CHAPTER 37

11.8K 454 176
                                    

A/N:
Ito na talaga yun guys, swear hahaha 😂✌️. I love you all 😊😘💕.

***

Andito kami ngayon sa classroom. Kahapon pa ako pinipilit ng boys na maging muse ng basketball team nila at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinatantanan.

"Sige na Mixhee," pagpupumilit ni Luhan.

"Ayoko nga."

"Sige ka, hindi maglalaro ang team namin sa interschool kapag hindi ikaw ang muse namin," pananakot naman ni Aki.

Natigilan ako sa pagbabasa ng libro. Pinaningkitan ko sila ng mata.

"Okay lang kayo boys? Nag-eexpect ang lahat na school na naman natin ang magcha-champion sa basketball, tapos ngayon hindi kayo maglalaro sa interschool ng dahil lang sa ayokong magmuse?"

"Pumayag ka na kasi," they pouted.

Napakamot na ako sa ulo sa sobrang kulit ng limang ito.

"Ang daming magagandang babae dito sa campus. Kung gusto niyo, bibigyan ko pa kayo ng listahan," irap ko.

"Ayaw nga namin sa kanila," napapakamot na rin sa ulo na sabi ng boys.

"Eh bakit naman?"

"KASI NGA IKAW ANG GUSTO NAMIN!"

Nabigla ako sa sabay nilang pagsigaw. Napaawang ang bibig ko at binalot kami ng panandaliang katahimikan. Natigilan ang boys at nagkatinginan sila sa isa't-isa.

"Gusto niyo ako?" tumaas ang kilay ko.

Hindi mapakaling nag-iwas ng tingin sa akin si Aki, Ashton, Collosus, Luhan, at Clint. Hindi nila ako sinagot at kanya-kanya na lang silang kamot sa kanilang batok.

"G-gusto ka naming maging muse ng team namin," Luhan stuttered.

"O-oo," sang-ayon ni Aki.

Napabuntong-hininga ako. Napakakulit naman ng mga ito.

"Mixhee, pumayag ka na please."

"Ayoko ngang maging muse. Magwa-water girl na lang ako! Tyaka, ano ba ang alam ko sa pagiging muse? Mabuti sana kung ire-recite ko lang ang buong table of elements, himay na himay ko pa."

"Hahawak ka lang naman ng banner Mix eh tapos ngingiti, lalakad dito, lalakad doon."

"Parang magpapa-cute ka lang," sabi ni Clint, "Yun lang, basta kami na ang bahala sa'yo Mix."

Napangiwi ako sa sinabi ni Clint. Err? Iniisip ko pa lang na magpapa-cute ako sa harap ng madaming tao ay parang nasusuka na ako.

"Hindi talaga kami maglalaro Mix kapag hindi ikaw ang muse namin. Hindi namin ire-represent ang school. Bahala ka," seryosong sabi ni Collosus.

"Hala! Boys naman!" naaalarma kong sabi.

Tinatakot ba nila ako? Pwes kung oo, natatakot nga ako! Undefeated champion ang school namin sa basketball simula noong team na nila Ashton ang naglaro, at kung sakaling hindi sila maglaro ngayong interschool ng dahil lang sa akin, for sure pag-iinitan ako ng buong campus. Gugulo na naman ang  nananahimik kong buhay. Kung ayaw kong maging muse mas ayaw ko namang magkaroon ng issue!

"We're serious," ani Ashton.

"Waaahhhh! Oo na nga!" nagpapadyak ako ng paa at napaismid sa kanilang lima, "Papayag na akong maging muse niyo! Tss."

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon