako ng masasarap na pagkain, tapos itong dalawang kumuha pa sa akin ay nakasuit and tie pa, sosyalan at formal ang datingan kaya parang malabo namang kidnapping itong kinasangkutan ko.

"Salamat," sabi ko.

Sige, kakalma na ako pero hindi pa rin ako magpapakampante rito. Kailangan maging alerto pa rin ako.

Dahil sa gutom, abala ako sa pag-ubos ng mga pagkaing nasa harap ko.

"Here's for entertainment Miss Salvador," sabi ni kuya. May pinindot siyang button at lumabas ang isang malaking flat screen na TV. Inabutan niya ako ng sobrang kintab na remote na ni maliit na gasgas o alikabok ay wala kang makikita.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon